Kabanata 23:
"Dr. Fernandez!"
Lumingon ako sa likod nung may marinig akong tumawag sa akin. It was one of my residents, Elise. Nagmamadali syang lumapit sa akin kaya naman tumigil ako para antayin sya.
"Dr. Fernandez, we need a consult in the E.R," hinihingal pa nyang sabi. Kumunot ang noo ko.
"Why didn't you page me? We have a pager, use it if there's an emergency," sabi ko sa kanya at nagtungo sa elevator.
Sumunod naman si Elise sa akin at sabay kaming bumaba papunta sa Emergency Room. It's been a year since I passed the board exam. Isa na kong ganap na Cardiothoracic Surgeon at dito na rin ako sa Amerika nagsimulang magtrabaho.
When me and Lucas passed the board exam, he decided to go back in the Philippines. Ang sabi nya ay kaya raw sya nagdoktor ay para pagsilbihan ang mga kababayan nya. Kaya kahit parehas kaming may offer sa ospital na ito ay hindi nya yun tinanggap. Ako naman ay mas piniling kumuha muna ng experience dito bago ako uuwi sa Pilipinas. Tinatanong na rin ako ng pamilya ko kung kailan ako uuwi dahil magsasampung-taon na simula nung umalis ako ng Pilipinas para mag-aral. Sinabi ko naman sa kanila ang plano ko at pumayag naman sila.
"What's the status?"
Agad kong tinanong iyon nung maka-pasok ako sa Trauma Room 2. Doctors and Residents are flocking to a young boy. He's rushed here from a car accident. Lumapit ako at nagsuot ng gloves.
"Look at this, Doctor" sabi ni Dr. Heather, a general surgeon.
Tinignan ko ang pasyente at nung may mapansin ako ay agad kong pinunit ang suot nitong damit at tumambad sa akin ang dibdib nyang namumula sa loob.
"He's tamponading," sabi ko at lumingon kay Elise, "Pass me a 10-blade and a tube. We need to take out the blood cloth then book an O.R. immediately," sunod-sunod na sabi ko.
Agad naman kumilos ang resident ko. Ginawa ko ang procedure para makahinga ng ayos ang batang lalake. Nung matapos ay agad kaming dumeretso papunta sa Operating Room.
"Elise, scrub in" sabi ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nya.
"Thank you, Doctor!" masayang sabi nya at agad na kumilos.
Pagka-scrub ko ay agad akong pumasok sa Operating Room. Agad kong sinimulan ang procedure. Matapos ang ilang oras ay naging successful ang operation. Kung hindi agad nadala ang bata dito ay baka manganib ng tuluyan ang buhay nya. Buti na lang at agad kong nagawa ang surgery.
"Dr. Fernandez, the patient's family is at the waiting lounge," sabi ni Elise habang nagtatanggal kami ng scrub suit.
"Okay, let's talk to them" sagot ko.
Tumango naman sya at sabay kaming lumabas ng O.R. tsaka nagtungo sa waiting lounge ng ospital. Nung maka-punta ay agad akong sinalubong ng parents nung bata.
"Mr. and Mrs. Meyers, this is Doctor Bella Fernandez. She's the surgeon who operated on your son," pagpapa-kilala ni Elise sa akin.
Tumingin sa akin yung mag-asawa at nakita ko ang pamumula sa mata nila pareho. Kaya naman ngumiti ako para mapanatag sila.
"Good evening, Mr. and Mrs. Meyers. The surgery on you son is successful. He's now transferring to a comfortable for recovery," balita ko sa kanila.
At doon na umiyak ang nanay nung bata. Napatitig ako sa kanya at bigla akong may naalala. Ramdam ko agad na pumait ang ngiti ko.
"Thank you, Doctor. Thank you!" masayang sabi nung ama ng bata.
"You're welcome," ngiti ko sa kanila. "You can visit him. Dr. Robertson will assist you to his room," dagdag ko pa.
Tsaka ako lumingon kay Elise at tumango. Nagpa-alam na ko sa mag-asawa at dumeretso sa elevator.
Pagka-pasok ko ng elevator ay agad kong pinindot ang floor ng lounge namin. Habang nag-iintay ay muli kong naalala yung itsura nung ina ng bata nung ibinalita ko ang kondisyon ng anak nya. Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko at mapait na ngumiti.
Hey, little angel. Would you be a boy or a girl? I wish I granted a chance to hold you...
Napa-buntong hininga ako ng may mag-landas nanamang luha sa mga pisngi ko. Nung tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ko ay agad kong pinunasan ang pisngi ko. Nagpa-kawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago lumabas. Dumeretso agad ako sa lounge at pagka-pasok ko ay kumuha agad ako ng kape.
"Oh, hi there my loves!"
Napa-lingon ako nung marinig ko ang boses ng isang lalaki sa likod ko.
"Shut up, Jackson!" asik ko sa lalaking kaka-pasok lang. Natawa naman sya.
"Bad mood?" natatawang sabi nya sabay upo sa harap ko.
"Yeah, when I heard your voice, my mood suddenly change," sagot ko sabay higop ng kape.
"Are you that excited to see me?" manghang tanong nya.
Inirapan ko sya, "In your dreams" sabi ko.
Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan nitong sofa at pumikit. I want to rest my mind. I want to calm myself from the thing that came to my mind a while ago.
"Oh, I have only one dream and that is to be with you," banat nya sa akin. Kumunot ang noo ko pero di ko iminulat ang mata ko.
"Don't talk such nonsense thing, Jackson. And shut up because I'm resting," mataman kong sabi sa kanya.
"You can rest here in my shoulder," offer nya.
Hindi na ko sumagot at ipinahinga na lang saglit ang utak ko. Jackson has been hitting on me for months now. Nung una pa lang nya akong ayain ay tumanggi na ako dahil wala na nga sa isip ko ang mga ganung bagay. Pero hindi pa rin sya tumitigil. Isa sya sa mga naka-sabay kong magtrabaho dito sa ospital nung maka-pasa ako ng board. He's a General Surgeon and he is one of the best in our hospital. Every surgeon in this hospital thinks that we have a thing pero agad kong sinasabing wala iyon. Aaminin ko, Jackson is one of a hella hot doctor here. Maraming Nurses ang nagkaka-gusto sa kanya. And he's enjoying it. He loves attention. He loves girls flocking their asses to him. Isa rin yun sa inayawan ko sa kanya dahil masyado syang lapitin ng babae. But he's a nice person. Sa pagkaka-kilala ko sa kanya, he became one of my considered friends here in this hospital.
"Everytime I look at you, there is an unexplainable sadness that your eyes scream. And I don't know what that means,"
Napatigil ako sa biglaang linyang iyon ni Jackson. Pero hindi ko na iyon pinansin dahil ayokong mag-kwento ng kahit ano tungkol sa buhay ko. Iminulat ko ang mata ko tsaka tumayo. Nakatingin pa rin si Jackson sa akin.
"Stop talking nonsense and get back to your work,"
Iyon na lang ang sinabi ko at binitbit ang kape ko palabas ng lounge.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
AléatoireAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...