Kabanata 15:
"Magandang Hapon, maganda kong kaibigan!"
Umalingawngaw ang boses ni Lei sa bakuran namin pagka-pasok nya ng gate. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nung maupo sya sa harap ko.
"Ang aga mo naman?" natatawang sabi ko.
"Syempre no! Huling foundation day na natin to sa school," sagot nya sa akin.
Sabagay, tama nga naman sya dahil simula elementary ay nagcecelebrate na kami ng foundation day. Maaaring eto na nga ang huli naming foundation day sa school na kinalakihan namin.
"Nasaan ang damit mo?" tanong ni Lei sa akin.
"Nasa kwarto ko. Kagabi pa lang ay na-ihanda ko na iyon,"
"Okay... Maya-maya ay pumanhik na tayo sa kwarto mo para makapag-ayos,"
Tumango na lang ako sa sinabi nya. Hindi kasi namin alam kung seryoso ba si Lexie kahapon sa sinabi nyang may damit kaming dalawa ni Lei sa kanya. Dahil mula nung maghiwa-hiwalay kami nung lunch ay hindi na ulit kami nagkita-kita.
Hindi ko alam kung saan sila nagpunta pagka-tapos nun dahil kami ni Lei ay naging abala na para sa huling rehearsal kahapon.
"Feeling ko may mangyayaring maganda mamayang gabi,"
Kumunot ang noo ko, "Anong maganda naman yun?" tanong ko.
"Ewan ko... Basta nafi-feel ko lang," aniya sabay ngisi sa akin.
Napa-iling na lang ako sa imahinasyon nya. Nagtuloy-tuloy kami sa kwentuhan ni Lei hanggang sa may itim na SUV ang tumigil sa harap ng bahay namin. Sabay kaming napa-lingon ni Lei doon at nagtakha naman ako at napa-isip kung may inaasahan ba kaming dadating ngayon. Pero bago pa masagot ang tanong sa isip ko ay nakita ko ng bumaba si Mang Julian at lumapit sa gate namin.
Napa-tayo kami ni Lei at ako na ang naunang lumapit kay Mang Julian. Bakit sya andito? Sinabihan ko na naman sya na kay Lucas kami sasabay ngayon eh.
"Magandang hapon po, Miss Fernandez" sabi nya nung maka-lapit ako.
Ngumiti ako, "Magandang hapon rin po, Mang Julian. Bakit po kayo naparito?" tanong ko.
"Pinapasundo po kayo ni Senyorita Lexie dahil nasa Casa na raw po ang mag-aayos sa inyo," sagot nya.
Nagka-tinginan kami ni Lei sa nadinig. Tsaka ako takhang bumaling kay Mang Julian na nag-iintay ng sasabihin ko,
"Mag-aayos po? Wala naman po kaming kinuhang taga-ayos," ani ko.
"Si Senyorita Lexie po ang kumuha ng mga mag-aayos. Ang bilin nya lang po sa akin ay sunduin ko kayo at dalhin sa Casa," magalang na sabi ni Mang Julian.
Nilingon ko si Lei at nagkibit-balikat lang sya sa akin.
"Sige po. Magbibihis lang po ako," sabi ko kay Mang Julian.
Agad akong pumasok sa bahay at sumunod naman sa akin si Lei. Nagtungo kami agad sa kwarto ko para kunin ang damit.
"Pati ba ako kasama?" tanong ni Lei sa akin. Nilingon ko sya,
"Oo naman. Isasama kita don no," sabi ko.
Nung matapos kong kunin ang kailangan ay lumabas na kami ng kwarto. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko tsaka kami lumabas palapit ulit kay Mang Julian. Agad nyang kinuha ang bitbit ko at inilagay sa loob ng sasakyan tsaka kami pinagbuksan ng pintuan ni Lei. Pumasok na kami at nagmaneho na agad si Mang Julian papunta sa Casa.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...