Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Kanina pa kami nagkakatinginang tatlo. Walang gumagalaw. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Oo at nakakalakad na at nakakapagsalita na nang ina ni Jake. Ni hindi nga ako makatingin sa kanya.
"M-ma... May masakit po ba sa inyo?" Kanina pa hindi mapakali si Jake. Masayang natataranta and at the same time, takot daw siya na baka ano ang gawin ng mama niya sakin dahil titig na titig ito saakin.
"Dito..." Turo niya sa bandang dibdib niya. "Dito masakit Jake." Madiin na sabi niya habang nakatingin sa akin. And this time gusto ko ng sumabog sa kahihiyan.
"M-ma..." Ani Jake na hindi alam kung ano ang isasagot. Ngayon ko lang din nakita si Jake na balisa.
"J-jake. Tatawagan ko lang si Doc at ipaalam na ok na si tita." Tatayo sana ako ng magwala ang mama ni Jake.
"Ang kapal kapal ng mukha mong Novida ka at magpakita ka pa dito??!!! Jake! Palayasin mo yang babaeng yan!" Sigaw niya na umiiyak. Pinipigilan siya ni Jake na makalapit sa akin. Bumuhos na din ang luha na kanina ko papinipigilan. Napatakip ako sa bibig ko.
"Pinatay niyo na lang sana ako!!! Bakit niyo pa ako pinagamot??!! Akala niyo ba, papasalamat ko pa kayo?!"
Lumapit ako sa kanila ni Jake. "K-kaya ko nga po kayo tinulungan ni Jake para makabawi sa kasalanan nila momi at dadi, tita-"
Isang malutong na sampal ang nagpatigil sa ingay.
"Ma!" Sigaw ni Jake.
"Hindi ko kailangan ang tulong sa mga criminal! Lumayas ka!" Sigaw niya. Hindi padin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang ramdam na ramdam ang hapid ng pisngi ko.
"Xanti, please umalis ka na muna." Pagmamakaawa ni Jake habang pigil padin ang ina niya.
"B-but-"
"Please Xanti. Ako na ang bahala dito."
Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng bahay nila. Dumeretso ako sa kotse at doon napahagulgol ng iyak. Napakasakit ng dibdib ko. Bakit ba kasi ako ang nagsa suffersa kasalanan nila momi at dadi? Bakit ako ang nakakarma?
Minaneho ko na lang ang Sasakyan ko pabalik sa city. Dumeretso ako sa company dahil nakiusap si dadi na ako muna ang aattend ng meeting baka kasi male late sila ni mami at may kausap pa daw na lawyer.
Hindi ako makahindi sa favor nila mami at dadi pagdating sa company dahil dugo at pawis nila ang puhunan nila kahit hindi ko rin tinanggap ang alok nila at kahit may gap kami, hindi ko padin sila kayang talikuran dahil magulang ko sila.
Pagpasok ko ng company ay binati nila ako. Ngiti lang ang sinukli ko. Dumeretso na din ako sa conference room. Nakita ko ang secretary ni dad at tinanong kung ano ang agenda nila ngayon.
BINABASA MO ANG
Rich in Love (Editing)
ComédieXanti is rich. Rich in living. But lacking in love, and lacking in attention. What else can she do with their wealth if she is not rich in love? Xanti just focused her attention on studying and working because she also did not want to be a loser in...