Kabanata 12:
Nagising ako sa sinag ng araw sa kwarto ko. Agad akong nagmulat at napatulala sa kisame. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-paniwala na nanliligaw sa akin ang isang Axel Montenegro. Maging si Lei ay todo ang tili nung sinabi ko sa kanya iyon. Sya ang laging kinikilig para sa aming dalawa. Kaya lang si Lucas ay hindi matanggap nung una ang nangyari. Hindi nya ako pinansin ng dalawang araw dahil doon.
"Lucas..." tawag pansin ko sa kanya nung matapos ang klase namin. Tumingin sya sa akin ng salubong ang kilay.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.
"Meet me at the backyard," yun lang ang sabi nya at naunang lumabas.
Humarap ako kay Lei na nanonood sa aming dalawa. Sa dalawang araw na di pagpansin sa akin ni Lucas ay si Lei ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami.
"Maiintindihan nya rin yan, Bells" sabi nya sa akin.
"Kapag nakita mo si Axel, pakisabi na lang sa kanya ah" sabi ko at tumango ang kaibigan ko.
Lumabas na kami ng room. Sabi ni Lei ay magiintay sya sa akin sa quadrangle kaya naman dumeretso na ko sa sinasabing lugar ni Lucas dito sa school. Pagkarating ko doon ay nakatayo na si Lucas malapit sa ilog. Lumapit ako sa kanya at nung malapit na ko,
"Lucas..." tawag ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin. Salubong pa rin ang kilay at halata mong iritado pa rin sa akin.
"Hindi ko kasi maintindihan, Bella eh. Nakilala mo si Axel nung bakasyon lang tapos pinayagan mo ng manligaw. Samantalang ako, kilala mo na ko buong buhay mo pero hindi mo ko binigyan man lang ng chance," sabi nya agad sa akin.
Nakatitig ako sa kanya. Bakas sa mukha nya na nasasaktan sya sa naging desisyon ko. Maski ako rin naman Lucas, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Naiintindihan ko ang gusto nyang sabihin.
"Kahit saan ko tignan hindi ko maintindihan. Binali mo ang pangako mo sa sarili mo na hindi ka makikipagrelasyon dahil nagaaral ka. Binali mo para sa kanya?" dagdag nya pa. Napayuko ako,
Bumuntong hininga ako, "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Lucas. Maski ako ay hindi makapaniwala na babaliin ko ang pangakong yon para kay Axel. Pero sana maintindihan mo ko sa desisyon ko. Kaibigan kita at hindi ko kayang nagkakaganito tayo," sabi ko sa kanya.
Napa-singhap sya doon kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matagal pa bago sya tumingin sa akin bago unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha nya.
"Do you like him?" tanong nya na ikinagulat ko.
Iyan ang tanong na paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko simula ng ligawan ako ni Axel. Gusto ko kasing makasigurado sa feelings ko sa kanya nung hayaan ko syang ligawan ako. Pero isang sagot lang ang laging natitira sa utak ko...
"Oo.." sagot ko sabay tango.
Napatango-tango din si Lucas. Nagulat ako ng bigla nyang ilahad ang kamay nya sa akin. Napa-ngiti ako at lumapit sa kanya para yakapin sya. Hinaplos nya ang buhok ko kaya mas lumawak pa ang ngiti ko.
"Okay. As long as you're happy, Bella. I'm here to support you, always" sabi nya habang naka-yakap sa akin.
"Thank you, Lucas" sabi ko sa kanya.
Humiwalay kami sa isa't isa. Ngumiti na muli si Lucas sa akin kaya naman nginitian ko rin sya.
"Tara na? Baka iniintay ka na ni Axel" sabi nya.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
AlteleAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...