Kabanata 9:
Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay magbabalik na kami sa eskwelahan. Mula nung party ay wala na ulit akong narinig sa mga Montenegro. Mas mabuti na rin yun dahil simula nung gabing iyon ay napag-desisyunan kong mag-focus na lang sa pag-aaral at huwag mag-isip ng ibang bagay.
Matapos kong mag-ayos ay agad kong kinuha ang bag ko at mga libro. Pagkalabas ko ng kwarto ay nandun na si Lei na nag-iintay sa akin. Ngumiti agad sya ng makita ako,
"Tara na?" naka-ngiting tanong nya at tumango naman ako.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang school. Si Mama at Charles ay nauna ng pumasok at si Papa naman ay nasa trabaho na rin. Pagkarating namin sa tapat ng gate ay agad kaming bumaba ni Lei at dumeretso papasok sa loob.
Maya-maya lang ay pareho kaming nagulat ni Lei nung may biglang umakbay sa aming dalawa. Nag-angat kami ng tingin at nakita namin ang ngising-ngising si Lucas.
"Good morning, ladies!" masayang aniya.
"Good morning!" sabay naming bati ni Lei.
Kitang kita ko ang mga titig ng mga tao sa school. Dati pa man ay ganito na sila. Lalo na kapag kasama namin si Lucas. Kilala si Lucas dito sa school hindi lang dahil anak sya ng Mayor, kundi dahil mismo sa kanya. Gwapo si Lucas at varsity namin sya ng basketball. Kaya naman napaka-raming babae ang nahuhumaling sa kanya. Kaya nga ganun na rin ang sama ng titig sa amin ng mga babae kapag nadidikit sa amin itong si Lucas.
"Grabe! Hindi ako maka-paniwalang ilang buwan na lang ay tapos na tayo ng high school," sabi ni Lei ng maka-upo kami.
Sya ang naka-upo sa isle samantalang ako ang katabi nya at katabi ko naman si Lucas. As usual ang pwesto namin ay sa pinakalikod dahil ayaw namin ng masyadong sentro ng atraksyon.
"Ano kayang feeling kapag nasa college ka na," sabi pa rin ni Lei.
"Don't worry, Lei. Mararanasan mo rin yun kung di ka babagsak," sabi ni Lucas sabay tawa ng malakas.
Maging ako man ay natawa rin. Habang si Lei ay tinignan ng masama si Lucas tsaka ito binatukan. Nakakapagkulitan pa sila dahil wala pa ang teacher namin.
"Ano bang kukunin mong course, Lei?" tanong ko nung matigil sila ni Lucas.
"Edi ano pa? Nursing!" sabi nya at tumango naman ako, "Kayo ba?" dagdag nya.
"Ako, baka Nursing din ang pre-med ko" sabi ni Lucas sabay tingin sa akin, "Ikaw, Bells?" tanong nya
"Yun din ang balak kong kunin na pre-med course," sabi ko sa kanila.
"Langya! Parang kelan lang uhugin pa si Lucas tapos ngayon nagbabalak ng maging doktor!" sabi ni Lei tsaka tumawa rin ng malakas.
"Talaga ba? Atleast di ako lampa," ganti ni Lucas sa kanya.
At nagpatuloy sila sa asaran. Nung mga bata kasi kami ay palaging nadadapa itong si Lei lalo na kapag P.E. namin. Si Lucas naman ay medyo madungis palagi. Nakakatuwa lang na isiping ang daming taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami. Hindi na ata mawawala sa sistema namin ang presensya ng isa't-isa dahil sa dami ng pinagsamahan namin.
Maya-maya lang ay pumasok na ang teacher namin. Agad syang nagsimulang mag-discuss ng mga topic na pag-aaralan namin hanggang matapos ang school year. Kung ano ang mga expectations sa mga subjects ay sinabi nya rin. Nagtuloy-tuloy ang klase hanggang sa matapos ang morning class. Lunch na at nung makapag-ligpit kami ng gamit ay agad kaming lumabas ng room tsaka nagtungo sa Canteen.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...