Kabanata 25:
"Welcome to The Philippines!"
Iyan ang bati ng ilang airport staff na nag-aabang dito. Kababa ko lang ng eroplano at sila ang mga sumalubong sa akin. Agad kong sinuot ang aviators ko at naglakad papunta sa baggage claim.
Nung makuha ko na ang dalawang malalaking maleta na dala ko ay agad na kong nagtungo palabas ng airport.
"Bella!"
Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Lucas at ang kumakaway na si Lei sa labas ng airport. Ngumiti ako sa kanila at naglakad papalapit. Sinalubong naman ako ni Lucas ng ngiti tsaka ako nilapitan para kuhanin ang mga maleta ko.
"Thanks!" naka-ngiting sabi ko.
"Welcome back!" sabi nya at hinalikan ako sa noo.
"Huukk---"
Nabigla ako sa biglaang yakap ni Lei sa akin. Humigpit ang yakap nya na para bang ayaw nya na kong makawala.
"Teka, Lei. Di ako makahinga," natatawang sabi ko.
Humiwalay sya at nangingilid ang luha na tumingin sa akin. Nginitian ko naman sya ng maganda. Miss na miss ko ang babaeng to!
"Nakakainis ka! Kung di pa ma-oospital ang kapatid mo, hindi ka pa uuwi!" naka-ngusong sabi nya.
Inakbayan ko sya at hinila na papasok ng sasakyan ni Lucas na tatawa-tawa lang habang pinapanood kami.
"I miss you too!" natatawang sabi ko kay Lei.
Tinignan nya ako nung maka-upo kami sa loob. Mula ulo hanggang paa tapos ibinalik nya ang tingin sa mukha ko.
"Grabe, iba talaga ang hangin sa Amerika no? Lalo kang gumanda oh!" manghang sabi nya na ikinatawa namin ni Lucas.
"At marami ring nagkaka-gusto sa kanya don!" singit ni Lucas sa amin.
"Talaga? Ano? May asawa ka na bang afam?" tanong ni Lei.
Natatawa akong umiling, "Wala na sa plano ko yan. Ikaw ba? May boyfriend ka na?" tanong ko sa kanya.
Biglang nasamid si Lucas sa harap at si Lei naman ay nag-iwas ng tingin. Nagpa-balik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nung mag-salubong ang tingin namin ni Lucas ay namula sya tsaka nag-iwas ng tingin. Dahan-dahang nanlaki ang mata ko sabay tingin kay Lei.
"What? At wala kayong balak sabihin sa akin?!" gulat na tanong ko kay Lei.
Nakita ko syang namula tsaka dahan-dahang ngumiti sa akin na parang nahihiya.
"Hindi pa naman official eh," nahihiyang sambit nya.
"Kailan nyo sasabihin sa akin? Kapag ikakasal na kayo? Magugulat na lang ako ganon?" kunwaring nagtatampo na sabi ko at tinignan ng masama si Lucas.
"It's not my idea, Belle. It's hers," depensa ni Lucas.
"Mga walang kwentang kaibigan," natatawang sabi ko.
Napa-iling na lang si Lucas sa harap at si Lei ay natatawang niyakap ang braso ko. Maya-maya ay nakarating na kami sa penthouse na binili ko para sa akin. Malapit lang ito sa tower kung nasaan an penthouse ni Lucas at malapit lang din ito sa ospital na papasukan ko.
Nung makarating kami sa parking ay nag-alok si Lucas na iaakyat na nya sa taas ang mga gamit ko. Kaya naman ako ay dumeretso sa lobby para kuhanin default passcode ng penthouse ko.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
De TodoAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...