"Hindi ka pa pwedeng magpagod, Xanti." Halatang naiinis na si Classy. Kanina pa niya ako pinagsasabihan.
"Clas, ok na ako. Kaya ko na. Uupo lang din naman ako, hahayaan kitang gagawa ng paper works basta dito lang ako. Uupo at mag-aayos lang ng flowers." Pinaikot niya lang ang eyeballs niya at napabuga ng hangin.
"Alam mo? Mas kumulit ka pa. Pero sige. I'll leave you here, may aayusin lang kami ni Darlin sa taas. Call us when you need anything."
"Oo na. Ito naman, parang hindi ako nag may ari ah." Biro ko.
"Saglit lang." Tinanguan ko lang siya at umalis na din siya. Tama na sa akin ang tatlong linggo na pagpapahinga. Kaya ko naman na at heto nga ako, my first work again after 3 months. Nakakapanibago pero ang saya ko. Napakagaan na ng pakiramdam ko hindi tulad ng dati.
Inayos ko ang mga paninda na bulaklak. Nakakaaliw lang na lumago ang flowershop dahil kina Darlin at Classy. Pati na din ang XCI dahil kay Sunhoo. Though hindi pa naman kami sumumpa sa harap ng diyos, gumagawa naman siya ng mga bagay na ikinasasaya ko na hindi ko naasam sa buong buhay ko. I'm waiting... We're waiting for the right time to get marry.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko dahil tumutnog ito. I answer the phone without looking on the screen. "Hello?" Masiglang sabi habang nag i-spray ng mga bulaklak.
"So you're alive."
Napakunot ang noo kong tumingin sa screen. Unregistered number ito. Hindi ko mapagtanto kung sino ang caller. "W-who's this?" Inaamin ko na natakot ako sa sinabi niya. Is she expecting me to die? Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng mapagtanto kung sino siya.
"Well, well well."
"J-jane..." I heard her laugh like an evil.
"Yes. The one and only. I thought you were dead I've been praying all time na sana mamatay ka pero masama kang damo. I admire you that, NO-VI-DA."
Kinabahan ako. Nanginig ang mga kalamnan ko sa pinagsasabi niya. Hindi naman ako naiiyak pero nanginginig ako na baka may gagawin siyang masama lalo na kung alam niya na ok na kami ni Sunhoo.
"W-what do you want?"
"I want all what you have. Besides, all what you have is supposed to be mine."
Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Naglakad ako palabas ng shop. Baka marinig nila Class na may kausap ako. "You don't own anything, Jan-
"Diyan ka nagkakamali, Xanti. Or should I call you Rain?"
Mas naguluhan ako sa pinagsasabi niya. Magsasalita pa sana ako ng makita ko si Sunhoo at Ranz na pababa sa kotse.
"If you want to know anything. I mean everything, meet me personally. Ikaw lang at wala ng iba. I'll text you the address. See you, Xanti."
What is she talking about?! Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang ang dalawang lalaki na seryosong naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Ngumiti silang dalawa kaya ngumiti din ako kahit may bumabagabag sa akin.
"Hey X." Humalik ako sa pisngi ni Ranz. "R." Sagot ko.
"Hi." Hinalikan din ako ni Sunhoo sa noo na nagpagaan ng pakiramdam ko. Kinawit ko ang braso ko sa braso ni Sunhoo.
"Nakakatampo naman. Inuna pa si Sunhoo." Lumingon ako kay Ranz na nakabusangot. Ikinawit ko din ang isang braso ko sa kanya. "Oh. Para fair. My husband and my brother. Acting brother."
Nakita ko kung paano napatigil ang dalawa at nagkatinginan kaya naman tinanong ko sila. "May problema ba?"
Napailing naman sila. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na kami papasok ng shop. "Ugh. I forget the food." Ani Sunhoo.
"Nag take out kami ng foods sa Drie de cafe." Sabi naman ni Ranz. Nagmadaling lumabas si Sunhoo at nagtungo sa kotse niya.
HE WAS about to open his car when his phone suddenly ring. Nagtagis ang kanyang bagang ng makita nag pangalan ng tumatawag.
"The hell is your problem!"
"S-sorry. I'm so s-orry."
Napangisi si Sunhoo at sumeryoso. Gusto niyang pumatay sa mga oras na yon pero hindi naman niya magawa dahil hindi niya kaharap ang kausap niya.
"Dangsin. Dangsin-eun na-ege dangsin-ui eolgul-eul boyeojuji ahneun goes-i johseubnida." (You. You better not to show your face to me.) Pagbabanta nito sa kausap.
"Jeongmal mianhae, Sunhoo."
"You're such a jerk and unprofessional doctor. I will forget that I have a friend like you." Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at sumandal sa kotse niya. Namalagi muna siya doon ng ilang segundo para pakalmahin ang sarili niya sa inis, galit at takot.
'It was all my fault...'
BINABASA MO ANG
Rich in Love (Editing)
HumorXanti is rich. Rich in living. But lacking in love, and lacking in attention. What else can she do with their wealth if she is not rich in love? Xanti just focused her attention on studying and working because she also did not want to be a loser in...