Chapter 19: Tears

157 8 3
                                    

Chapter 19: Tears

"Aishie, Meisha, Congrats! You, too, Dahlia!" Tia said sabay ngiti at mahinang tinapik ang balikat naming tatlo.

"Yeah." Nahihiyang napakamot si Meisha. Si Dahlia naman ay nag thumbs up lang dahil umiinom ito ng orange juice, mayroon pa itong hawak na siopao sa kabila niyang kamay. Ang takaw ha.

"Let's celebrate!" Biglang sigaw ni Meisha at tinaas pa ang kamay sa ere.

"Yes! Let's go!" Pagsabay naman ni Dahlia at Tia. Then, nagsimula na silang maglakad na tatlo papunta dun sa malapit na ihawan.

Kami namang dalawa ni Vina ay napa-poker face habang pinapanood silang magsaya. Si Kaizen naman ay nanatiling tahimik sa aking gilid.

Gusto ko sanang bumalik sa mansion para magpahinga pero hindi ko naman gusto na iwan na lang si Dahlia. Baka pag-uwi ko ay tatanungin ako ni lola kung nasaan si Dahlia at papagalitan ako dahil hindi kami sabay umuwi. Kaya wala akong choice kundi sundan ang tatlo na yun.

Pagkarating namin sa ihawan ay pumwesto kami sa may mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Mayroon din itong mahabang upuan na halos kasya ang sampung tao.

"Oy, Kaizen!" Napalingon kaming lahat kay Daisuke at Yumi na naglalakad papalapit sa amin. Kasama din nila si Shaira, yung kapatid ni Meisha.

"Yo." Bored na sabi ni Kaizen. Tumawa naman ng malakas si Daisuke at tinapik si Kaizen sa balikat.

Si Yumi naman ay napailing nalang, pagkatapos ay tumingin siya sa akin and then kina Meisha at Dahlia. "I saw your match. Good game." Nakangiting anito.

"Hehe." Sabay na napakamot sina Meisha at Dahlia na para bang nahihiya. Ngumiwi ako nang makita iyon.

Tumayo nalang ako para bumili na ng pagkain. Bigla kasi akong ginutom. Sinamahan naman ako nina Meisha, Tia at Yumi. Bumili kami ng maraming barbecue at iba pang pagkain na iniihaw. Nagulat pa ako nang bumili si Yumi at Tia ng beer pero hinayaan ko nalang sila.

Naghintay pa kami ng ilang minuto dahil kailangan pang ihawin yung barbecue na binili namin. Nang maluto ito ay dinala na namin ito sa mesa namin.

"Food~" Shaira said while holding a spoon and fork. Ready nang kumain.

Inilapag namin ni Dahlia ang pagkain sa mesa at umupo na. Sina Tia at Yumi ay nilagay sa gilid ang mga beer, good thing may binili din silang juice at tubig. Nandito si Shaira kaya hindi pwedeng puro alak ang iinumin.

"Thank you for the food!"

Nagsimula na kaming kumain habang masayang nagkwe-kwentuhan. Nangingibabaw yung boses nina Meisha at Dahlia, dumagdag pa si Tia, nag-uusap sila tungkol sa japanese comics na binabasa nila.

Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula silang uminom ng beer. Hindi ako sumali sa kanila dahil mahina ang alcohol tolerance ko. Bagkus ay kumain nalang ako ng barbeque habang nakikipag-usap kay Shaira.

"Ah. I remembered! Kaya pala familiar ka sa akin ay dahil nakita kita sa cover ng magazine." Sabi ni Shaira, nakatitig ito sa mukha ko habang umiinom ng juice.

"Really?" Ganoon pala. Sigurado kasi akong dito sa Zahraville ang una naming pagkikita kaya nagtataka talaga ako nung sinabi niyang nakita na niya ako.

"Let's meet again." Ngumiti sa amin si Tiana. Masu-surf kasi silang dalawa ni Vina ngayon. Inaya nila kami ngunit tumanggi kami.

Kami kasi ni Dahlia ay uuwi pagkatapos naming kumain, ganun din si Meisha. Tas yung iba ay may ibang pupuntahan.

"Yeah. See yah." Dahlia said at ngumiti pabalik.

After nun ay umalis na sina Vina at Tiana para mag surf. Napabuga ako ng malalim na hininga nang makaalis sila.

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon