Chapter 23: The Sea
Hanggang sa pagpunta namin sa dining area ay lutang pa din ako. Saka lang ako natauhan nang tawagin ni Dahlia ang aking pangalan.
"Ba't ka lutang dyan? Upo na." Mahinang sabi niya sa akin.
Nang mapansin kong ako lang yung isang nakatayo ay dali-dali akong umupo. Gosh.
"Pfft."
Tiningnan ko ng masama si Kaizen. nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Naka pwesto siya sa aking harapan. Umiwas naman siya ng tingin.
Tsk.
"So, you two are here to spend your summer vacation?" Biglang tanong sa amin ni tita Lillia sa gitna ng hapunan.
"Yes po, tita. Actually, this is my first time na pumunta dito." Ako ang sumagot sa kaniya. Si Dahlia kasi ay puno pa yung bibig ng pagkain.
Napansin ko ang biglang pagbago ng kaniyang ekspresyon. Tila naging intresado siya nang marinig ang aking sagot."Oh. Ganun ba. So, how's Zahraville? Nagustuhan mo ba ang lugar na'to?"
Bigla kong naalala ang mga nangyari sa'kin dito sa Zahraville. Hindi ko alam kung bakit nagfla-flashbacks sa'kin ang mga ito sa ganito pang oras ngunit hindi ko maiwasan na hindi mapangiti nang malala ko ang lahat ng mga ginawa ko at nangyari dito sa bayang ito. "Zahraville is such a wonderful place. I had so much fun."
"I'm glad to hear that." She smiled. "How about your sister? Is it also her first time here?" Sabay baling niya kay Dahlia.
Bigla namang nabulunan si Dahlia nang marinig iyon, si lola naman ay mahinang napaubo, samantalang si lolo ay tahimik lang na nakikinig.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni tita Lillia. "Is something's wrong? I mean, are you okay?" Nag-aalala nitong wika.
"I'm f-fine." Lola said at saka uminom ng tubig.
"Don't worry, tita. We're okay. Sorry about that." Umayos ng upo si Dahlia at bahagyang ngumiti.
Mahina akong tumikhim para kunin ang atensiyon ni tita Lillia. "We're not sisters. We're cousin po, tita." Tipid akong ngumiti sa kaniya. "I actually have an older sister, but she's in heaven na."
Napakurap-kurap ito sa gulat nang marinig ang aking sinabi. "Oh. I'm so s-sorry."
"Okay lang po."
After that, lolo talked about business dahilan upang gumaan ulit ang atmosphere. Kami namang dalawa ni Dahlia ay nagpatuloy na kumain habang tahimik na nakikinig sa usapan ng mga matatanda.
Saglit akong napasulyap kay Kaizen. Pansin kong kanina pa tahimik ang lalaking 'to. Tila wala siyang pake sa kaniyang paligid at nakatuon lang ang atensiyon sa pagkain.
"Aishie, why don't you take Kaizen to the garden and talk about volleyball?" Lola said. Her eyes filled with amusement. I know that she's just teasing me.
Oh, well...
"Fine."
Nakita ko ang pagkabakas ng gulat sa kaniyang mukha, maging si lolo na pasimpleng nakikinig sa aming usapan ay nagulat din.
Tingin siguro ng dalawang matanda na'to ay magagalit ako at padabog na aalis.
"Volleyball? Are you playing volleyball?" Biglang tanong naman ni tito William. Nagulat ako sa kaniyang tanong kaya saglit akong hindi naka sagot.
"Y-Yes, tito."
"Interesting."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Tatanungin ko sana siya nang biglang umepal si Kaizen.
BINABASA MO ANG
Whisper of Summer | ✓
Novela JuvenilA summer full of hopes and fun. ~*~ Aishie Lewster, a clever and famous spiker, lost her love in volleyball when her sister died in a car accident. Two years passed, when her summer vacation begins, she chooses to go to her mother's...