Chapter 13: Luck

163 9 0
                                    

Chapter 13: Luck

"Are you ready?" Dahlia asked. Nandito na kaming lahat sa Blue Coast.

Meisha nodded, smiling. "I'm ready."

"Good luck, guys. You can do it." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

Tumango lang silang dalawa sa akin, mukhang seryoso talaga sila sa laro na ito. Lalo na si Meisha.

Mabilis na silang tumakbo patungo sa court kung saan naghihintay sa kanila si Lila at ang partner nito.

The four of them looks so serious. Ako naman ay hindi maiwasang mapabuntong-hininga. "Seryoso ba talaga sila sa laro na'to?" Mahinang sambit ko sa aking sarili.

"They're serious." Sabi ni Kaizen, mukhang narinig niya ang aking sinabi.

I sighed heavily. "Bibili muna ako ng buko juice." Akmang aalis sana ako nang bigla akong hawakan ni Kaizen sa aking balikat para pigilan ako.

I rolled my eyes at him. "What?!" Singhal ko sa kaniya. Ano ba sa tingin ng lalaking ito ang ginagawa niya?

"Where are you going?" He asked and raised a brow at me.

Inis akong napabuntong-hininga. "Hindi mo ba ako narinig? Aalis muna ako. Bibili lang ako ng buko juice." Inis kong sagot sa kaniya.

"What if something happen here while you're gone? Mamaya ka na bumili." He said in a bored tone.

Napairap ako. "As if. I'm sure Dahlia can handle that."

Napailing siya at kumibit-balikat. "Eh paano kung hindi?"

Ano ba ang iniisip ng lalaking 'to? Nawi-weirduhan na ako sa kaniya. Ayaw ba niya akong paalisin para mapanood ko ang laro?

"Tsk. Bibili lang talaga ako ng buko juice. Kanina pa ako nauuhaw, alam mo ba 'yon?" Asik ko. I started to get annoyed. Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinupunto niya. Nauuhaw lang naman ako eh! "Pag ako namatay dahil sa dehydration, it will be your fault!" Humalukipkip ako.

Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga. "Stay here. Ako na ang bibili."

Agad na kumunot ang noo ko. "And why would you do that? Boyfriend ba kita?"

Nagulat siya sa sinabi ko. He was caught off guard at my question.

I smirked. Sinabi ko lang naman iyon para patahimikin siya and it looks like I succeed!

Umirap naman ako. Nang hindi ko siya narinig na umimik ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Tinawag ako ni Kaizen sa aking pangalan pero hindi ko siya nilingon. Bahala sya dyan.

Hindi naman kalayuan ang nipa hut na nagtitinda ng buko juice. Kaya pagkarating ko ay agad akong bumili. Saktong pagkaabot ko ng buko juice ko nang makarinig ako ng dalawang pamilyar na boses.

"Vina! Stop drinking my buko juice! Mayroon ka naman, ah?"

"Hehe. Sorry, Tia."

Mabilis akong lumingon sa pinaggalingan ng boses na iyon at nakita sina Tiana at Vina. Napatingin din sa direksyon ko si Tiana, nakita ko ang gulat sa mukha nito pagkakita sa akin.

Ngumiti siya ng malawak at kumaway sa akin. "Aishie!" Malakas niyang pagtawag sa aking pangalan kaya napatingin din sa akin si Vina.

Napailing naman ako. Binayaran ko muna ang binili ko bago tumungo sa kanilang dalawa. "Yo." I greeted pagkarating ko.

"We meet again, huh?" Vina said and raised a brow.

Kumibit-balikat lang ako. Nakita ko naman siyang napairap. Si Tiana naman ay napatawa ng mahina. "By the way, where's Dahlia? And that girl na kasama niyo?" Tanong nito sa akin pagkatigil niya sa pagtawa.

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon