Chapter 6: Dolphin Keychain
Biglang tumahimik ang kapaligiran matapos sabihin ni Kaizen iyon. All of us stared at him with wide eyes. Did I heard it, right?
"Haaa?" Wala sa sariling tugon ko. Lumipas ang ilang segundo at nang tuluyan ng pumasok sa isip ko ang sinabi niya ay agad na napaawang ang labi ko. "HUUHH?!"
Napaatras ako ng tatlong hakbang at tinuro siya. "W-w-what the fvck are you saying?!" Singhal ko sa kaniya and gave him a disgusted look.
"Let's go." He said at naglakad palapit sa jet ski. Hindi pinansin ang tanong ko.
I didn't follow him. Nang mapansin niyang hindi ako nakasunod sa kaniya ay lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Hmm? Ayaw mo?"
Nakita ko siyang napabuga ng hininga nang makita niyang hindi ako umimik. Kumunot ang noo ko. Ano bang problema ng lalaking 'to?
Biglang lumapit si Kaizen sa akin at kinuha ang life jacket na hawak ko. Nagulat ako ng siya mismo ang nagsuot ng life jacket sa akin.
Ramdam ko ang tingin ng mga kasama namin sa aming dalawa ni Kaizen. While me? Ano pa ba! Edi nakanganga!
Sino ba naman ang hindi magugulat kung may biglang magsusuot sayo ng life jacket?! Lalo na at hindi mo naman ka close? Malamang ay mafe- freak out ako!
"Hold tight."
In a blink of an eye, nakaupo na ako sa jetski, at sa harapan ko ay si Kaizen. Nanlaki ang mata ko nang bigla nitong pinatakbo ang jetski dahilan para mapayakap ako sa kaniya. "Sheeettt! Muntik na akong mahulog! Kaizen, you devil!" Malakas kong sigaw habang patuloy sa pagtakbo ang jetski sa tubig.
This guy. He really is a devil!
Ni hindi niya manlang hinintay na ihanda ang sarili ko at bigla na agad pinatakbo ang jetski! Gusto ba niya akong mahulog sa tubig?!
I heard him chuckled.
"Let me drive too!" Pasigaw kong sabi. Baka hindi niya ako marinig eh.
Tinigil niya ang jetski at lumingon sa akin. "Do you know how?" He asked. His eyes filled with amusement.
I crossed my arms over my chest and rolled my eyes at him. "Yes. I do know how." Mataray kong sabi sa kaniya. Anong tingin niya sa'kin? Bata?
"Let's swap, then."
"Really?!" My face lit up.
"Ayaw mo?" Bawi niya kaagad!
I frowned. This devil! Hindi ko talaga siya maintindihan. Paiba-iba ang kaniyang ugali.
Mabilis akong pumunta sa kaniyang harapan at umupo dahil baka bawiin pa ni Kaizen ang kaniyang sinabi. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at biglang pinatakbo ang jetski kahit na alam kong hindi pa handa si Kaizen.
At dahil hindi siya nakakapit sa akin ay nahulog siya sa jetski.
"Shit!" I heard him cursed bago siya tuluyang nahulog sa tubig.
How's my revenge, Kaizen?
"Ate Aishie!" Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses na 'yon at nakita sina Meisha kasama ang kapatid nito. Nakangiting kumaway sa akin si Shaira. I smiled and waved back. Ang cute niya.
"Aishie! What happened?" Tumigil ang jetski nila sa harapan ko.
"Is Kaizen okay?" Meisha asked habang nakatingin kay Kaizen na nasa tubig.
"He's more than okay." I said and looked at Kaizen who was floating in the water with his life jacket. He was looking at me with sharp eyes and I didn't even feel threaten. I even stuck my tongue out at him.
BINABASA MO ANG
Whisper of Summer | ✓
Fiksi RemajaA summer full of hopes and fun. ~*~ Aishie Lewster, a clever and famous spiker, lost her love in volleyball when her sister died in a car accident. Two years passed, when her summer vacation begins, she chooses to go to her mother's...