Chapter27-Condition

470 12 0
                                    


Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Alam ko na kung nasaan na naman ako. Napabuntong hininga ako at bumangon sa pagkakahiga.


"Oh. Oh, dahan dahan lang Ms. Xanti." It's Darlin. Inalalayan niya akong maupo.

"Natakot ako." Bigla niyang sambit.


"W-why?"


"Tumawag kasi si ate Classy at gusto ka niyang makausap pero sabi ko busy ka. Nautal pa ako." Nginitian ko. siya. Hindi alam ni Classy ang kalagayan ko. Walang nakakaalam kundi kami lang ni Darlin.


"Salamat. Pero sana wala ng ibang nakaalam maliban sayo at sa doctor ko." Tumango si Darlin ng dahan dahan.

I'm suffering anemia and at the same time, i have a heart failure. Whenever I'm stressed or in overwork, nanghihina ako at namamanhid ang katawan ko kasunod non ay biglang pagbagsak. Sabi ng doctor, hindi raw normal ang puti ko na ito. Kinulang na talaga ako sa red blood cell. And they want to perform a surgery. A transplant surgery but i refused.


I still can manage and I don't deserve treatments at all. Kailangan ko munang ayusin ang tungkol kina Jake bago ako magpapaopera para may silbi naman kung maayos ko. Speaking of Jake and his mother. Kumusta na kaya sila? I badly want to see them if how are they doing now. Hindi na ako nakakadalaw doon dahil sa pagkabusy ko at hindi na rin tumatawag si Jake. Nakapatay din ata ang cellphone niya dahil diko matawagan.


Napapitlag ako ng hawakan ni Darlin ang kamay ko. "Kanina pa kita kinakausap. Masyado na bang okupado ang isipan mo? Ipahinga mo din muna naman dahil ako ang malalagot kapag may mangyaring indi maganda sayo." 


"A-ano ulit yon?"


Bumuntong hininga siya. "Makakauwi na tayo mamaya gaya ng sabi mo na ayaw mong manatili sa hospital. Pero ang sabi ng doctor mo, kailangan mong pumunta ng Korea. May tinawagan na daw silang doctor doon para mas masuri ka." Seryosong sabi niya. Umiling lang ako.


"I don't want to go there,Darlin. I still can manage-"


"Ms. Xanti!" Nagulat ako sa pagsigaw niya at mas nakakagulat na umiyak siya.


"You don't know how much i hold up myself just not to tell to everyone your sickness. Pero natatakot na ako ms. Xanti. You've been good to me and to ate Classy. I want to tell everything at least to ate Classy pero ayaw mo. Kasi ako na din po ang nahihirapan ms. Xanti." Sumisinghod siya. Napayuko siya at pinunasan ang luha niya.


Hindi ko na rin namalayan na umaagos na pala ang luha ko. "I understand you but don't worry about me-


"I'm worried about you. Pero paano na yong nararamdaman ko na pag-aalala sayo Ms. Xanti? You're condition is getting worse. Sabi ng doctor, umitim ang kalahati ng puso mo. Hindi na nakakapagpump ng dugo dahilan ng anemia mo."


Aminado ako na kinabahan ako sa sinabi ni Darlin. Hindi muna ako umimik. Pinakiramdaman ko muna ang arili ko at wala man lang akong marinig na pitik ng puso ko. Kinapa ko ang bandang dibdib ko. Inangat ko ang mga kamay ko at ang puputla na.


"Isipin niyo ms. Xanti. Madami kaming nag-aalala sayo kung sakaling malaman ng lahat ng kalagayan mo. Walang gusto na lumubha pa ang sakit mo. Kaya utang na loob. Parang awa mo ate dahil alam ko na alam mo na namatay din ang ate ko dahil sa sakit sa puso. Ayaw ko ng may mamatay." Humagolgol na siya kaya tumayo na ako sa bed at niyakap siya.


"Shhh. I'm sorry." 


She's right. Even though I don't deserve treatments, i still need to be alive and strong dahil hindi pa naaayos ang dapat kong ayusin. Kahit mawala na ako kapag naayos ko na lahat. Hindi ko rin naman deserve ang maging masaya.



NAKAUWI ako ng mansion ng parang walang nangyari. All this time, ang akala naming normal na puti ko ay anemia pala. Yon din kasi ang alam ng mga doctor back then pero lumalala na din pala. Napabuntong hininga na lang ako.


"Late ka ata ng dating?" Mom.


Nginitian ko siya. "May delivery kasi mom." Humalik ako sa pisngi niya.


"Bakit amputla mo, Xanti?" 


"Huh? Mom, puti ko to." Umiwas ako ng tingin at naglakad papuntang kusina. Biglang tumuyo ang lalamunan ko.


"Hmpp. I see. Kumain ka na. Natapos na kaming kumain ng dad mo." Umalis na si mom at napabuntong hininga na naman ako. Napapadalas na din ang pagbuntong hininga ko. Kailangan ko na talagang pumunta ng Korea.

Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon