Chapter28-Korea

489 17 0
                                    

"Mom, nasa airport po ako." Bigla kasing tumawag si mom na may meeting daw sa company. 

Napapadalas na din kaming nag-uusap ni mom at dad simula nong naging successful ang ginawa kong paghawak sa NCI. 


"Bakit? Saan ka pupunta?"Tanong niya. Sinenyasan ko si Darlin na iuna muna niya ang mga bagahe ko.


"Mom, sa Korea, may meeting ako with some investors" Pagsisinungaling ko.


"Oh, I see. Sige. Ako na lang ang aattend. Busy din kasi ang dad mo. Ingat ka Xanti."


I ended the call and sighed again. Simula kagabi ay hindi ko maipinta ang nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako na nanghihina pa. Kung hindi dahil kay Darlin ay baka nasa company ako ngayon. Pero mapilit siya eh. Siya na din ang nagbook ng flight ko.


"Ms. Xanti. Mag-iingat ka don ah." Nginitian ko siya.


"Ano ka ba naman. Babalik ako agad pagkatapos ng check up." Sagot ko.


"Ihhh. Kahit na. Tawagan mo ako kapag nakarating ka na." Tinanguan ko lang siya at kumaway.


PAGDATING ko ng Korea ay dumeretso na ako sa isang hotel at nagpahinga kunti. Hindi ko na inabalang tawagan pa si Darlin. Baka mapadaldal na naman siya. Nagpalit na ako ng damit at lumabas na ng kwarto. Gusto ko ng magpacheck ngayon para makaalis na din ako agad. I have a lot of things to do in Philippines.


Nakarating ako ng maaga sa hospital dahil walang traffic. Inuna kong hinanap ang assistant ng doctor na sabi ni Doctor Khrlshlgh sa Pilipinas. Nahanap ko din naman agad kaya iginaya niya ako sa office niya. 


Naunang pumasok ang assistant kasunod ako. Nakatalikod ang doctor sa amin. Nakaupo siya sa swivle chair niya. Tumikhim ang Assistant.


"Bagsanim, Novida ssiga wass-eoy." (Doctor, Ms. Novida is here)

Tumingin sa akin ang assistant. "I'll leave you here mam."


Tumango ako sa kanya. "De. Kamsaham nida."


Naglakad ako palapit sa may desk niya pero nanlaki ang mga mata ko ng makita siya kaya agad din akong napahinto at napaatras ng umikot ang swivle chair.


"S-sunhoo?"


Tumayo siya. Napaka seryoso niya na nakatitig sa akin. Uminit ang mukha ko ng unti unti niyang itaas ang nasa folder at ang laman non ay ang health certificate ko. 


"Is this yours?" Nakangisi at seryosong tanong niya. Umiwas ako ng tingin at yumuko. Bakit siya ang may hawak? Bakit siya nandito? Tumingin ako sa may lamesa niya.


And their, I saw his name. Mas lalo akong nanghina. He's a cardiologist. Bakit hindi ko man lang naisip na may possibility na magkikita kami dahil alam ko din naman na doctor siya at businessman at the same time. At bakit nawala sa isip ko na tanungin si doc Khrlshlgh kung sino ang i mi meet ko dito.

Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon