Pagkatapos ng party last week, agad na bumalik sina Mr. Han at Sunhoo sa Korea dahil may emergency daw. Hindi nakapagpaalam si Sunhoo sakin personally dahil pumasok na ako sa kwarto ko that time. Nagsend na lang siya ng message sakin na uuwi na silang Korea.
Until now, wala pang balita tungkol sa kanila and I'm glad at least makahinga na ako. And back to normal na ako. Mom and dad is not around. Hindi ko alam kung out of town ba or what. Hindi na sila nagpapaalam sakin.
"Sabay na tayong uuwi mamaya, Classy ah." At heto nga kami ni Classy sa cafeteria ng University. Kumakain. Wala na kaming pasok mamaya dahil may meeting ang faculties.
"Ok sabi mo eh." Sagot niya.
"Cr lang ako." Tinanguan niya ako kaya tumayo na ako at nagtungo sa CR.
Hindi ko inaasahan na makita siya dito. Bigla akong nainis. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy sa paglalakad.
"I heard that you're already engaged." Napatigil ako. Hindi ko siya nilingon.
"Yes." Sagot ko. Akmang maglalakad na ulit sana ako ng magsalita na naman siya.
"Kung hindi lang sana tinakot ng dad mo ang pamilya ko, baka tinuloy kitang niligawan. Pero anong magagawa ko? Your dad underestimate my family." Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamay ko.
"Correction Jake. My dad didn't do anything. You messed up with him. He just warned you but directly to your father because of your dirty ways of courting me." Mabilis akong naglakad. Ayaw ko na siyang makasalubong pang muli.
Jake was totally a Jerk! He likes me. He's totally obsessed that he did a dirty ways to get me. Buti na lang at nakita ni dad yon dahil mismong sa labas ng mansion yon. Hindi minaliit ni dad ang pamilya ni Jake. Actually dad didn't do anything. He just warned Jake's family kaya pinagsabihan nila si Jake na ang alam nga ni Jake ay pagbabanta ang sinabi ni dad.
Napabuntong hininga ako at napatitig sa sarili ko sa salamin. Naghilamos ako para maibsan ang pagkainis ko. Minsan na ngang may magkagusto sakin, g+go pa. Kaya siguro walang matinong nagkakagusto sakin dahil takot sila sa parents ko. Given na si Jake na hindi takot kina mom at dad. Natatakot lang siya na kung ano ang pwedeng mangyari sa pamilya niya.
___
"Salamat Xanti sa paghatid. O baka gusto mong dumito muna. Magluluto ako ng paborito mong carbonara." Nginitian ko siya. Why not right? Ngayon lang ulit mag bo bonding at wala sina mom and dad.
"Sure ka ha?"
"Oo naman! Kung gusto mo, tutulog ka rin dito." Nakangiting sabi niya.
Tinanggal ko ang seat belt at bumaba ng kotse ko. Sabay kaming pumasok ni Classy sa apartment niya. Simpleng apartment lang to. May dalawang kwarto at medyo malawak ang living room and kitchen. Complete naman kaya wala ng problema si Classy dito.
Nagluto kami ni Classy. Nakakatakam ang luto niya. Magaling siyang magluto. Pwede ng mag-asawa. Hehe de joke lang.
"Check ko muna phone ko." Tinanguan niya ako at in-open ang phone ko. I browsed on facebook.
O_o
"Jane?"
"Bakit? Anong meron?" Dala dala ni Classy ang Dalawang plato na may laman na carbonara. Nangunot ang noo ko and at the same time parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
Pinakita ko kay Clas ang picture ni Jane. "What?!! 'bat magkasama sila? I mean. Kilala nila ang isat't isa?"
Nakakagulat nga eh. Jane hate me so much that she can destroy me sa paningin ng mga tao. Pero bakit magkasama sila ni Sunhoo? Hindi nakatag kay Sunhoo ang picture at hindi rin naman nakatingin si Sunhoo sa cam. Naka side view si Sunhoo na parang may kausap at nagselfie si Jane.
Tanging heart emoji lang ang caption ni Jane.
"Nakku! Yang si Jane ah. Lagi ka na lang binabangga ng babaeng yan." Hindi ko magawang sagutin si Classy. "Hindi naman pumunta si Jane sa party mo ah."
"Hindi nga pero ang parents niya pumunta." Hindi ko matanggal ang tingin ko sa picture. Maaring nasabi ng parents ni Jane to sa kanya. At for sure, sinasadya ni Jane to.
"Huh? Bakit? Part ba sila sa Company niyo?" Naguguluhang tanong niya.
"Hindi. Baka sina Mr. Han oo." Siguro nga kaya pumunta sila dahil part sila ng business company nila Sunhoo. Pero bakit nasa Korea din si Jane? Bakit kasama niya si Sunhoo?
"Hay nako. Parang dina bago yan, Xanti. Kumain na lang kaya tayo." Hindi na talaga bago to pero si Sunhoo tong kasama niya. I know she'll mess up again soon. Ah not soon but she started already.
Kumain na lang kami ni Classy at nagkwentuhan. Pilit ko na iwasan yong kanina pero hell! I can't even concentrate in our topic with Class. So messed up. Ano na naman kaya ang new samin ni Jane pag makikita kami?
"Oh. Mag lock ka, wag ka ng lumabas para mag trabaho o maghanap ng trabaho. Weekend kana lang mag hanap." Paalala ko kay Class. Sinimangutan niya ako kaya tumawa ako. "Para kang tuta. Sige na una na ako." Bumeso ako sa kanya.
"Nahiya naman ako sayo. Sige na babye na mommy Xanti." Sabay kaming tumawa. Napailing na lang ako at pumasok sa kotse ko.
___
"Where have you been?" Nagulat ako sa sumalubong sakin pero diko pinahalata. Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're here?" I'm trying to act normal. Na wala akong nakita, na hindi naapektohan. Wait, what?!!? At bakit ako maaapektohan? Saan?! Kanino?! Urgh!!! Diko na maintindihan ang sarili ko!
"Kanina pa kita tinatawagan." Seryoso siya.
Ngumisi ako. "Sorry. My phone's runout of bat." Nilampasan ko siya. Naiinis ako na ewan. Pagod din ako at gabi na.
"You didn't answer my questions yet. You're late and where have you been?" Halata sa tono niya na nagpipigil siya ng galit. Pero bakit?
"It's non of your business. Wag mo nga akong pakialaman. Pinapakialam ko ba ang buhay mo? Ha?" Tila nagsisisi ako na lumingon sa kanya at pinagsabihan siya ng ganon. Nagbabaga ang kanyan mga mata. Ilang saglit ang katahimikan habang titig na titig siya sakin at iniwas ko ang aking paningin.
I heard him sighed kaya tumingin ulit ako sa kanya. "If that's what you want then fine. Kung mapapahamak ka, I won't mind so. Pero kung nandiyan si Mr. Novida, at least co-operate if you don't want to be hurt by them." Iniwan niya ako don na nakatunga nga lang.
Parang may bumara sa bandang lalamunan ko. Parang nagsisisi ako sa sinabi ko sa kanya. Kakakilala lang namin last week but what's with me to feel like this? It drives me crazy!
BINABASA MO ANG
Rich in Love (Editing)
HumorXanti is rich. Rich in living. But lacking in love, and lacking in attention. What else can she do with their wealth if she is not rich in love? Xanti just focused her attention on studying and working because she also did not want to be a loser in...