Chapter8- Pissed

646 20 1
                                    


Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatayo siya sa tabi ko. Titig na titig ako sa kanya at ganon din ang teacher namin at ang classmates. Impit na tumitili ang ibang girls. Sino ba naman kasing hindi mamangha sa itsura ng lalaking to?


"I'm Han Sun Hoo. A transfer student from Seoul South Korea University-" Hindi ko na siya pinatapos. I held his wrist.


"We're sorry mam but i need to talk with this living vampire." Dali dali ko siyang hinila palabas ng classroom at nagtungo sa may garden. Pahagis kong binitawan ang kanyang kamay at napahilamos ng wala sa oras. 


"What are you doing here? I mean, sa classroom namin?" I ask. Namulsa siya at tumingin sakin ng deretso.


"We're engaged and i was transfer here. That's all." He seems so cold and naninibago ako. Well his aura naman ay cold pero yong pakikitungo niya umiba.


"Bakit sa classroom namin ka pumasok?" 


"Same subject tayo sa first and second. OM and Phil. History. I hope that you won't mind to assume na sinusundan kita, MS. NOVIDA. Kung wala ka ng sasabihin, then i need to enter the class. I'm already late and my time is gold." He left me dumbfounded. Did he just.... urgh!!!




____


As usual, lutang na lutang ako sa clase. Tapos na ang class namin at papunta na kami sa next subject. Naunang lumabas si Sunhoo at nakasunod lang ako sa kanya. 



"Ang cute talaga ng mga Koreano!!"


"Ang gwapo niya!! Single kaya siya?"



Waahhhh. Seriously????? Pumagitna ako sa dalawang babae na kaklase ko at tinaasan ng kilay.


"Alam niyo? Nakakarindi kayo. Kung may gusto kayo sa kanya, Wala akong pakialam pero wag naman kayong ganyan. Pinapababa niyo dignidad niyo. Psh." Hindi ko talaga alam kung bakit ang init init ng ulo ko ngayon. Ano ngaba ang dahilan? At bakit ako naiinis kay Sunhoo? Eh dapat masaya na ako kasi he let me do what i want. Yong walang pakialaman ng buhay.


Umayos ng tayo ang isang babae. Nainis ulit ako sa tingin niya sakin. "Aba! Xanti, umiiral na naman ang kamalditahan mo. Hindi porket anak ka ng top1 businessman sa bansa, ganyan ka na. Bakit? May gusto karin ba sa Transfer student ha?" 


Pinaningkitan ko siya. "Well i don't care what you say. Mr. Han is allllllll youuurrrs!" Tinalikuran ko na lang sila at naunang naglakad. Gusto ko ng umuwi pero may tatlo pang subject bago uwian. Wala lang din naman akong gagawin sa mansion.



"So class. We have our new classmate from Korea. I know some of you know him already and some also are not dahil sa subjects and sched niyo. So Please, Mr. Han introduce yourself." Introduce na naman. Nakakabagot. Laging introduction kapag may bagong students. Wala na bang bago? Kakainis!

Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon