Kabanata 34:
"Are you okay?"
Iyan ang salubong sa akin ni Jackson pagka-balik ko galing comfort room. Ngumiti ako at tumango sa kanya bilang sagot tsaka ako umupo muli sa tabi nya.
Agad kong nilagok ang tequila na iniabot nya sa akin, nagbabaka-sakaling mapakalma nito ang kanina pang nagwawala kong puso. Hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Axel doon at pumasok pa sa mismong loob!
Tahimik lang akong naka-upo sa tabi ni Jackson habang sila ay masaya at maiingay na nagkekwentuhan. Maya-maya ay dumating na si Axel na hindi maipinta ang itsura. Nagtama ang paningin namin at masama na agad ang tingin nito sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.
"Where have you been, dude?" rinig kong tanong ni Ian sa kanya.
Hindi sumagot si Axel at dere-deretsong umupo sa pwesto nya kanina. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Jackson sa akin.
"He followed you, right?" bulong nya tenga ko.
Napa-lingon ako sa kaibigan ko at kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Paano nya naman iyon nalaman? Naroon rin ba sya kanina? Narinig nya kaya yung pinag-usapan namin?
"Relax, Belle... I was not there. I just saw him going to the restroom right after you went there," paliwanag nya nung mabasa nya ang pagtatakha sa mukha ko.
Naka-hinga naman ako ng maluwag sa sinabi nyang iyon. Nagbuntong-hininga ako tsaka tumango sa kanya. Napa-iling naman at napa-ngisi si Jackson sa sagot ko.
"He was there when I went out the cubicle," sabi ko.
"Want to go home?" tanong nya.
Tinignan ko ang mga Montenegro at mga kaibigan kong nagkakasiyahan pa. Tsaka ko ibinalik kay Jackson ang tingin.
"No, let's stay for a little while," sagot ko at tumango naman sya.
Nagtagal pa kami roon. Napuno ng kwentuhan ang mesa namin. Kasama na roon ang mga kwento ni Lucas nung nag-aaral pa kami sa Amerika.
Hanggang sa napag-desisyunan na naming umuwi dahil nag-aya na rin si Lei at Lexie. Agad kaming nagtungo sa parking lot at nagpaalam na sa isa't-isa. Bago ako sumakay ng sasakyan ay nagtama pa ang paningin namin ni Axel. Ngayon, makikita mo na talaga ang selos sa mukha nya. Para bang sinasabi nya na sana sya na lang ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ni Jackson sa akin ngayon.
Tahimik ang naging byahe namin ni Jackson hanggang sa makarating kami sa penthouse. Agad na nagpa-alam si Jackson na maliligo. Ako naman ay dumeretso sa mini balcony ng bahay ko. Bitbit ang isang baso ng tsaa na tinimpla ko.
Tanaw na tanaw ko mula rito ang nagtataasang building ng Manila. Ang city lights na nagbibigay ng ganda at liwanag sa buong syudad. At kapag tumingala ka ay makikita mo ang naggagandahang mga bituin at bilog na buwan. Nakaramdam ako ng payapa habang pinapanood ko ang tanawin na ito.
"Can't sleep?"
Napa-lingon ako sa likod ko at nakita kong nakatayo sa may glass door si Jackson. Nakasuot na ito ng puting t-shirt at gray shorts habang nay hawak hawak na isang baso ng alak.
"Aren't you contented on the tequila shots that we had?" natatawang tanong ko para hindi ko masagot ang tanong nya.
Hindi sumagot si Jackson, sa halip ay umupo sya sa tapat ko. Nakatitig lang sya sa akin ng seryoso. Ang totoo ay hindi talaga ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Axel sa akin kanina. At ang mas hindi ko maintindihan kung bakit ang estupidang puso ko ay grabe ang pagwawala sa mga salitang binitawan nya kanina.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...