Chapter 33: Summer Festival

121 7 0
                                    

Chapter 33: Summer Festival

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. I can feel his body stiffened dahil nakasakay ako sa kaniyang likuran. Tila na estatwa siya sa kaniyang kinatatayuan.

Nang mapansin kong hindi siya makaimik ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "To be honest, I don't have any idea about that thing called love. I don't know how it works between two people nor have experience it. I've never been in a relationship before. My mind always focus on volleyball and that's why I don't have time to date. In my eighteen years of existence, I don't have any experience falling in love." Page-explain ko sa kaniya.

Ilang segundo ang lumipas bago siya matauhan. Napakurap-kurap ito. "So, you want me to teach you how to date?"

"Yes." Mabilis kong sagot.

"If you insisting it that much, then I guess I have no choice." He chuckles.

I opened my mouth to breathe a word, but I ended up closing it again. Hindi ko nalang siya pinansin pa at binalik nalang ang tingin sa papalubog na araw.

"I think I can walk now." Hindi ko na siya hinayaan pa na makasagot at agad nang bumitaw sa kaniya para makababa sa buhangin.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad.

Pagkarating namin sa may gilid ng resort ay marami nang tao ang nandun. Some of them are already drinking alcohol. Ang iba naman ay nag-iihaw at masayang nag-uusap. Meron ding disco lights at malakas na music.

Nililibot ko ang aking tingin para hanapin sila Meisha. Nang makita ko sila ay agad akong naglakad patungo sa kanilang gawi. I saw Dahlia and Yumi grilling meats, while Tiana, Vina and Meisha are just sitting and waiting on the table.

Kinalabit ako ni Kaizen. "Punta lang ako doon."

Sumulyap ako sa kaniya at tinanguan ito. "Okay."

Pinagmasdan ko siyang maglakad patungo doon sa grupo ng mga lalaki na nagtatawanan at naguusap doon sa may malaking lamesa. Nang makita nila si Kaizen na papalapit ay mas lalo silang umingay. They welcomed Kaizen and talked with him.

Napakunot ang noo ko at kumibit balikat nalang.

Lumapit na ako kila Meisha doon sa may gilid at nang mapansin nila iyon ay lumingon sila sa akin.

"Where have you been?" Tiana asked me.

"Dyan lang sa...tabi." Sagot ko at umupo. Should I tell them that someone confessed to me on my way here? Nah.

Nang matapos sa pag-ihaw sina Yumi ay nilapag nila ito sa mesa na nasa harapan namin. "Dig in, girls!"

"Woah. That looks delicious." Usal ni Vina habang nakatingin sa mga inihaw na pagkain.

"Bon appetit!" Masiglang sabi naman ni Dahlia at umupo sa tabi ni Vina.

Binigyan kaming isa-isa ni Tiana ng plato kaya nagsimula na kaming kumuha ng barbeque at kung ano-ano pang mga pagkain na inihaw nila.

"Who wants some beer?" Tanong ni Dahlia sabay bukas ng malaking cool box na nasa ilalim ng lamesa.

"Me!" Sabay naming sabing lahat.

Tumawa si Dahlia ng malakas. "Sige." Nagbukas siya ng beer at binigyan kami isa-isa.

Nang magsimula silang maging tipsy ay tumayo sila at lumapit doon sa may dance floor at nagsimulang sumayaw kasama ang ibang mga tao.

Mukhang tinatamaan na sila ng alak.

Naiwan tuloy akong mag-isa dito. Well, hindi naman kasi ako sumasayaw. At saka, kailangan ko silang bantayan if they cause some troubles.

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon