I just knew that we've met already with Sunhoo. Noong high school pa kami. Siya pala yong nakabunggo ko sa School niya sa Korea at bahay nila yong tinuluyan namin nila dad noon nong may meeting sila doon.
I was amazed and happy when he tells me all of it. Lalo na sa pagsabi niya na mahal niya ako. Parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko. Kanina pa kami naglalakad ni Sunhoo at gabi na. Kanina pa kami tawa ng tawa na akala mo ay walang nangyari. And i still thank him for telling the truth, yet i'm still hesitating also to tell him that i love him too.
May magbabago kaya kapag sabihin ko din na mahal ko siya? Hindi naman siya nagtanong eh. Kapag magtatanong siya, saka ko na lang din sagutin.
"So..." Tumingin si Sunhoo sakin na may pagtatanong.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko.
"Ikaw, kung ano gusto mo." Sagot niya. Tapos na rin naman kaming kumain kaya naglalakad na kami pabalik sa kung saan naka park ang sasakyan niya.
"Ok. Uuwi na tayo, gabi na rin." Nginitian ko siya at gumanti naman. Nagulat ako ng hawakan ni Sunhoo ang kamay ko. Heto na naman at parang humihinto ang aking paghinga.
"I'll do everything to be a good fiance to you. Mahal kita, Xanti at ayaw kitang mawala sakin. Nawala na ang pinakamamahal kong tao at ayaw ko na sayangin pa ang pagkakataong naibigay sakin para mapasakin ka." He's pertaining to his mother who passed away at his early age.
Nanlambot ako sa inasta niya. Isang Han Sunhoo na mukhang cold at snob, ay may pusong mamon pala. Hindi bumagay sa physical appearance niya ang kanyang pinapakita ngayon. Parang napakahina niya at ayaw kong nakikita siya na mahina.
"Hindi mo ba ako tatanungin? Wala ka bang itatanong sakin?" Nangunot ang kanyang noo.
Natatawa ako sa itsura niya. Matalino si Sunhoo pero may pagka slow din. No doubt na first time niyang magmahal and ganon din ako kaya lagi akong nakadepende sa kanya at sa tanong niya.
"Sunhoo, first time kong ma engaged at wala pa akong experience sa relasyon. I want to experience a true relationship." Tumigil kami sa paglalakad.
"What do you mean? Isn't it enough that we're engaged already? Or you want me to marry you right here, right now. If that's what you want, so bi i-"
Ang O.A naman ng lalaking to. "Baliw ka ba? Shempre-
"Oo, baliw sayo, Xanti."
Eneber!!! Namumuro na ang isang to eh. "Sunhoo... Seryoso ak-"
"Seryoso din ako Xanti. Kung gusto mong ligawan kita, no way. it's not my thing to court. We're already engaged and kasalan na lang ang kulang. I already told you that i love you. Pero kung ligawan ang gusto mo, wag na lang i can make your day or our relationship extra special. Kaya kitang pakiligin araw araw kung gusto mo. Walang boyfriend girlfriend thing. Alam mo kung bakit? Dahil asawa na kita. Naiintindihan mo ba?"
I can't believe him! Napakarami ng sinabi niya pero ang tumatak sa isip ko ay ang pagsasabi niyang asawa na niya ako. Kinikilig ako. Kinikilig na gusto kong tumili. I can't hold my smile anymore. "I love you." Kusang lumabas yon sa bibig ko.
At nagulat ulit ako sa biglang pagsigaw ni Sunhoo at napasuntok sa hangin. Natawa ako dahil sa ginawa niya. He's so cute. He look just like a living ice prince. "I knew it that you love me too! Hindi mo man sabihin, i can feel it! I love you so much, wife!"
0_0
"Hindi pa tayo kasal. At umayos ka nga!" Sita ko sa kanya. Kinikilig na talaga ako.
"Wala kang magagawa. You're my wife." Nagyakapan kami ni Sunhoo. "Alam ko na maikli lang ang panahon na tayo'y nagkakilala but i am sure that i love you much, Xanti."
Ngumiti ulit ako. Hindi ko na nabilang kung ilang ulit ng napapangiti ang lalaking to ngayong oras na to. Napakaswerte ko na may isang Han Sunhoo na dumating sa buhay ko. Napakaswerte ko talaga.
___
"Malayo pa ba?" Inaantok na ako. Kanina pa ako hikab ng hikab. Abnormal talaga ang isang to. Iwanan ba naman ang kotse niya sa high way dahil daw sa traffic kanina. Talagang napaka impatient.
"Malapit na nga." Sagot niya.
Nangangawit na din ang binti ko dahil naka boots ako na may heels pa. Hindi ko naman in expect na ganto ang mangyayari eh.
Lumuhod si Sunhoo sa harapan ko patalikod. Alam ko na nag ibig sabihin non at hindi ako nagdalawang isip na sumakay sa likuran niya. "In offer mo to ah. Napapagod akong naglalakad kanina pa." Sabi ko. Inaantok na rin talaga ako.
"Ang bigat mo pala." Hinampas ko siya sa balikat niya.
"Nag-offer ka ng piggy back, rereklamo ka rin manan pala. Psh."
He laughed and it sounds so good to hear. I lean in his shoulder and close my eyes. "I feel so safe when i'm with you. Don't... leave me... And don't..... Hurt me..."
BINABASA MO ANG
Rich in Love (Editing)
HumorXanti is rich. Rich in living. But lacking in love, and lacking in attention. What else can she do with their wealth if she is not rich in love? Xanti just focused her attention on studying and working because she also did not want to be a loser in...