KABANATA 24

5.1K 45 0
                                    

Kabanata 24:



Nagising ako sa pa-ulit ulit na tunog ng cellphone ko. Pikit-mata ko itong kinapa sa katabing mesa netong kama ko. At nung makuha ko ay agad kong sinagot ito...

"Hello!" pasigaw kong sabi habang naka-pikit pa rin.

Sandaling natahimik naman ang nasa kabilang linya bago nagsalita.

[Hello. Sorry, did I wake you?]

Napamulat ako ng marinig ko ang malumanay na boses ni Lucas. Agad kong tinignan ang caller at si Lucas nga iyon. Bakit naman tumatawag ito ng ganitong oras? Tss...

"Alam mo bang kakauwi ko lang sa isang two day straight shift?" pagsusungit ko sa kanya.

[Sorry, I didn't kno--- Si Bella na ba yan?! Sumagot na?!]

Napa-kunot ang noo ko ng marinig ko rin ang boses ni Lei sa background dahilan para maputol ang sinasabi ni Lucas.

"Eh, bakit ka ba tumawag?" inis pa ring tanong ko.

[Bella, about----]

Lalong kumunot ang noo ko ng maputol ang sinasabi ni Lucas dahil may kumuha ng phone nya. Narinig ko pa ang reklamo nya sa kabilang linya.

[Ako na ang magsasabi!] rinig kong boses ni Lei.

[Hello! Bella! Isinugod ang kapatid mo sa ospital!]

Napatayo ako sa gulat dahil sa narinig ko.

"Ano?!"

[Oo! Andito kami ni Lucas ngayon sa ospital kasama ang mga magulang mo. Isinugod namin si Charles dahil nahihirapang huminga] dere-deretsong sabi ni Lei.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ibinalita ng kaibigan ko. Napatayo ako at lumabas sa veranda. Kailangan ko ng sariwang hangin.

"Anong nangyari? Kamusta na sya? Anong sabi ng doktor? Umiinom ba sya ng mga gamot nya?" sunod-sunod na tanong ko.

[Teka, isa-isa lang] reklamo nya at napa-irap na lang ako sa kawalan.

[Sakto kasing bumisita kami ni Lucas sa inyo dahil umuwi kami sa Asturias. Tapos naabutan naming natataranta si Mang Marciano at Ma'am Lucy. Edi nagmadali kami ni Lucas. Nakita namin si Charles na namumutla na,] dere-deretsong sabi nya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang.

[Ang sabi ng Mama mo, hindi daw tumatalab ang nebulizer para makahinga ng ayos. Kaya daw nagmadali na sila na dalhin si Charles sa ospital. Sumama naman kami para may kasama sila. Ngayon, tinitignan pa ng mga doktor si Charles. Tinawagan ka agad namin para alam mo,] pagke-kwento nya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita,

"Thank you, Lei. Kamusta si Mama? Pwede mo ba syang samahan muna? Tapos paka-usap ako kay Lucas," mahinahong sabi ko.

[Sige sige. Eto nga at pinapatahan ni Mang Marciano dahil kanina pa umiiyak] sabi nya at narinig kong iniabot nya kay Lucas ang cellphone.

[Hello, Belle?] boses na ni Lucas ang narinig ko.

"Lucas, tell me kung anong magiging diagnosis ng mga doktor sa kapatid ko. At kung pwede sana ilipat sya sa Maynila. I'll call the hospital there," sabi ko sa kanya.

[Manila? You want them to go to Manila? Uuwi ka ba?] tanong nya.

"Yes, I want to be there for my brother. Kung ano man ang kalalabasan nyan. Gusto kong andon ako," siguradong sabi ko.

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon