Chapter32-Goodbyes

507 24 2
                                    


Goodbyes are the saddest words to hear. Seeing someone who's not in your side anymore. 'Yong matagal ng hindi kayo nagkasama, yong naghiwalay kayo ng dahil sa pagkakamali. Hanggang sa dumating ang araw na nabigyan kayo ng pagkakataon upang magkaayos pero hindi mo naman alam na hindi na kumapit ang buhay niya.


Napapadalas ang pagbuntong hininga ni Sunhoo hanggang sa matapos na ang office hour. Inayos na niya ang mga papeles na nasa mesa at kinuha ang kanyang coat at bag pagkatapos ay lumabas ng office. Tumigil muna siya sa may labas ng office at kinausap ang mga staffs na nagta trabaho.


"You may go home now." Nagulat naman sila. Nagpapaovertime kasi palagi si Sunhoo. Agad namang sumagi sa isipan nila kung anong date ngayon. Dali dali silang tumayo at bumuo ng circle at naghahawak kamay at sabay sabay na nanalangin. Lagi nilang ginagawa yon kada buwan simula nong incidente ng kanilang totoong boss. 


Umalis na lang si Sunhoo at dumeretso sa palagi niyang pinupuntahan. Sunhoo changed a lot. It's been three months at hindi siya tumitigil at nakakalimot. Masaya siya sa kanyang ginagawa kahit alam niyang hindi siya nakikita ng taong yon. Kahit hindi niya kasama ang taong huli niyang hinalikan.


Inayos niya ang mga bulaklak at napaupo. Nakangiti siyang napatitig dito. Ganito ang ginagawa niya araw araw pagkatapos ng trabaho niya ay dumederetso siya dito. "Beautiful flowers like you, Xanti." Bulong niya.


Pinigilan niya ang sarili niyang maiyak. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging mahina sa harap ni Xanti at ayaw niyang ipakita na mahina siya dahil hindi naman niya yon ginagawa sa harapan ni Xanti.


"I still have a lot of things to do with you, wife. But how can i do it if you're not beside me?" Hindi na niya mapigilang mapaluha.


"I'm doing it alone. I want you to be here, beside me." Hindi siya kumibo ng ilang saglit. Pinapakalma niya ang kanyang sarili at sakto namang naabutan siya nina Darlin at Classy.


Lumapit si Classy sa kanya at hinagod ang likod niya. "Tumayo ka na diyan." Mahinahong sabi ni Classy. Tumayo naman na siya.


"Umuwi ka na Sunhoo. Bangag ka na oh. You look so tired. Naover work ka na naman ba sa XCI?"


Umiling si habang nakatingin sa mga bulaklak. "I never get tired to do this."


Ngumiti si Classy at tumango-tango. "We'll never get tired to do this, Sunhoo. I miss her so much at yong pagsasama namin.. I will never say goodbye because it's not yet the time to say goodbye." Naluluhang sabi niya.


"Yeah. It's not yet the time to say goodbye. She's still here." Turo niya sa puso niya. "My wife's still here."


Hinawakan ni Classy ang kamay ni Sunhoo at tinitigan ang singsing. Napangiti si Classy na natatawa. "Be strong. Never remove this ring because the other one is with her."


Tumango si Sunhoo. Naging magkaibigan din sila nila Darlin at Classy sa loob ng tatlong buwan. Nagresign si Sunhoo sa hospital sa Korea at bumalik ng Pilipinas para hawakan ang Xanti Car Incorporation. Pumayag ang kanyang ama sa desisyon ng kanyang anak at ganon din ang mga magulang ni Xanti.

Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon