Kabanata 11:
Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan nya. Hindi naman sya umiimik kaya di na rin ako nagsasalita hanggang sa may maalala ako,
"Bakit ka nga pala nasa Asturias? Hindi pa ba nagsisimula ang klase nyo?" tanong ko sa kanya.
Sumulyap sya sa akin bago ibinalik sa daan ang tingin. Ako naman ay naghihintay ng isasagot nya.
"I told you, I will come often here to visit you.." sagot nya.
"Ha? Bakit ako? Tsaka diba may girlfriend ka? Okay lang sa kanya na andito ka?"
Sunod-sunod ang tanong ko at di ko maiwasang mapangiwi dahil dito. Naalala ko nanaman kasi yung kasama nyang babae sa party ni Lexie. Nakita ko syang ngumisi habang nagmamaneho...
"I don't have a girlfriend, Bella. But soon, magkakaron ako, yun ay kung sasagutin nya ko," sabi nya sabay sulyap sa akin.
Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sulyap nyang iyon. Pero gaya nung una ay ayaw ko ng mag-assume kaya naman ipinilig ko ulit ang ulo ko.
"Okay lang sa kanya na andito ka? Na kasama mo ako? Hindi ba dapat sya ang yayain mo ng dinner?" sunod-sunod na tanong ko.
"Yeah, it's okay with her. And we're on our way to have our dinner," sabi nya.
Napalunok ako sa sinabi nya. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa sinabi nya. Ako ba yung tinutukoy nya na magiging girlfriend nya? Ha? Eh hindi pa naman sya nanliligaw ah tsaka hindi ko sya pinayagang manligaw!
Natahimik ako hanggang sa makarating kami sa overlooking restaurant na sikat dito sa Asturias. Nakapunta na ako dito dahil dito lagi naming pinagdidiwang ang anniversary ng friendship namin nina Lucas at Lei. Bumaba si Axel at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad akong bumaba at naglakad kami papasok ng restaurant.
Pumwesto kami malapit sa railings na tanaw ang buong Asturias. Napansin kong medyo naka-hiwalay ang table naming dalawa kumpara sa ibang table dito. Nay mga tao rin naman pero medyo malayo kami sa kanila.
Agad na hinila ni Axel ang upuan at pinaupo ako. Matapos nun ay umupo na rin sya sa tapat ko. Lumapit ang waiter at kinuha ang order namin. Sinabi ko ang akin at ganun rin si Axel. Nung maka-alis ang waiter ay tumingin ako kay Axel na nakatingin na rin pala sa akin.
"Have you been here?" tanong nya.
Tumango ako, "Dito ang anniversary celebration namin nina Lucas at Lei ng pagkakaibigan namin," sabi ko sa kanya.
"How about you and Lucas? Nakapunta na kayo dito ng kayong dalawa lang?" tanong nya ulit.
"Hindi. Palagi naming kasama si Lei. Kaming tatlo lagi ang magkakasama kapag pupunta dito," sagot ko.
Napa-tango tango pa sya. Maya maya lang ay isa isa ng dumating ang mga orders namin. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik pero hindi ko maiwasang sulyapan sya, iniiwas ko rin naman kapag napapatingin sya sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa harap ng pagkain ko. Hindi ko naman inaasahang makakasama ko si Axel na magdinner dito. Hindi ko naman inaasahan na mapapansin nya ako.
Hanggang sa dumating ang dessert ay tahimik kaming kumakain. Nagserve din ng wine kaya lang hindi ako umiinom ng alak. Nagseserve rin naman ng wine kapag nagpupunta kami nina Lei dito pero silang dalawa lang ni Lucas ang umiinom. Tubig o juice lang ang iniinom ko kapag kumakain kami dito. Nung matapos na kaming kumain ay tumayo sya. Lumapit sa akin at naglahad ng kamay,
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...