Chapter 27: Training
"Where are you going?" Inaantok na tanong ni Dahlia nang makita akong pababa ng hagdan. Napatigil ako at napatingin sa kaniya. Mukhang kagigising lang niya at kakalabas ng kaniyang kwarto.
"Jogging." Maikling sagot ko.
"Sama ako!"
"No. Magte-training kami ni Meisha ngayon." Pinagpatuloy ko ang pagbaba ng hagdan at dali-daling lumabas ng mansion. Narinig ko pang sinigaw ni Dahlia ang pangalan ko ngunit di ko siya pinansin.
"You're mean!" Huli kong narinig sa kaniya bago ako tuliyang nakalabas. Napailing nalang ako sa kaniyang inasal.
Nang makarating sa dalampasigan ay tinali ko muna ang aking buhok dahil nililipad ito ng malakas na hangin saka ako nagsimulang mag-jog.
Dinama ko ang malamig na hangin habang pinapakinggan ang tunog ng alon.
5:30 A.M. palang kaya di pa masyadong sumisikat ang araw.
Pagkarating ko sa court kung saan kami magkikita ni Meisha ay wala pa siya dun. Kaya dumiretso muna ako sa may puno at umupo sa ilalim nito para hintayin siya na dumating.
Nilabas ko ang aking cellphone at naglaro ng games nang biglang may tumawag sa'kin.
It's mom.
I pressed the answer button at nilapit ang cellphone sa aking tainga.
"Good morning, mom." Bati ko sa kaniya pagkasagot ko ng tawag.
"Good morning, sweetie." Rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.
"What is it?"
"I just want to check on you. I'm worried because you're not calling me." Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"Don't worry, mom. I'm doing fine here." I said in a soft tone.
"That's good to hear. So, how's your vacation?"
"I... uhm... started playing beach volleyball." Nag-aalinlangang sabi ko sa kaniya.
Bigla tumahimik sa kabilang linya kaya tiningnan ko ang screen ng cellphone ko kung naputol ba yung tawag pero wala naman.
"Uh, mom? Hello? Are you still there?"
I said, bahagyang nakangiwi."OH MY GOSH! Sweetie, did you just said volleyball?! When did you start playing?" Mom asked happily.
"Last week..."
Madami pa siyang tinanong sa akin at lahat ng iyon ay sinagot ko. Tuwang-tuwa siya habang nag-uusap kaming dalawa. After naming magkwentuhan ay nagpaalam na siya dahil marami pa siyang gagawin sa kaniyang office.
Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos ang tawag.
"You're already here? Ang aga mo naman yata." Biglang may nagsalita sa aking gilid. Boses ni Meisha.
Napalingon ako sa kaniya at nakitang kakarating lang niya. May dala siyang bola at maliit na cool box na sa tingin ko ay energy drink at tubig ang laman.
"I woke up early." Ang sabi ko nalang sa kaniya. Tumayo na ako at mahinang tinapik ang aking shorts para alisin ang buhangin na tumapik.
"Magsisimula na ba tayo?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo. One week lang kasi ang meron tayo bago magsimula ang competition. Kailangan natin ng training at mag practice para manalo." Sabi ko habang inaayos ang pagkatali ng aking buhok. "Are you ready?" Sabay harap ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Whisper of Summer | ✓
Fiksi RemajaA summer full of hopes and fun. ~*~ Aishie Lewster, a clever and famous spiker, lost her love in volleyball when her sister died in a car accident. Two years passed, when her summer vacation begins, she chooses to go to her mother's...