Kabanata 2:
Maaga akong nagising at agad akong kumilos. Kailangan kasing maaga kami sa Casa ngayon kahit na mamayang gabi pa naman ang party. Matapos kong mag-ayos ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin.
Nagsuot lang ako ng isang jeans at puting t-shirt. Sinuklay ko ang maalon at medyo kulot kong buhok pagkatapos ay tinali iyon dahil magluluto pala ako mamaya. Nung matapos ako ay bumaba na ako at dumeretso sa hapag. Nandoon sina Mama, Papa, at ang kapatid ko.
"Anong oras ang punta mo sa Casa, Bella?" tanong ni Papa sa akin.
"Maya-maya po, Pa. Dadaanan po ako ni Lei dito at sabay po kaming pupunta roon," sagot ko at tumango naman sya.
"Ate, uwian mo ko ng handa kapag may natira ah," biglang sabi ni Charles. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Hindi pwede sayo ang mamantikang pagkain, Charles" sabi ko sa kapatid ko. Ngumuso naman sya at nagpatuloy sa pagkain.
Nung matapos kaming kumain ay tumulong pa ko kay Mama sa pagliligpit pero hindi rin natapos dahil dumating na si Lei. Pagkatapos nyang bumati kay Mama at Papa ay sabay na kaming lumabas ng bahay tsaka nagtungo papunta sa Casa.
"Ang sabi ni Mama ay may isusuot daw tayong uniporme mamaya," sabi ni Lei. Napatingin naman ako sa kanya, "Grabe, sobrang enggrande siguro ng party na yun," manghang dagdag nya pa.
"Siguro. Montenegro ang mga yun, bukod don, nagiisang apo na babae si Ma'am Lexie kaya paniguradong enggrande yon," sagot ko sa kanya.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa Casa. Agad kaming dumeretso ni Lei sa kusina at doon namin naabutan ang mga abalang tauhan ng mga Montenegro. Nakita naman agad kami ni Tita Carmela kaya lumapit ito agad sa amin.
"Mabuti naman at andito na kayo. Simulan nyo ng gayatin ang iba pang rekado ng mga lulutuin mamaya," sabi nya at sabay naman kaming tumango ni Lei. "Iiwan ko na kayo dito at kailangan ako sa loob para sa dekorasyon," dagdag pa ni Tita.
"Sige po, Mama. Kami na pong bahala dito," sagot ni Lei sa kanya.
Nagsimula na kami ni Lei na maggayat ng mga pansahog. Maraming putahe ang lulutuin mamaya dahil sa dami ng mga kailangan naming gayatin. Bagamat nasimulan na ito ay marami pa rin ang natitira.
"Kayo ba yung dagdag na sinabi ni Manang Carmela?"
Sabay kaming napalingon ni Lei sa isang kasambahay na nagsalita. Ngumiti ito sa amin kaya naman nginitian rin namin ito pabalik.
"Oo, ako si Lei. At best friend ko naman si Bella," pakilala ni Lei sa aming dalawa doon sa kasambahay.
"Hindi kayo nababagay dito," naka-ngiting sabi nya.
Gulat naman kaming nagkatinginan sa kanya ni Lei. At nagtakha sa sinabi nya. Magsasalita na sana si Lei ng tumawa ito at nagsalita,
"Ang ibig kong sabihin ay wala sa itsura nyo ang maging kasambahay. Lalo ka na Bella, napakaganda mong bata," paliwanag nya at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hiya.
"Ahhh, hehehe... Salamat," sagot ni Lei kasabay ng isang malawak na ngiti.
"Ate Cecil..."
Naputol ang usapan namin ng marinig namin ang boses na yun. Sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ma'am Lexie na pumasok sa kusina. Nagulat pa sya ng makita ako pero agad ring nawala iyon at nginitian ako ng malaki.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...