Chapter 9: Shut up
"So, this is the ice cream shop that you're talking about?" Dahlia asked while staring at the shop in front of us.
"Yeah. I met someone here and we became friends." I told her while smiling.
"I'm glad..." I heard her whispered something.
"May sinasabi ka?" I glanced at her. Para kasing narinig ko siyang nagsalita sa aking tabi.
She immediately shook her head. "N-nothing." Sabay kumpas niya ng kamay sa ere.
Napakurap-kurap ako at kumibit-balikat nalang. "Oh. Okay. Pasok na tayo." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman sya kaya binuksan ko ang glass door at pumasok na kaming dalawa ni Dahlia sa loob.
"Good morning!" Bungad ni Meisha pagkapasok namin ng shop. Nakita kong nasa may counter siya ngayon at siya ang cashier.
I smiled and waved at her. "Good morning." I greeted her back pagkarating ko sa counter.
"Is that her?" Bulong sa akin ni Dahlia na nakasunod sa aking likod. Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsagot.
"Oh. She's cute." Komento niya sabay kaway kay Meisha. "Hi! Are you Aishie's friend?"
Nakita kong nagulat naman si Meisha nang bigla siyang tanungin ng aking pinsan.
"Y-yes. And you are?" Alinganing sabi ni Meisha.
"I'm Dahlia Llanera. Aishie's cousin. Thank you for taking care of Aishie. First time niya kasi dito sa Zahraville. I'm glad she met a new friend here." Pagdadaldal ni Dahlia.
Bahagya ko siyang siniko sabay tingin kay Meisha. "Don't mind her. Madaldal ang babaeng' to."
Bigla akong binatukan ni Dahlia. "Ang sama mo!"
"That was hurt." Hinimas ko ang aking batok na binatukan niya at tiningnan siya ng masama.
Narinig kong tumawa ng mahina si Meisha kaya napatingin kaming dalawa ni Dahlia sa kaniya.
"No doubt. Mag-pinsan nga kayo." Natatawang komento siya. "So, anong o-orderin niyo?"
Tumingala ako sa menu na nasa taas para pumili ng ice cream. "Sweet mango, please." Saad ko. Lumingon ako kay Dahlia na nasa gilid ko, nakatingin din siya ngayon sa menu na nasa taas. "You? Anong sayo?" I asked her.
"Wait. Ang hirap pumili." Tarantang tugon niya. "Yung coffee ice cream with chocolate chips nalang." Mabilis niyang sabi.
"Sweet mango ice cream and coffee ice cream with chocolate chips! That would be one hundred fifteen pesos in total." Nakangiting sabi ni Meisha.
Kinuha ko ang aking wallet sa aking bulsa pero mabilis akong pinigilan ni Dahlia. I looked at her, nakakunot ang noo.
"My treat." She grinned.
Napabuntong-hininga ako at ngumisi sa kaniya pabalik. "Sabi mo eh." Sino bang tatanggi sa libre? Ibinalik ko ang aking wallet sa aking bulsa at hinayaan si Dahlia na bayaran ang inorder namin.
Matapos niya itong bayaran ay umalis na kami sa counter at naghanap ng mauupuan.
"Doon tayo." Sabay turo niya dun sa table na malapit sa glass wall.
Naglakad kami patungo doon. Nang makarating ay umupo na ako at ganoon din si Dahlia. Pansin kong kanina pa nito nililibot ang kaniyang tingin sa loob ng ice cream shop.
"How did you find this place, Aishie? It's so cozy. It also smells like lavender and books. I like it." Manghang sabi niya habang nililibot pa din ang tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/243404934-288-k351947.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper of Summer | ✓
Novela JuvenilA summer full of hopes and fun. ~*~ Aishie Lewster, a clever and famous spiker, lost her love in volleyball when her sister died in a car accident. Two years passed, when her summer vacation begins, she chooses to go to her mother's...