Kabanata 14:
Mabilis na lumipas ang araw. Naging medyo busy dahil sa preparations ng foundation day na magaganap bukas. Magmula nung makipag-meeting kami sa event organizer ay naging abala na kami program. Kaming student councils kasi ang mamamahala sa rehearsals pati sa flow ng program. Lahat ng performers ay puro estudyante. At ang magiging host namin ay ang President ng student council.
Ngayon ay nandito na kami sa venue. Buong araw ay excused kaming student councils para sa final touches ng venue at program. Sa pagka-abala ko dito ay minsan pagka-uwi ko na lang kami nakakapag-usap ni Axel. At minsan pa ay natutulugan ko ang text o tawag nya dahil sa pagod. Hindi ko nga maiwasang mahiya dahil nag-eeffort syang makapag-usap kami pero busy naman ako. Kahit na tuwing weekend ay magkasama kami parang kulang pa rin yun. Kaya nga pinangako ko sa sarili ko na matapos lang itong foundation day na ito ay babawi talaga ako sa kanya.
"Bella, oh" sabi ni Lei sabay abot ng tubig.
"Salamat, Lei" sabay ngiti ko sa kanya.
Uminom ako ng tubig habang pinagmamasdan ang venue. Napakaganda na nito. Parang hindi ito yung open space na lagi naming venue for foundation day. Enggrande at para kaming nasa labas ng isang hotel.
"Nakaka-excite naman umattend bukas!" sabi ni Joan, ang isa sa mga council.
"Ang elegante ng buong open space!" sabi pa ni Noreen.
Napa-tango na lang ako sa mga komento nila dahil maging ako ay namamangha sa ayos ng open space ngayon. Nakaramdam naman ako ng hiya para sa magiging itsura ko bukas. Ang sabi ni Lei ay sya ang magaayos sa aming dalawa bukas. Ang inaalala ko ay kung babagay ba ang sobrang simple kong damit dito sa enggrandeng venue na ito.
"Sige na guys, mag-lunch muna tayo tapos balik tayo dito by 1 o' clock para sa final rehearsals," sabi ni Karl, ang President namin.
Tumango naman kami at tsaka umalis doon patungo sa canteen. Hindi na nga kami nag-uniform ngayon dahil hindi naman kami papasok sa klase.
"Siguro si Bella nanaman ang pinaka-maganda bukas,"
"Palagi naman diba?"
"Tignan mo kahit naka-tshirt sya ang ganda pa rin..."
Ilan lang yan sa naririnig ko dito sa corridor papuntang canteen. Hindi ko na lang pinansin dahil nahihiya ako sa mga papuri nila sa akin. Kahit na hindi naman na bago sa akin iyon pero iba pa rin kasi.
"Ka-abang abang ka nanaman bukas, beshy!" tatawa tawa pa si Lei ng sabihin iyon.
"Lei! Bella!"
Hindi ko na nagawang sumagot kay Lei dahil umalingawngaw na ang boses ni Lucas pagkapasok namin sa canteen. Agad kaming nagtungo sa kanya at nagulat kami dahil may pagkain na agad sa lamesa namin.
Dahil sa gutom ay agad naming sinimulan ang pagkain. Grabe rin naman kasi ang init sa open space kanina pero wala kaming magagawa dahil kailangan naming i-polish ang program para bukas.
"So, susunduin ko ba kayo bukas?" tanong ni Lucas sa gitna ng pagkain namin.
"Oo, kila Bella kami mag-aayos," sagot ni Lei.
"Eh, paano yung driver mo Bella?" tanong sa akin ni Lucas.
"Sasabihan ko na lang sya na ikaw na ang magsusundo sa amin," sagot ko.
"Hindi ba pupunta si Axel? Diba mga Montenegro ang main sponsor bukas?" tanong nya muli.
Nagkibit-balikat ako, "Wala naman syang binabanggit sa akin. May pasok sya bukas ang sabi nya eh," sabi ko sa kanila.
Nagkibit-balikat na lang din si Lucas sa sinabi ko. Totoo naman kasing walang binabanggit si Axel sa akin kung aattend sya bukas. Pero...
"Baka sila Lexie at ibang pinsan nya ang umattend bukas," sabi ko dahil yun ang sinabi sa akin ni Axel.
Nag-angat ng tingin si Lucas, "Talaga? Uuwi yung magpipinsan?" takhang tanong nya.
"Yun ang nabanggit sa akin ni Lucas. Dahil nga may pasok sya sila Lexie daw ang aattend para irepresent sila," sabi ko.
"Sayang naman, Bells. Wala kang ka-date bukas?" tanong ni Lei. Natawa naman ako,
"Andyan naman kayo ni Lucas no," sabi ko sabay turo sa kanila.
Napa-iling na si Lucas at umirap si Lei sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa pagkain at maya-maya ay umingay ang canteen dahil sa mga bulungan. Nag-angat kami ng tingin at pare-pareho kaming nagulat ng makita si Lexie, Kaiden, at Kiel na papasok sa canteen.
Tila ba may hinahanap sila at nung tumayo si Lucas ay lumiwanag ang mukha ni Lexie. Agad syang nagmadali papunta sa amin. Hindi pinapansin ang mga estudyanteng manghang-mangha sa kanilang tatlo.
"Oh my God, Bella!" sabi nya sabay hila sa akin at yumakap, "I missed you!" halos pasigaw na sabi nya.
Tumango naman sa akin si Kaiden at ngumisi si Kiel. Tsaka silang dalawang binati si Lucas.
"Why are you here, dude?" tanong ni Lucas sa kanila.
"Our boss sent us here to make sure that her queen is ready for tomorrow's event," sabi ni Kiel at sumulyap sa akin.
"Boss?" takhang tanong ni Lei.
"Axel told us to come here because of the event tomorrow," paglilinaw ni Kaiden.
Napa-tango tango naman si Lei sabay sulyap sa akin. Naka-ngisi na agad sya at alam ko na ang ibig sabihin nya.
"Bella, I heard that my dearest cousin is courting you!" kinikilig na sabi ni Lexie sa akin.
"Ahh... oo" nahihiyang sabi ko.
"Finally, the dude got some balls" sabi ni Kaiden at tumawa sila ni Kiel.
"Oh, well, we're here for tomorrow. And Bella, I bought you a dress. You too, Lei" masayang sabi ni Lexie.
Nagulat naman kami ni Lei at nagkatinginan. Tsaka ako muling bumaling kay Lexie.
"Dapat hindi ka na nag-abala. May susuotin naman kami bukas," sabi ko sa kanya.
"I won't let my soon to be cousin-in-law will wear something simple. I know you are simple but I want you to be the most beautiful lady tomorrow," sabi nya.
"Hayaan mo na sya, Bella. Dahil sinapak nya si Axel nung subukan ka nitong bilhan ng damit," natatawang sabi ni Kiel kaya naman napatingin ako kay Lexie.
Nag-peace sign lang si Lexie at isinabit ang kamay nya sa braso ko. Inalok namin silang kumain kaya naman umorder kami ng panibagong pagkain.
Nung natapos kami ay inilibot ni Lucas yung tatlo sa buong school samantalang kami ni Lei ay muling bumalik sa open space.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...