Chapter3×work

883 23 0
                                    

2am. Urgh! Nagugutom ako! Kasalanan ng koreanong singkit to! Kung di niya sana ako binigla kanina! I tried to contact tita Feliza para hatiran na lang niya ako ng pagkain dito pero walang sumasagot.

Malamang Xanti, tulog na siya!

Wala ding laman ang mini fridge ko dito sa kwarto. Napakamalas talaga! Makapag market na ngalang bukas! Psh. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko. Nakabukas ang lahat ng ilaw. Sa laki ba naman ng mansion, sinong hindi matatakot na lumabas sa gantong oras at mag-isa ka pa?

"For the sake of my stomach... Com'on Xanti don't be afraid." Bulong ko sa sarili ko. Napapikit ako ng mariin at dumilat kasabay ng paghinga ko din ng malalim.

Naglakad ako pababa ng hagdan. Walang ilaw sa living room at sa kitchen. Natatakot ako. Nakakatakot ding i-open ang ilaw baka mamaya may bumulagang multo. I turned my back para bumalik na lang sa kwarto titiis-- "Koreanong singkit!" Nagulat ako ng akmang aakyat ako ulit sa hagdan ng makasalubong ko si Sunhoo. Naka white shorts siya at hoodie jacket. Halatang kagigising lang niya.

Habol habol ko ang hininga ko habang nakatingin sa kanya. "What the... Mamamatay ako sayo eh!" Hahampasin ko sana siya sa braso pero diko na tinuloy. Di pala kami close.

"You look like a scared cat." Napabuntong hininga siya. "What are you doing here late at night?" Tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin. "N-nothing." Sagot ko. "Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"Nagugutom ako. Nahiya naman ako kanina ng iwan mo ako sa hapag kainan." Sagot niya. Nabuhayan ako ng sabihin niyang nagutom siya.

"S-samahan kita sa kitchen?" Nakakahiya man pero kailangan eh nagugutom ako!

"Why not." Sabay kaming bumaba. Pero napatigil siya kaya tumigil din ako. Gosh!!! Natatakot talaga ako eh! Ang dilim!

"W-why?" Kanda utal na tanong ko.

"It's dark. Obviously. Paki switch on naman."

Hindi ako mapakali kasi medyo malayo pa sa kinaroroonan namin ang switch ng ilaw. Alangan namang sabihin ko sa kanya na natatakot ako? Nakakahiya diba?

"I-i don't know kung s-saan yong switch." Sagot ko na lang. I heard him laugh. Tumatawa pala ang taong to?

"Just tell me where it is and I'll switch it on. "

"Nasa likod ng cabinet." Sagot ko. Naglakad siya papunta doon. Naiwan ako. My eyes were weak lalo na sa madilim. I forgot to bring my eyeglasses. "Did you find it?" I ask kasi  dipa umiilaw eh.

"Not yet. Sagot niya." Kahit natatakot ako, pinipigilan ko na lang na wag mangatog sa kinatatayuan ko. Napatigil ako ng biglang umilaw sa labas. A lightning, sign na uulan. Ah yes, may low pressure pala na darating this week

+Dummmm+

Napatalon ako sa kinatatayuan ko ng kumidlat. "What the!" Sigaw ko. Umilaw na naman sa labas at nakita ko si Sunhoo na kumakapa sa may banda ng cabinet hinahanap ang switch. "Takot ka naman pala eh." Sabi nito. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nauuntog pa ako kaya 'dipa ako halos nakalapit sa gawi niya.

"N-no! I'm not." Sagot ko.

Agad na namang kumidlat at may kasamang ilaw kaya tumakbo ko sa kanya at saktong naswitch na ang ilaw at hindi ko nikita ang carpet kaya nadapa ako.

Buti na lang at agad akong nakakapit sa may braso ni Sunhoo na ikinatigil niya. Agad naman akong bumawi. Nakakahiya!

"S-sorry." Nauna akong naglakad patungo sa kusina. "Bagal mo namang hanapin ang switch."


"Hindi ko sanay. It's your house and not mine. Kung ikaw sana naghanap edi kanina pa tayo nakakain. Takot ka naman pa-"

"What food do you want to eat?" Pagpuputol ka sa sinasabi niya. Dada ng dada. Kala ko tipid lang tong magsalati. Madaldal pala.

"Anything will do." Sagot niya. Nilapag ko ang ilan sa mesa at nagsimula na kaming kumain ni Sunhoo.

"I'm sorry about what I've show you lately. Nabigla lang ako." Nakayukong sabi ko. Nakakahiya naman kung hindi ako hihingi ng paumanhin. Baka magsumbong to sa dadko at dad niya. Like duh! Baka sa kalsada na akong makikita mamaya!

"I never thought that Mr. Novida's daughter was humble." Nakangiting sabi niya.

"Ngumingiti ka pala?" Mukhang wrong ang nasabi ko. Kasi an talim ng tingin niya sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Kumain na lang kami at nagligpit din.

"We'll have a meeting bukas sa company niyo. And I hope that makisama ka sana para mas mapadali ang lahat."

"Ano sa tingin mo? Mag wowork ba to? Paano kung hindi? Paano kung oo?" Baling ko sa kanya habang pakyat kami sa hagdan.

"Kung magwowork man, hindi na tayo mahihirapan. Maaring hindi na ituloy ang arrangement. Kapag hindi magwork, matutuloy at matutuloy." Sagot niya.

Napabuntong hininga ako. "I hope that it will work." Mahinang sagot ko.

"Kung gusto mong magwork, just focus on the study and work at the same time para ma achieve mo ang gusto ni mr. Novida. Don't worry, i will do my best to help you in progress. Good night. Ms. Novida." Naiwan akong nakatunganga sa labas ng kwarto ko. May ilang parte na minaliit ko si Sunhoo. He's one of a kind. Pero dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?

Pumasok na ako sa kwarto ko. Magkatapat lang ang kwarto namin ni Sunhoo. Kaya anytime na lalabas ako, may chance na bigla bigla kaming magkasalubong.

Hindi ako makatulog sa kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin upang magwork ang lahat. Upang magwork ang gusto ni dad para sa company. I hope that Han Sun Hoo will help me with this.

Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon