Chapter31- I'm sorry

482 12 3
                                    

Sigaw dito, sigaw doon. Ingay dito, ingay doon. The hospital is in turmoil. They are all busy to the sudden increase in the number of patients due to the accident of a bus carrying a large number of people.

May sariling mundo ang bawat staffs. Wala ding nakakaalam na nanga-ilangan si Sunhoo ng tulong sa loob ng kanyang office sa pagkabagsak ni Xanti. Binuhat ni Sunhoo ang walang malay na si Xanti at itinakbo sa emergency room pero ganon na lang ang gulat niya ng makita ang nagkakagulo sa labas.

Agad niyang hinanap ang kaibigan niyang doctor na magiging kasama niya sa surgery para kay Xanti. Napapaikot si Sunhoo. Nahihilo din siyang umubserba sa paligid dahil may umiiyak, puno ng sugat, dugo ang nakikita niya. Pero bumalik sa isipan niya si Xanti na buhat buhat niya.

Tumakbo ulit si Sunhoo papunta sa emergency room at saktong nakasalubong niya ang kaibigan niya na nagulat kay Sunhoo na may karga. "Ya. Sunhoo!" 

"Dowajuseyo, bagsanim. Geunyeoneun gijeolhaessda. Jigeum susul-eulhaeyahabnida!"(Help me, doc. She passed out. We need to perform the surgery now!)

Hindi na napigilan ni Sunhoo ang mapaluha. Ipapasok na niya sana si Xanti sa operating room ng pigilan siya ng kaibigan niya. Galit itong nakatingin kay Sunhoo.

"Geunyeoui gajog-i yeogie eobs-eumyeeon susul-eul hal su eobs-seunida. Xanti yang yeop-eseoyahabnida. Jamsiman yo, Han bagsanim! Dangsin-ui gamjeong-uel pyeonhagehasibsio! Jebal... Do the first aid. Don't rush. We can do the surgery tomorrow if you want just call her family first." (you can't perform the surgery when her family is not here. we need them to stand beside Ms. Xanti. Hold back yourself, doctor Han! Set a side your feelings! )

Natauhan din naman si Sunhoo kaya sumang-ayon din. Sumama sa kanya ang kaibigan niya at inasekaso muna si Xanti bago lumabas at tumulong sa ibang pasyente.

Nakatitig lang si Sunhoo sa walang malay na Xanti. Naawa si Sunhoo sa sinapit ng dalaga. Madaming nakasaksak sa dibdib ni Xanti. Kailangan itong maimonitor ang kalagayan ng kanyang puso. Naka oxygen din ito dahil nahihirapan na siyang huminga. Mas naging maputla na din ito na inimoy wala ng dugo ang katawan.

Tumayo si Sunhoo at may kung anong tinawagan sa cellphone niya. Kailangan na ng pamilya ni Xanti na malaman ang kanyang kalagayan at kailangan na nilang lumipad papuntang Korea upang masamahan ang kanilang nag-iisang anak.

AGAD na lumipad papuntang Korea ang mag-asawang Novida. Ipinaalam na ni Sunhoo sa kanila ang kalagayan ng anak nila. Hindi tumulong si Sunhoo sa mga nangangailangan sa labas. Tutulong sana siya pero sinabi ng kanyang kaibigan na mas kailangan siya ni Xanti. Kaya wala siyang nagawa kundi ayon siya at binabantayan si Xanti.

Nakatitig lang si Sunhoo sa dalaga at hindi niya maiwasang balikan ang nakaraan nila. Inaamin ni Sunhoo na nasaktan siya sobra sa ginawa ni Xanti. Gustuhin man niyang kalimutan ang dalaga ay ayaw ng kanyang puso. Siya at siya padin ang hinahanap nito.

He felt happy when Jane offered him to be her partner in the photoshoot. She accepted it on time because she wanted to see how's Xanti doing that time. What Jane also know is that Sunhoo already forget Xanti. But Jane was wrong.

Napatingin si Sunhoo sa cellphone niya ng magvibrate ito. It was Jane who's calling. Sumulyap muna siya kay Xanti bago tumayo at sinagot ang tawag.



NAIINIP na nakatayo si Jane sa may ward habang nakatapat ang cellphone sa tainga niya. Mukhang nandidiri pa siya ng makita ang mga pasyente na puno ng bandage at dugo.

"Hey baby. Are you busy?" Malanding sabi niya sa kausap.

"Yeah. I have a patient. Why?"

"I'm here in the ward. Can you please come here? Or maghihintay na lang ako sa office mo if you're still busy." Nag-umpisa ng naglakad si Jane papunta sa office niya. 

"Ah. Sure if that's what you want. Wait me there."

Ngiting ngiti naman si Jane. "Ok. I love you." Si Jane na lang din ang pumatay ng tawag. Hindi tumatanggi si Sunhoo  kay Jane. Alam din ni Sunhoo ang ugaling meron kay Jane. Wala din namang magagawa si Sunhoo kung laging nakabunot si Jane sa kanya. Kahit naman ayaw siyang makita si Jane ay wala siyang magagawa dahil nahahanap pa din niya ito.



NAIINIP na si Jane sa kahihintay kay Sunhoo sa office niya. Almost one hour na siya doon na naghihintay at wala pa ding Sunhoo na dumating. Tumayo na siya sa pagkakaupo at lumapit sa may desk ni Sunhoo. Umupo siya sa swivle chair at sumandal. Napatitig siya sa picture frame na may picture nila Sunhoo at ang ama niya. 

Dumako naman ang mata niya sa may magulong health certificate sa lamesa. Hindi niya naiintindihan ang kung ano man ang nakasulat doon dahil hangul ito. Hindi niya rin alam magsalita ng Korean maliban sa basic words. Ayaw niya kasing mag-aral ng hangul or Korean dahil ayaw naman talaga niya.

Biglang nangunot ang noo niya at bumigat ang pakiramdam niya ng mabasa ang English words na pangalan ni Xanti. Sa hindi malamang dahilan, pinunit punit niya ang papel at hinagis sa sahig. Bigla siyang tumili.

"This can't be happening! Sabi ko na nga ba!" Dali dali siyang lumabas ng office ni Sunhoo at Umalis na ng hospital.



LUMABAS ng operating room si Sunhoo na hawak hawak ang batok at inikot ikot ang ulo animo'y mangangawit. Sumunod naman na lumabas ang kanyang kaibigan na tinapik lang ang kanyang balikat at tinanguan si Sunhoo. Makikita sa mukha ng kanyang kaibigan ang awa at pag-alala.

"I'm fine. You go ahead." Sambit ni Sunhoo. 

"Take a rest, Sunhoo. I'll do the rest of work. Be strong, you can do it. And maybe it's time to-" Hindi niya naituloy ang sagot niya ng mapaupo si Sunhoo at hindi na napigilang mapahagulgol.

"Maybe I should leave you here. I hate seeing you cry, dude. I might cry as well. Be strong..." Umalis na siya at naiwan si Sunhoo na nakayuko.

Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas. Hindi na niya kaya pang bumalik at makita ang taong dahilan na naman ng pagkawasak ng puso niya. It was all too late. Tumayo siya at nanghihinang naglakad papunta sa kanyang office. Hindi na siya nagulat ng makita ang napunit na papel sa sahig. Pinulot niya ang mga iyon at tumulo na naman ang kanyang luha.

"I'm sorry. I didn't do my best... Xanti."



Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon