KABANATA 22

5.2K 44 1
                                    

Kabanata 22:



Mabilis na lumipas ang taon. Sa mga nagdaang taon ay natapos na namin ni Lucas ang aming pre-med course. Si Lei naman nakapagtapos na rin at nakapag-handa na para sa licensure exam nya. Ngayon, ay isa na syang ganap na Nurse sa isang kilalang ospital sa Maynila. Kami ni Lucas ay nagsisimula na rin sa panibagong laban namin sa medical school.

Nung graduation namin ni Lucas ay ang pamilya nya ang umattend para sa aming dalawa. Hindi kasi kaya ng mga magulang kong pumunta rito. Kaya naman si Mayor Francis, si Tita Liza, at si Marcus ang pumunta para sa graduation namin. Tuwang-tuwa pa si Tita Liza at Mayor Francis nung maging cum laude si Lucas. Ako naman ang naging Magna Cum Laude ng batch namin. Umiyak pa si Mama nung ka-video call namin habang nagsisimula yung ceremony. Nung ipinakita ko sa kanya ang medal ko ay humagulgol sya ng iyak sa dibdib ni Papa at si Papa naman ay naluha rin.

Syempre, hindi ko rin napigilan ang umiyak dahil wala sila sa tabi ko ng personal habang tinatanggap ko ang medal ko. Sila ang naging inspirasyon ko para makuha iyon. Kaya nung makita ko silang maluha sa tuwa ay walang paglagyan ang saya ko ng araw na iyon. Kahit na sa screen lang kami nagkasama ay masaya na rin ako.

Mas naging hectic ang schedule naming pareho ni Lucas. Kaklase ko na sya ngayon sa med school kaya naman parehas kami ng burden na dinadala. Nang dahil doon ay naging madalang na rin ang pagtawag namin sa Pilipinas. Eto na pala yung sinasabi nila na hirap ang dadanasin mo once na pumasok ka na ng med school. Halos wala kami laging tulog ni Lucas dahil sa pagrereview dahil halos araw araw ay may exam or quizzes.

"Oh, kumain ka muna"

Napatingin ako kay Lucas nung iabot nya yung sandwich at tubig sa akin. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno sa may school grounds at nagrereview para sa susunod na subject.

"Thank you, babe" natatawang sabi ko.

Natawa rin sya dahil sa sinabi ko. Tinatawag kong 'babe' si Lucas dahil may isang student dito ang gustong gusto ako. Well, gwapo naman sya at mukhang matino pero nadala na ko sa experience ko dati kaya ayoko na. Nagpapanggap kami ni Lucas na in a relationship para tigilan ako nung student na yun. Palagi kasi syang nakabuntot sa akin o di kaya ay palaging naka-tingin. Minsan nga ay muntik pang masuntok ni Lucas iyon dahil sunod ng sunod sa amin. Hindi ko na lang pinapansin dahil kapag pinansin ko pa iyon o kahit tapunan man lang ng tingin ay baka umasa pa.

"Next year, mag-start na tayo ng internship," naka-ngiting sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"Yeah, are you ready?" tanong nya.

Tumingin ako sa kanya, "Ready for what?"

"To work in a real hospital," sabi nya.

Tumango ako, "Oo naman no. I've been ready for years. Finally makikita na rin natin araw-araw at ma-eexperience ang pagiging surgeon," excited kong sabi sa kanya.

"What specialization will you take?" tanong nya muli sa akin.

"Cardiothoracic. Alam mo naman kaya ako nagdoktor ay dahil kay Charles diba?" sabi ko sa kanya, "Ikaw ba? Anong pipiliin mo?" dagdag ko.

Nagkibit-balikat sya, "I'm still undecided. Dalawa ang pinagpipilian ko, cardio or neuro," sabi nya.

"Neuro is much more complicated than cardio," sabi ko sa kanya. Tumango naman sya.

"Ever since na magdecide ako to be a surgeon, Neurosurgeon na talaga ang gusto ko. I've watch videos of neurosurgery procedures as well as cardio kaya naman nahihirapan pa ko sa ngayon na magdecide,"

"Mahaba-haba pa naman ang dadaan para sa final decision mo. Tsaka once na pumasok tayo as intern kailangan natin maging flexible sa mga surgeries," sabi ko.

"Yeah, that's why titignan ko muna ang sarili ko kung saan ba ko magiging komportable, sa Cardio o sa Neuro," aniya.

Tumango-tango ako, "Well, kung ano man ang piliin mo, susuportahan kita," sabi ko sa kanya.

Nung matapos kaming kumain ay bumalik din kami ni Lucas sa pagbabasa at walang pansinan. Ganun kasi talaga kami kapag nagrereview. Ang allowed lang ay medical-related questions.

Simula nung pumasok kami ng med school ay ganun ang naging daily routine namin. Minsan kapag kailangan namin mag-relieve ng stress at bibili kami ng alak ni Lucas tapos ay iinom kami sa unit ko. Tequila ang naging karamay namin simula noon pa. At nagpapa-salamat kami na hanggang ngayon ay nakakaya pa rin namin.

Hindi rin naman kasi biro ang pumasok ng med school. Dito kasi talaga masusukat yung willingness mong maging doktor. Dito mo makikita kung ano ba talaga yung totoong rason mo para piliin ang propesyon na ito. Kung sapat na ba ang dahilan mo para magpatuloy ka. Dahil once na pumasok ka sa med school hindi pwede yung matalino ka lang, dapat ma-tiyaga at masipag ka rin lalo na kapag nasa klase ka na. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit maraming nagdedesisyon na pumasok ng med school kapag medyo ma-edad na. Hindi kasi biro ang pressure na idudulot sayo nito. Sa katunayan nga ay iilan lang kaming bata sa batch namin. Sabi nga nila, "survival of the fittest" ang loob ng medical school.

Hindi lang dugo, pawis, at puyat ang kailangan mo. Kailangan mo rin ng oras at panahon para makasurvive ka at maging ganap na doktor. Pero alam ko namang sa kabila ng hirap namin sa medical school ay  malalampasan pa iyon kapag nag-simula na kaming pumasok sa totoong ospital.

At hindi nga ako nagka-mali dahil nag-simula na kami sa labang iyon...

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon