Chapter18-Kidnapped

544 14 1
                                    

Gaya ng usapan namin ni Sunhoo, lagi kaming sabay na umaalis papuntang school, at pauwi. Maliban na lang sa break time dahil hindi kami parehas ng time. At ngayon nga, kami lang ni Classy ang magkasama. 


"Alam mo bang muntik ko ng patayin yang si Lancaster?" Natawa ako sa sinabi niya. Hindi talaga sila magkaasundo ni Ranz. Mapang-asar kasi talaga si Ranz but at the same time, napaka sweet niya. Mas napagkakamalan pa nga kaming magjowa kesa samin ni Sunhoo kaya minsan, hindi pinapansin ni Sunhoo si Ranz.


"Daig niyo pa ang aso't pusa. Mamaya, magkahulugan kayo ng loob. Ayyieh!" Sinamaan niya ako ng tingin.


"Hay naku Mrs. Han. Tumigil ka diyan dahil never akong nagkandarapa sa baliw na yon!" Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Class dahil nakatingin ako sa may bandang entrance ng cafe dahil nandon si Jake na nakangising nakatingin saakin. Up until now, minumulto ako ng buhay nila Jake at Janela na hindi alam ni Ranz at Sunhoo. Alam ni Class ang tungkol sa gulo na meron kami pero pinipigilan ko lang siya na wag magsabi kay Sunhoo.


"Andito na nag order! Sakto gutom na ako." 


"Class, Cr. lang ako." Paalam ko. Tumango lang siya halatang gutom eh. Nagtungo ako sa may entrance kung saan nakita ko si Jake. Naabutan ko siya na nakasandal malapit sa may cr. Kahit natatakot, tinatagan ko ang sarili ko.


"Ano bang kailangan mo Jake? Lagi niyo akong ginagambala ni Janela!" Nginisihan niya lang ako.


"Natatakot ka ba, Xanti mylove?" Nanayo ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Aminin ko na natatakot ako dahil sa ginawa niya noon sakin. Alangan namang hindi ako matakot e halos mawala na to sa katinuan ngayon pa lamang!


"Please! I'm begging you to stop following me around. Kahit di mo sabihin na hindi mo ako sinusundan, i know you were. Hindi ako manhid at mas lalong hindi tanga para hindi maramdaman ang presensya mo." Akmang tatalikod ako ng bigla ulit siyang magsalita.


"What if... Papabagsakin ko si Sunhoo? Diba siya ang kahinaan mo?"


Natigilan ako sa sinabi niya. I know it's obviously to see how much Sunhoo is my weakness sa paningin nila ni Janela kaya lagi nila kaong ginagambala. Mariin kong ikinuyom ang mga kamay ko. Hindi ako lumingon sa kanya dahil maiinis lang ako at mas matakot sa pagmumukha niya na paniguradong nakangisi na naman ngayon.


Hindi na lang ako sumagot dahil baka pipiyok ako sa pagpipigil ng mga luha ko. Mabibigat ang bawat hakbang ko na bumalik sa table namin ni Class. I acted as if nothing happened until Sunhoo came with Ranz. They looks serious as always. Ranz maybe a jolly person but he is often serious guy while Sunhoo was always a serious guy and at the same time, looks mysterious also.



"Asungot is here." Bulong ni Class na ikina tawa ko kunti. Hindi ko alam kung bakit ganon ang inis ni Classy kay Ranz though nakikita ko naman na cold lang si Ranz. Nagitla ako ng hawakan ni Sunhoo ang kamay ko.


"Hindi kami mag be break ni Ranz. May gagawin pa kami sa library. Mauna ka na ring umuwi mamaya wife. Dederetso ako sa company and i'll call the driver para sunduin ka." 


Ngumiti ako ng simple. Wala ako sa gana ngayon na kumausap kay Sunhoo pagkatapos ng conversation namin ni Jake kanina.


"It's ok. Sasakay kami ng taxi ni Classy." 


Umiling si Sunhoo. "No. Ipapasundo kita at ipapahatid si Classy. That would be more safe than taking a taxi.


"Ang OA. naman. Sige na nga." Nagpaalam na silla ni Ranz. Kaya naman tumayo na rin kami ni Classy upang um attend ng last subject.


___

"An tagal naman ng driver. He supposed to be here already when Sunhoo called in the mansion." Naiinip na ako. Nauna na din si Classy na umalis dahil wala pa ang driver. Male late na kasi siya sa work niya. And guess what, kanina pa ako dito sa waiting shed. Dito na ako naghintay.


Aish! Bahala na nga! Pumara na kao ng taxi. Mag a alas sa-is na din. And for sure, busy pa si Sunhoo sa company. I didn't bother to contact him dahil baka may meeting siya.


I was about to enter the taxi ng biglang may humablot sa braso ko.

0_0


Bigla akong nanlamig...



"SAAN mo ba ako dadalhin?!" Sigaw ni Xanti. Kinakaladkad siya ngayon ni Jake sa isang abandonadong lugar.


"Wag kang dada ng dada! Naiirita na ako sayo Xanti!" Sigaw niya kay Xanti niya siyang ikinatahimik niya. Takot na takot si Xanti sa kanya dahil hindi lang din siya mag-isa kundi may lima siyang kasama.


"W-why are you doing this, Jake?" Tila nanghihinang sambit niya dahil sa takot. "Are you doing this together with Janela, huh?" 


Ngumisi si Jake at pahagis niyang tinulak si Xanti sa sahig. "I'm doing this alone without Janela. She doesn't know about this and i don't care about her. Igapos na yang babaeng yan!" Napanga nga si Xanti. Lumapit sa kanya ang dalawang lalaki at pinipilit siyang igapos sa upuan.


"Get off me!! Jake!! Pakawalan niyo ako!" Mangiyak iyak na sabi nito.


Lumingon si Jake sa kanya and she saw Jake's sad reaction or baka nagha hallucinate lang siya. Why would Jake's reaction to be in that way e kinidnap sihya!


"I won't unless your family pay what they did to me and my family." At tuluyan na siyang tumalikod. Puno ng pagtataka si Xanti sa sinabi ni Jake. What did her family do to his family? Natakot ulit si Xanti ng maiwan siyang mag-isa sa dilim.



"Help!!! Mom!!! Dad!!" Nararamdaman niya rin ang hapdi sa kanyang mga kamay dahil sa higpit ng pagkakagapos sa kanya. Sigaw siya ng sigaw hanggang sa bumalik ang isang kasama ni Jake at nilagyan ng tape ang bibig niya para hindi na siya mag-ingay.



Rich in Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon