KABANATA 17

2.3K 23 0
                                    

Kabanata 17:



Nagising ako ng may humaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagdilat at bumungad sa akin ang mukha ni Axel.

"Good morning, beautiful" sabi nya sa akin.

Napagalaw ako at naramdaman ko ang kirot na nanggaling sa gitna ng hita ko kaya naman napa-pikit ako ng dahil dito.

"Don't move. You're sore" sabi ni Axel sa akin.

Napatingin ako sa kanya at kita ko ang pagaalala sa mukha nya. Muling pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi. Napatingin ako sa suot ko at nagulat ako ng makita ko na ang suot ko ay ang polo ni Axel.

Napapikit ako ng maalala ang nangyari kagabi. Nagawa namin yun? Bakit... Bakit ako bumigay? Oo, mahal ko sya pero sapat na ba ang dahilang iyon para mangyari iyon sa amin? Marami pa kong pangarap bakit ko ginawa yun? Paano kung...

Hindi ko na naituloy ang iisipin ko dahil ayokong mangyari iyon. Dumilat ako at tumingin kay Axel.

"Sorry," sabi nya sa akin. Nagtakha ako,

"Para saan?" kabadong tanong ko.

"Because we did that last night. I'm sorry dahil hindi ko napigilan ang sarili ko," sabi nya sa akin.

Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Pero kahit ganun, tumitig ako sa mukha nya. Tinignan ko ang mata nya...

"Mahal kita kaya ko nagawang pumayag sa nangyari kagabi. Wala akong pinagsisisihan doon," sabi ko at hinaplos ang mukha nya.

Napapikit sya sa ginawa ko at hinawakan ang kamay kong nasa mukha nya.

"I love you," sabi nya ng naka-titig sa mata ko.

"Mahal din kita," sagot ko sa kanya.

Matapos ang ilang sandali ay napagdesisyunan na naming umuwi ni Axel. Ramdam ko pa rin ang sakit lalo na kapag naglalakad pero ininda ko ito. Hinatid nya ako sa bahay. Suot suot ko pa rin ang gown na suot ko kagabi.

Nagulat pa ko ng makarating kami sa bahay ay hindi ako pinaulanan ng tanong ng magulang ko. Yun pala ay naipagpaalam na ako ni Axel sa kanila kahapon. Di rin kalaunan ay nagpaalam na si Axel dahil babalik pa daw sya ng Maynila. Ang sabi nya ay magkita na lang daw ulit kami sa susunod na weekend.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagpunta ako dito matapos umalis ni Axel. Kaharap ko ang libro ko pero ang utak ko ay wala sa binabasa ko kundi nasa alaala ng nangyari sa amin ni Axel kagabi.


MABILIS na lumipas ang araw. Tatlong linggo na ang nakalipas mula nung mangyari yung foundation day. Nung una at pangawalang linggo ay nagkita kami ni Axel. As usual ay ipinaramdam nanaman nya sa akin na mahal nya ako. Pero netong mga nakaraang araw ay madalang kaming mag-usap. Sinabi nya naman sa akin yon dahil busy daw sya sa school at sa negosyo nila. Gaya ng dati ay inintindi ko sya dahil yun naman ang nangyayari sa amin.

Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at naging busy rin naman ako sa mga projects at commitments ko sa school lalo na ngayon ay nalalapit na ang graduation.

"Malapit na raw lumabas ang result nung exam. Kinakabahan tuloy ako," biglang sabi ni Lei dahilan para mabalik ako sa wisyo.

Nandito kami ngayon sa quadrangle. Tinatapos kasi namin ang seat work na kailangan naming ipasa ngayon.

"Kailan daw ba ang labas ng result?" tanong ko sa kanya.

"Next week daw eh," sabi nya.

Napa-tango na lang ako at napa-tingin ulit ako sa cellphone ko. Tinitignan ko kasi kung may text na si Axel. Kahapon pa kasi sya walang text sa akin.

"Walang text?" tanong ni Lei. Napatingin ako sa kanya.

"Wala. Baka nasa klase sya," sabi ko at nagkibit-balikat.

Hindi na sya nagsalita. Alam ni Lei lahat ang nangyayari sa amin ni Axel. Sa kanya kasi ako nagkekwento. Kinwento ko rin s kanya ang nangyari sa amin ni Axel noon dahil ilang araw din akong di pinatulog noon.

Nung matapos kami ay tumayo na kami ni Lei para pumunta sa teacher namin at magpasa.

"Haay nako, sobrang busy natin netong mga nakaraan ah" sabi nya habang naglalakad kami sa corridor.

"Malapit na kasi ang graduation natin," sabi ko sa kanya.

"Sabagay, di bale para naman sa pangarap to," sabi nya.

Kumatok kami sa pinto ng teacher's quarter. Pumasok kami at lumapit sa table ni Mrs. Reyes. Ngumiti sya ng makita kami.

"As expected, Ms. Fernandez and Ms. Santos," sabi nya.

Ngumiti kami sa kanya at iniabot ang papel namin. Hindi na rin naman kami nagtagal at lumabas na kami sa office na iyon. Wala na kaming klase dahil huli na iyong subject na iyon. Tinapos lang talaga namin ni Lei ang seat work na iyon dahil ngayon rin ang deadline na ibinigay sa amin ni Mrs. Reyes.

Naglakad na kami sa corridor patungo sa parking dahil tulad ng dating gawi ay pinapahatid at sundo ako ni Axel kay Mang Julian. Pero nagulat ako ng hindi si Mang Julian ang nagiintay sa amin sa parking lot kundi si Axel mismo.

Nakasandal sya sa sasakyan nya. Gwapong gwapo sya sa suot nyang gray button down polo na nakatupi hanggang siko, pantalon, at boots. Hindi nya pinapansin ang mga babaeng lumilingon sa kanya at pinaguusapan nya. Napatuwid sya ng tayo ng makita nya kami ni Lei.

"May pa-sorpresa naman pala kaya hindi nagtetext," bulong sa akin ni Lei habang palapit kami.

Agad syang lumapit sa akin ng makalapit na ako. Hinila nya ako at hinalikan sa noo. Narinig ko ang impit na kilig ni Lei sa likod namin.

"Are you done?" tanong nya sa akin.

"Oo. Bakit ka nandito? Wala kang klase?" tanong ko sa kanya.

"I missed you that's why I'm here," sabi nya.

Namula ang mukha ko sa sinabi nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa tuwing magbibitaw sya ng ganyang salita. Kakaiba pa rin sa pakiramdam iyon.

Sumakay kami sa sasakyan nya. Pinipilit pa naming ihatid si Lei pero tumanggi na sya dahil kaya naman daw nyang umuwi magisa.

Pumayag na lang ako dahil alam kong hindi ko na sya mapipilit pa. Tinanong ko si Axel kung saan kami pupunta ang sabi nya ay bibisitahin daw namin si Donya Juana dahil di pa daw sya dumadaan sa Casa dahil dito sya sa school dumeretso.

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon