KABANATA 35

5.1K 52 1
                                    

Kabanata 35:




"Good bye for now, Belle. Always take care yourself,"


Iyan ang sabi sa akin ni Jackson habang naka-yakap sa akin. Andito kami sa airport dahil inihatid namin sya. Kasama ko si Lucas at Lei. Pare-pareho kasi kaming night shift ngayon kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na ihatid si Jackson.


"I will, Ash. Take care too," sagot ko dito.


Humiwalay sya ng yakap at tinitigan ako sa mata. Ngumiti naman ako para mapanatag sya. Pero mukhang di ata tumalab sa kanya iyon dahil bumuntong-hininga sya.


"Remember what I said, make yourself happy, Isabella. You suffered enough, I'm sure your little angel up there wants to see her mommy happy," sabi nya at sumulyap saglit sa langit tsaka ibinalik sa akin ang tingin.


"Don't worry, Ash. I will be happy," sagot ko sa kanya ng naka-ngiti.


"And if he will hurt you again, tell me. I will come here and give him a solid punch," seryosong sabi nya na ikinatawa ko naman.


Sumama ang mukha nya dahil sa reaksyon ko pero di ko ito mapigilan, "I'm serious, Belle!" iritang sabi nya.


Kumalma ako, "Yes, don't worry" sagot ko sa kanya.


"Make sure of that! I'll let you go for his fucking second chance," sabi nya habang nakaturo sa akin.


Tumango naman ako sa kanya at napansin ko ka-agad ang lungkot sa mata nya. Ngumiti ako at tinitigan ang mukha nya. Alam kong nung gabing nagusap kami tungkol kay Axel ay iyon ang gabing tinanggap na nya na wala na syang pag-asa sa akin. Pero kahit ganun, hindi pa rin nagbago ang turing sa akin ni Jackson. Sya pa rin yung lalaking nakilala ko noon sa Mayo.


Nagulat ako ng biglang lumapat ang labi nya sa noo ko kaya naman napabalik ako sa ulirat. Ngumiti sya sa akin.


"You're spacing out. Are you thinking of him?" tanong nya.


Kumunot naman ang noo ko. Alam kong si Axel ang tinutukoy nyang iniisip ko. Kaya naman ngumiti ako at umiling.


"I'm just grateful that I met you, Ash. You're a great man and I am sure that there will be a girl for you," sinsero kong sabi.


Natawa sya, "Is there another Isabella in this world?" natatawang tanong nya kaya naman tumawa rin ako.


"There isn't. But there is a girl that is greater than me. A girl that destined to be with you," naka-ngiti kong sagot.


Tumango-tango naman sya. Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na sya dahil malapit na ang boarding nya. Nagpaalam na sya kila Lucas at may ibinulong pa sa loko-loko kong kaibigan na sumang-ayon rin naman.


Naka-ngiti akong pinanuod si Jackson hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Tsaka ko pinakawalan ang buntong-hininga na kanina ko pa gustong pakawalan.


I know that Jackson is truly a great man. I know that ever since I met him. But just like Lucas, I considered him as a friend, a brother to me. I considered them as my friend because of this one guy who took my heart and never gave it back... until now.







MABILIS lumipas ang mga araw at nagtuloy tuloy ang recovery ni Donya Juana. Sa mga nagdaang linggo, bumalik ang pagpapadala ng mga bulaklak ni Axel. Minsan ay sya mismo ang nagbibigay ng mga ito. At sa bawat pag-abot nya sa akin ng bulaklak ay doon ko mas narerealize na hindi ko kailanman nakalimutan ang nararamdaman ko sa lalaking iyon.


Maaaring natabunan lang ito ng galit dahil sa nangyari pero hindi ito kailanman nawala. Siguro nga ay ganun talaga kapag nagmahal ka, kahit anong galit at pagkamuhi ang maramdaman mo... kahit anong pananakit ang ginawa nya, kung para sa kanya talaga ang puso ko ay babalik at babalik ako sa kanya.


"Bella?"


Napa-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Andito pala kami sa cafeteria kasama ang mga Montenegro at si Lexie ang tumawag sa akin.


"Yes?" gulat kong tanong.


"I'm inviting you to Lola's Birthday this weekend. Can you come?" pag-uulit nya.


"Of course, she will come. Susunduin ko sya at sabay kaming uuwi ng Asturias,"


Sinamaan ko ng tingin ang nagsalitang si Axel. Simula noong araw na sinubukan ko ulit syang kausapin ng normal ay ganyan na sya. Akala mo walang kasalanang ginawa sa akin. Kung umasta ay parang pagmamay-ari nya na ako.


"Shut up!" angil ko sa kanya tsaka tumingin kay Lexie. "I'll check my sched, Lex" sagot ko dito.


"Okay. I'll wait for that. Dapat nandun ka kasi you are Lola's Doctor," dagdag nya.


Ngumiti naman ako at tumango. Maya maya lang ay dumating na ang pagkain namin.


"Yan lang ang kakainin mo for lunch?"


Alam nyo na kung sino ang nagsabi nyan? Edi yung epal na Axel. Pati order kong sandwich at coffee ay pinapansin. Kumunot ang noo ko sa kanya.


"And so? Eh eto ang gustong kong kainin," pambabara ko sa kanya na ikinatawa ng mga pinsan nya maging sina Lei at Lucas.


"Dude, you're too clingy," asar sa kanya ni Ian.


"And so?" pagsusungit nya.


Mas lalong nagtawanan ang mga pinsan nya. Hindi ko na lang sya pinansin at nagsimula ng kumain.


Ganun lang lagi ang set-up namin dahil laging nakabuntot sa akin si Axel. Mula pagpasok ko hanggang sa matapos ang duty ko sa ospital ay nandyan sya. Minsan nga ay gusto ko na itong tanungin kung may ginagawa pa ba syang iba bukod sa pagsunod sa akin dito sa ospital. Pero di ko magawa dahil baka isipin nya ay napapanatag na ako sa kanya.


Syempre, gusto ko munang suguraduhin na kapag binigyan ko ulit sya ng pagkakataon at sigurado na sya sa akin. Na kung may hahadlang man ay hindi nya ako muli iiwan at tatalikuran.


Lalo na ngayong nasigurado kong mahal ko pa rin pala sya. Ayoko na ulit masayang yung pagmamahal na iyon. Gusto ko kapag binigyan ko sya muli ng pagkakataon ay sya na talaga hanggang dulo. Dahil sa ngayon, sigurado na kong sya ang gusto at mahal ko.

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon