Chapter 17: I'll Play

166 10 1
                                    

Chapter 17: I'll Play

"Tsk! We lost in second set." Reklamo ni Dahlia habang nakanguso.

Narinig kong napatawa naman si Tiana nang marinig niya iyon kay Dahlia. "Don't worry. Mayroon pa namang third set."

That's right. Kakatapos lang ng second set. Nanalo sina Lila and Faunia sa set na iyon. It means, kung sino ang makakakuha ng third set ay siya ang panalo sa laro na ito. Ngayon ay may pahinga ulit sila ng three minutes bago simulan ang last set.

"You... you love volleyball, aren't you? Why did you stop playing then?"

Bigla kong naalala ang tanong sa akin ni Kaizen kanina. Hindi ako nakapagsalita sa tanong niya na iyon. Natahimik naman siya na tila hinihintay ang aking sagot kahit na alam niyang hindi ko sasabihin sa kaniya ang aking rason kung bakit ako tumigil sa paglalaro.

Dahil sa tanong na iyon, bigla kong naalala si ate Rosetta. Kahit na pilit ko iyong kalimutan ay hindi ko magawa. Ayaw kong isipin iyon at alalahanin pero hindi ko maiwasan. His question triggered my memories with my sister.

I closed my eyes and feel the gentle wind of summer. Nang buksan ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang court at ang bola na nasa buhangin.

"Let me play." Mahinang sambit ko. Tila lutang ako at wala sa sarili. Kusa lang talagang lumabas sa aking bibig ang katagang iyon. Ni hindi ko manlang namalayan na nasabi ko ang mga salitang matagal ng sabihin ng puso ko.

Napatingin silang lahat sa akin nang marinig iyon sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung ano ang lumabas sa aking bibig at kasabay nun ay ang bahagyang paglakas ng hangin.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero hindi ko magawa. I want to play again. That was really what I want to do. That's what I really feel.

Mas lalo pang lumakas ang hangin dahilan para liparin nito ang mahaba kong buhok.

I can hear it. It was like something or someone is whispering to me that I should follow what my heart wants. It was like the wind is whispering to me. So soft and gentle...

"I-I want to play volleyball, again!" Malakas kong sabi. Nakita ko kung gaano nanlaki ang mata nilang lahat nang sabihin ko iyon. Except for Kaizen. Ni wala manlang bakas na gulat sa kaniyang mukha. Bagkus ay napangiti ito na tila ba kanina pa niya ako hinihintay na sabihin ang salitang iyon.

"I want to play, again..." Napayuko ako at tinabunan ang aking mukha gamit ang aking kamay. Ah. Why do I feel so embarrassed?

"Tsk! Took you long." It was Vina's voice.

Inalis ko ang aking kamay na nakatabon sa mukha ko para tingnan siya. I saw her smiling at me. Natigilan ako pero agad ding napangiti pabalik.

"Aishie..." Sabay na pagtawag ni Tiana at Dahlia sa pangalan ko. Pagbaling ko sa kanila ay nagulat ako nang makita ang mukha nilang dalawa. Para silang naiiyak na ewan. Di ko alam kung matatawa ba ako o hindi.

"You're not joking, right?" Dahlia asked in a soft yet serious tone.

"Do I look like I'm joking?" I sighed heavily.

Napangisi ito sa aking sagot at saka umiling.

May biglang humawak sa aking balikat kaya sinundan ko ng tingin kung sino iyon at nakita si Meisha sa aking likuran.

She smiled at me. "I'm happy for you."

"Yeah. Thank you." I smiled back. After that, sumeryoso na ang aking mukha. "Meisha, let me handle that third set."

Walang experience si Meisha sa beach volleyball. Ito ang una niyang laro kaya pagnagpatuloy pa ito ay mahihirapan siya. Sa sinabi sa amin ni Kaizen kanina, Lila and Faunia placed top 4 in the nationals.

Kaya lang naman nanalo sila sa first set ay dahil sinadya nina Lila na magpatalo at bumawi sa second set.

Kaya naisip ko na makipag-substitute kay Meisha. Dahlia has experienced in volleyball, pati na din ako. If Dahlia is my partner, I'm sure na maipapanalo namin ang laro na ito.

She shook her head as an answer. "Nah. I can't do that. I started it, kailangan kong tapusin ang laro na ito." Nakangiting aniya.

Natigilan ako sa kaniyang sagot. "But–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko kung gaano kaseryoso ang kaniyang mukha.

She seemed determined to win.

As expected of her. Hindi siya yung tipong babae na basta-basta nalang sumusuko.

"I see." I glanced at Dahlia. Mukhang naintindihan naman nito ang gusto kong ipahiwatig. She nodded at nag-thumbs up sa akin. "Go. Show them what you got." She mouthed at me.

Nagsimula akong maglakad papalapit kina Lila. Kasalukuyan siyang umiinom ng energy drink. Natigilan ito nang maramdaman ang aking presensya. Lumingon sya sa akin.

"I'm going to play in the third set. Is that okay?" Tanong ko pagkatigil ko sa kaniyang harapan. Humalukipkip ako habang hinihintay ang kaniyang sagot.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at biglang tumayo. "Let's have a good match."

"Aishie, are you sure?" Tanong sa akin ni Meisha habang naglalakad kami patungong court. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang tugon.

Pagkapasok ko sa court, naramdaman ko ang iba't ibang emosyon na nakatago sa loob ko. Pakiramdam ko ay nakalaya ako. Sobrang tagal na ng panahon bago ako muling nakapasok sa court. It feels like the wall that I built to protect myself in two years is now cracking. And today, I am going to destroy it and see what's beyond the wall.

"Hey! Catch!" Sabay hagis ni Lila ng bola sa akin. Nasalo ko naman ito.

Napatitig ako sa bolang hawak ko. Today... I'm going to play volleyball, again. A beach volleyball to be exact.

I did not expect that this day will come. Napatawa ako ng mahina at napailing nalang.

Sa amin ngayon ang unang service. Lahat ay nasa posisyon na at hinahanda ang sarili sa huling set na ito.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at saka ngumisi. Sa kabilang court naman ay nakita kong naging alerto sina Lila at Faunia.

Pinaikot ko ang bola sa aking kamay para alisin ang buhangin na dumikit dito. Dinama ko ang hangin at napagtanto kong nasa good side kami ng court. Mas lalong lumawak ang aking ngisi. It means...

Hinagis ko ang bola sa ere. Tumalon ako at nalakas itong pinalo papunta sa kabilang side ng net.

"... the wind is on our side."

I'm gonna use the wind as an advantage to attack. Sa paraan na iyon ay pwede naming maipanalo ang laro na ito. Wind can be our friend or a foe. It depends on the situation.

"Out!" The girl referee announce.

"Haa." Napangiwi ako. Mukhang napasobra yata ako sa pagpalo. Idagdag mo pa yung hangin dahilan para bumilos ang pag-ikot ng bola. Well... you can't blame me. That was my first serve after two years without playing volleyball.

"1-0!"

"W-Woah. That was an intense serve." Sambit ni Meisha at napakurap-kurap. Her reaction was different to mine. She look really shocked, habang ako naman ay nakasimangot.

"It's out, though." Napabuntong-hininga ako. Kainis naman! Looks like my luck ran out, huh?

"Hey, Aishie..."

"Yes?"

"I'm going to toss the ball to you... Will you spike it?" The corner of her lips rose up, forming a half smile.

*****

(~‾▿‾)~

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon