KABANATA 7

2.9K 33 1
                                    

Kabanata 7:




Tahimik akong nagbabasa dito sa bakuran namin. Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nandito sa bahay dahil si Papa ay nasa sakahan. Samantalang si Mama ay kinailangan ng pumasok ng eskwelahan dahil malapit na ang muling pagsisimula ng klase.


Napaisip ako ng mga plano ko pagtapos ko ng high school. Magko-kolehiyo na ako at ang una kong aasikasuhin sa pagbabalik ko sa school ay ang pagkuha ko ng scholarship para sa kolehiyo. Alam ko namang nagiipon ang mga magulang ko para doon pero gusto ko rin silang tulungan. At ang naiisip kong paraan ay ang pagkuha ko ng scholarship. Hindi naman kasi biro ang kursong gusto ko at ang propesyong tatahakin ko. Ni hindi ko nga alam kung imposible nga ba iyon dahil sa buhay na mayroon kami. Pero sa tuwing titignan ko ang kapatid ko ay mas lalong umuusbong ang kagustuhan kong tuparin ang pangarap ko.


"Isabella!"


Napa-balik ako sa ulirat ng sigawan ako ni Lei. Hindi ko napansin na kasama ko nga pala sya kanina pa. Netong mga nakaraang araw ay napapadalas ang punta nya dito. Kunwari pang para samahan kaming mag-kapatid pero ang totoo lang ay gusto nya lang magkwento ako ng tungkol sa amin ni Sir Axel.


"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya. Sumimangot sya


"Magkwento ka na kasi!" pagpipilit nya.


Ilang araw na rin ang lumipas nung pumunta ako sa mga Montenegro para turuan si Sir Axel. Simula noon ay hindi na ulit kami nagkita o nagkausap uli dahil nasa bahay lang naman ako palagi.


"Ano ba kasing ikekwento ko sayo?" malumanay na sabi ko habang nasa libro ang paningin.


"Yung nangyari nga sa inyo ni Sir Axel!" naiinis na aniya. Napa-angat ako ng tingin sa kanya.


"Walang nangyari sa amin!" depensa ko at ramdam ko ang pagpula ng mukha ko.


Ngumisi si Lei, "Alam kong meron, Bella. Hindi ka mamumula ng ganyan kung wala,"


Napa-buntong hininga ako at itinuon ang atensyon ko sa kaibigan ko. Alam kong hindi nya ako titigilan hanggat di ko sinasagot ang mga tanong nya.


"Ano bang gusto mong malaman?" lumawak ang ngiti nya at umayos ng upo.


"Kamusta si Sir Axel habang tinuturuan mo sya?"


Naramdaman kong namula ako sa tanong nya dahil maging ang tono nya ay parang kinikilig pa. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at umubo ng onti bago magsalita.


"Okay naman. Madali syang matuto," sagot ko ay ibinalik ang tingin sa kanya.


"Tapos? Anong ginawa nyo pagtapos?" tanong nya muli.


Bumuntong hininga ako muli tsaka ko kinwento ang nangyari noong araw na iyon habang inaalala ito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang kinekwento ito at si Lei naman ay impit na tumitili kapag nakikita nya akong ngumi-ngiti sa pagke-kwento. Kaya naman agad akong sumeseryoso para hindi sya magisip ng kung ano-ano. Natapos ang pagkekwento ko hanggang sa maihatid ako dito ni Sir Axel. Hindi ko na sinabi kay Lei ang ibang sinabi sa akin ni Sir Axel dahil alam kong iba agad ang maiisip nya rito.


"Alam mo, base sa kwento, feeling ko may gusto sayo si Sir Axel..." sabi nya habang napapaisip pa.


Ngumisi ako, "Feeling mo lang yun" sabi ko at itinuon muli ang atensyon sa libro.


Humarap sya ng ayos sa akin at nanlalaki pa ang mata sa paglapit ng mukha nya kaya naman napa-atras ako.


"Hindi, Bells eh. Feeling ko talaga may kakaiba eh," sabi pa nya.


The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon