KABANATA 16

2.5K 32 2
                                    

Kabanata 16:



Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa school. Naglayag kasi ang utak ko kakaisip kay Axel. Bumalik ako sa wisyo ng maramdaman ko ang hawak sa akin ni Lei.

"Tara na sa loob?" tanong nya.

Dahan-dahan akong tumango at tsaka kami bumaba ng sasakyan. Nakita ko sa malayo si Lucas na nag-aabang sa amin. Napa-ngiti sya ng masulyapan ang nauunang sina Kiel at Kaiden. Pero agad ding nagbago ang ekspresyon nya ng matanaw nya ako. Katulad ng reaksyon ng iba kanina ay laglag din ang panga nya habang nakatingin sa akin. Pumitik si Lexie sa harap nya tsaka sya natauhan. Natawa si Kaiden at Kiel sa reaksyon nya. Naglakad sya papalapit sa akin at ngumiti.

"You're so gorgeous tonight, Belle" sabi nya at inilahad ang braso nya.

"Thank you, Lucas" sabi ko at isinukbit ang kamay ko sa braso nya.

Naglakad na kami papasok ng open space. Naka-pwesto si Lucas sa gitna namin ni Lei. Samantalang nasa harap naman namin si Lexie, Kaiden, at Kiel.

Nung pumasok kami sa venue ay halos lahat ay napa-lingon sa amin. Nakita ko ang gulat na tingin ng iba at nakarinig na ako ng bulungan. Dumeretso kami sa round table na nakalaan sa amin. Nagulat pa ko dahil kasama namin sa table sina Lexie. Lumapit pa muna sila kay Mr. President para makipag-usap samantalang kami naman ay naupo na.

Ramdam ko pa rin ang tingin ng halos lahat ng nandoon sa table namin. Lalo na sa akin.

Maya maya lang ay nagsimula na ang program. Winelcome sila Lexie bilang sponsor ng foundation day. Nag-speech si Mr. President at nagsimula ang mga performances from High School to College. Pagkatapos ng ilan ay nagsimula na ring magbigay ng pagkain. Nandito na sa table namin sila Lexie. Nagkekwentuhan sila nila Lucas.

"Nakakagutom naman lalo tong mga pagkaing to," sabi ni Lei nung maglapag ng pagkain sa table namin.

"Edi kumain ka na. Nagugutom na rin ako eh," sabi ko sa kanya.

Di kalaunan ay nagsimula na kaming kumain. Nagkekwentuhan kami ni Lei at ganun din sila Lucas habang kumakain kami. Nung matapos ay tinawag kaming part ng student council para sa isang photo-op. Pagkatapos ay nagpapicture sa akin ang iba naming kasama.

"Ang ganda mo, Bella!"

"Nakakainis naman yang ganda mo, Bells!"

"Sure akong ikaw nanaman ang Queen of the Night!"

Ilan lang yan sa mga sinasabi ng mga kasama ko sa council. Tanging ngiti at pasasalamat na lang ang nababanggit ko dahil sa mga papuri nila ay di ko maiwasang mahiya.

Nagdaan pa ang ilang performances hanggang sa binuksan na ang dance floor para sa pinakaiintay ng lahat. Ang maka-sayaw ang gusto nilang masayaw ngayon. Nagulat ako ng biglang may naglahad ng kamay sa akin,

"May I have this dance?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang naka-ngiting si Kaiden sa akin. Tinignan nya ang kamay nya bago ibinalik ang tingin sa akin. Para bang sinasabi nya na ipatong ko na ang kamay ko. Kahit nahihiya, dahan-dahn kong ipinatong ang kamay ko sa kanya. Ngumiti sya at iginaya ako papunta sa gitna.

Narinig ko ang mga bulungan at singhapan ng tapatan kami ng ilaw ni Kaiden sa gitna. Paano ba naman kasi napaka-gwapo ng lalaking ito sa harap ko. Patuloy lang kami sa pagsayaw kahit na naririnig namin ang mga sinasabi ng nasa paligid namin.

"Pinag-uusapan ka nila," natatawang sabi ko sa kanya. Matunog syang ngumisi sa akin..

"Pinag-uusapan nila ako dahil kasayaw ko ang pinaka-magandang babae ngayong gabi," sabi nya at ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon