Ilang oras na akong nakatitig sa salamin dito sa kwarto ko. Wala akong ginawa kundi umiyak. Mula ng dumating kami ni Sunhoo kanina, hindi ko siya kinikibo at ganon din siya. Hindi pa nga ako nakakapaghanda para sa party mamaya.
Rinig na rinig dito ang music sa garden kung saan magaganap ang party. 7pm na at mamayang 9 magaganap ang party. Wala akong lakas na kumilos dahil sa nangyayari. Hindi ko makapa sa aking dibdib kung ano ba ang pakiramdam ko. Pagod na pagod na din ako at inaantok.
Tumayo ako at humiga sa kama. Maaga pa naman. Hindi naman ako yong tipong matagal mag-ayos maliban na lang kung tinatamad ako. Hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko kaya pumikit na ako at natulog.
___
"Xanti? Xanti Novida, gising na." Dahan dahan akong nag-inat at pilit na minulat ang mata kahit inaantok pa ako.
"Classy? Y-you're here?" Nag-iwas ako ng tingin kay Classy. Nakakahiya dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"Yes and I'm here to help you fix yourself. Bangon na at makapag ayos ka na." Hindi ko napigilang mapangiti sa kanya. Ever since, Classy stays by my side. Simula high school, kami na ang magkasama. No wonder na napagkakamalan kaming magkapatid dahil sa sweetness namin. Nakakatuwa din na open ang friendship namin sa side ko at sa side niya kaya welcome na welcome ang isa't isa.
"Thank you." Yumakap ako sa kanya.
She's wearing a simple cocktail dress na bumagay sa kanya. Pumasok na ako sa banyo at nag half bath. Naligo naman na ako kaninang umaga kaya mag ha half bath na lang ako.
Lumabas ako sa banyo at pumili ng maisusuot sa walk in closet. Umagaw sa tingin ko ang isang color black longsleeve dress with flower printed. Napangiti ako. I should wear this knowing that Sunhoo wears all black. Siguradong black na naman isusuot non ngayon.
Wait... Bakit ko ngaba iniisip ang isusuot niya at bakit ko ba siya iniisip? Psh. Nakaramdam ako ng awa sa bandang dibdib ko. Awa na hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya kanina sa pagtatanggol niya sakin kay dad. Well namangha ako sa kanya at sa sinabi niyang he'll accept me as his fiancee at ayaw niyang nakikitang sinasaktan ako nila dad sa harapan niya. Should i really thank him? Or thank my dad for choosing him? O baka naman nagpapakitang gilas lang ang isang yon to gain compliments.
Hindi pa namin lubusang kilala ang isa't isa at handa akong kilalanin siya dahil yon ang nararapat kahit labag sa kalooban ko na ipagkasundo ako sa diko lubusang kilala and worst, diko mahal.
Tinitigan ko ang itsura ko sa salamin. Mukhang nag glow up ako ng kunti dahil sa suot ko na kulay black. Napabungis ngis ako.
"Woah!" Lumapit si Classy sakin na manghang mangha. Natatawa ako sa istura niya.
"Napaka ganda naman ng best friend ko. Bagay na bagay sayo yang damit mo Xanti. Hindi ko maimagine kung ano ang magiging reaction ng fiance mo 'pag makita ka."
"Dimo pa siya nakita?" Tanong ko na lang. Inaamin ko na umaasa ako na pupurihin. Ako ni Sunhoo mamaya.
"Nakita ko na siya kanina pero sa malayo lang. Kausap yong ibang bisita. Hala sige na. Ako mag-aayos sayo ah." Tumango ako at umupo sa upuan.
I trust my best friend. Napakasimple rin ni Classy na mag-ayos. Sa kanya ko nga natutunan eh. Dati kasi ang arte ko pagdating sa pagandahan. But when we became best friends, nagbago ang lahat.
O_O
"Wahhhh. Thank you, Classy!" Muli ay yumakap ako sa kanya. Nabuhayan ako dahil sa itsura ko. Binagay niya ang itsura ko sa damit ko. She's so perfect para ayusan ako ng ganto though wala naman talagang make up na nagamit. Just a powder, liptint and light blush lang.
BINABASA MO ANG
Rich in Love (Editing)
HumorXanti is rich. Rich in living. But lacking in love, and lacking in attention. What else can she do with their wealth if she is not rich in love? Xanti just focused her attention on studying and working because she also did not want to be a loser in...