"Xanti Novida. Kanina ka pa tahimik." Siguro nga naninibago din si Classy sakin. Madaldal ako at energetic pero parang kinakapos na ako ngayon. Hindi na rin ako makatutok sa project na ginagawa namin.
"Diba pwedeng naka focus lang sa ginagawa nati? Psh." Sagot ko.
"Ah kaya pala wala ka pang nagagawa." Tumingin ako sa papel na nasa harapan ko.
-_-
Focused nga..
Hindi ko pa nasabi kay Classy ang about sa napagusapan namin ni dad. Wala din namang maiintindihan tong babaeng to palibhasa happy go lucky to. Okay lang yan ang bukambibig.
Tinapos namin ni Clas ang project. Maayos naman at walang palya.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko maiwasang mainggit kay Classy. May kapatid siya, bunsong kapatid Dalawa lang sila ni Adam. Maagang naulila si Classy sa ama pero hindi naman hadlang yon sa kanilang pamumuhay. Simple lang ang pamilya ni Classy. Nasa probinsya sila at nawalay siya. nangungupahan si Classy ng apartment ngayon. Tinutulungan ko siya sa pagbabayad ng palihim kaya kunti ang binabayaran niya.
Bigla ko ulit naisip ang sinabi ni dad. Hindi ko pa nami meet ang anak ni Mr. Han. Nameet ko na si Mr. Han and he's pure Korean but he can understand tagalog and talk tagalog din. Mabait siyang tao pero sabi ni dad, seryoso to pagdating sa seryosong bagay.
"Xanti. Kailangan ko ng umalis. Maglilinis pa ako sa apartment at maghanap pa ng part time job." Sabi niya habang nakatingin sa phone niya. Medyo malayo ang apartment niya dito Kaya ipapahatid ko na lang siya. Nag taxi din kasi siyang pumunta dito. To tell you, Classy is a student like me pero naghahanap din ng part time job niya para sa gastusin niya araw araw. I offer her a good part time job as an encoder sa company pero nahihiya siya dahil lahat ng nasa company daw ay full time worker hindi ko na siya mapilit dahil nirerespeto ko siya.
"Kung pumayag ka sana na sa company ka eh." Sabi ko habang nililigpit ang gamit niya.
"Xanti, alam mo naman ang gusto at ayaw ko." Laging tumatambay si Classy dito sabahay. Hindi naman ako pwedeng umalis dito kaya siya na lang ang pumupunta dito.
"O siya sige. As if naman may magagawa ako. Ipapahatid kita sa driver namin." Tumango naman siya. Pagabi na rin kasi. Binitbit ko ang gamit ni Clas at lumabas kami ng kwarto ko. Pinahatid ko na siya at heto na naman ako, mag-isa.
Biglang nag ring ang phone ko. Aba himala. Napakunot ang noo ko ng makitang unknown number yon.
Sinagot ko yon pero hindi ako nagsalita. Ganto ako kapag new number.
"Haloh?"
"Yes haloh? Who's this?" Sagot ko. Pabalik na sana ako sa taas sa kwarto ko ng makita ang mga maid na busy sa pag-aayos sa kusina.
"You are Ms. Xanti Novida? I am mr. Han's secretary. I want to know if you're all ready there for the arrival of mr. Han and his son for this night."
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ng secretary kunu ni mr. Han. Patakbo akong tumungo sa kusina at totoo ngang busy sila sa mga foods na inihahanda sa mesa.
Wala akong masabi sa kausap ko sa phone. Nangi nginig ako. Akala ko ba next week?
"Haloh?"
"Ah. Y-yes hello. W-we are still preparing i g-gues? It's almost d-done." Pinatay ko na ang tawag at isa isang pinagmasdan ang nakahain sa mesa.
"Who told you to prepare this kind of food?" Maawtoridad na tanong ko. Nanginginig ako sa inis.
BINABASA MO ANG
Rich in Love (Editing)
ComédieXanti is rich. Rich in living. But lacking in love, and lacking in attention. What else can she do with their wealth if she is not rich in love? Xanti just focused her attention on studying and working because she also did not want to be a loser in...