Kabanata 8:
Linggo... Eto na ang araw na pupunta ulit ako sa Casa Luciano dahil sa magaganap na party ni Ma'am Lexie. Ang sabi ni Lucas ay sa hapon pa raw iyon. Kaya naman ngayon ay tanghali na kong gumising. Nandito naman sila Mama at Papa dahil wala naman silang trabaho kapag linggo.
Napatulala ako sa kisame ng kwarto ko ng maalala kung ano ang susuotin ko mamaya doon sa party na iyon. Maya-maya ay naagdesisyunan kong tumayo na. Lumapit ako sa cabinet ko at nagtingin ng maayos na damit. Nakita ko doon ang isang bestida na baby blue ang kulay. Binili ito sa akin ni Mama nung nakaraang taon. Nasuot ko na ito nung nagsimba kami nung pasko. Pwede na siguro to... Sabi ko sa sarili ko. Inilabas ko iyon para ihanda na. Tsaka ako nagsuklay at lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Papa at Charles na nanonood ng telebisyon. Kaya naman dumeretso ako sa kusina kung saan ko naabutan si Mama na nagluluto. Uminom ako ng tubig at lumapit sa kanya.
"Ma, kailangan mo po ng tulong?" tanong ko dito.
"Oh, Bella! Gising ka na pala. Maglagay ka na lang ng mga plato sa mesa para makakain na tayo," sabi nya.
Tumango ako at kumilos na. Naglagay na rin ako ng kanin at nagtimpla ng kape para sa amin at gatas para kay Charles. Si Mama naman ay inilapag na ang ulam na niluto. Tinawag ko si Papa at ang kapatid ko para makakain na kami.
Tahimik ang mesa habang kumakain. Minsan ay naguusap sila Mama at Papa pero itinuon ko lang ang pansin ko sa pagkain. Nung matapos kami ay agad rin akong kumilos para magligpit ng pinagkainan.
"Anong oras ba ang alis mo, Bella?" tanong ni Mama nung matapos ako.
"Maya-maya pa po, Ma. Dadaanan daw po ako nina Lei at Lucas dito dahil magkakasabay po kami," sagot ko sa kanya.
Tumango sya at, "Sige. Mag-iingat kayo at wag kang magpapa-gabi," paalala nya.
"Opo, ma. Hindi naman po ako magtatagal doon..." sagot ko sa kanya at napatango naman sya.
Wala naman talaga akong balak na magtagal doon dahil hindi naman ako sanay sa ganoong pagtitipon. Hindi lang talaga ako makatanggi dahil si Ma'am Lexie ang nageexpect sa akin.
Maya maya ay kumilos na ako dahil baka dumating na sila Lei at Lucas. Naligo ako at nagayos. Isinuot ko ang bestidang iyon at humarap sa salamin. Napa-ngiti ako ng makitang hindi pa naman iyon masyadong luma. Sinuklay ko ang maalon kong buhok at inipit ito sa magkabilang tenga tsala inilagay sa likod. Kinuha ko ang sandals ko at ang isang maliit na bag. Inilagay ko doon ang mga dapat kong dalhin tsaka ako lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala.
Nagulat ako ng nakitang andoon na sina Lucas at Lei. Agad silang tumayo at nakita ko ang ngiting ngiti na itsura ni Lei sa akin. Ang ganda nya sa suot nyang itim na bestida. Nginitian ko sya at bumaling kay Lucas na ngayon ay nakatulala sa akin. Kundi pa sya siniko ni Lei ay hindi nya maititikom ang bibig nya. Natawa naman ako.
"Kanina pa ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi naman, Bells. Kararating lang namin," natatawang sabi ni Lei.
"Tara na?" aya ko sa kanila.
Tumango si Lei kaya bumaling kaming pareho kay Lucas. Hindi maalis ang tingin nya sa akin kaya muli syang siniko ni Lei.
"Ahh, oo. Tara na..." sabi nya at agad na kumilos.
Natawa kami ni Lei pareho sa reaksyon nya. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko tsaka kami sabay na lumabas ni Lei. Si Lucas ay naroon na sa sasakyan nya at pinagbuksan na kami ng pintuan. Agad na umupo si Lei sa likuran kaya naman wala na akong nagawa kundi ang umupo sa harap sa tabi ni Lucas. Ngumiti sya sa akin bago isara ang pintuan at lumipat patungo sa driver seat. Nagmaneho na sya agad patungo sa Casa.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...