Chapter 26: Partner

123 8 0
                                    

Chapter 26: Partner

"So what's our plan?" Tanong sa akin ni Kaizen.

Matapos ang rally na yun ay nag time-out kami ng tatlong minuto upang magpahinga. Hindi naman official ang laro namin kaya mahaba ang timeout. At syempre, instead na magpahinga ay nilapitan ko si Kaizen para sabihin sa kaniya ang mga strategies na naisip ko at pag-usapan ang plano namin.

"First, let me receive the ball if possible. Second, saka mo lang i-toss sa'kin ang bola pag tumalon na ako para magawa natin yung fast attack. And lastly, kailangan nating sirain ang depensa nila." Pahayag ko. I also told him about my plan B, C, and D.

"Okay. I understand your plan." Ngumisi siya sa'kin. "Anong utak bang meron ka?" Dugtong niyang tanong sa akin.

I just flipped my hair.

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "Yabang ka na niyan?"

I rolled my eyes at him.

Matapos ang three minutes na time-out ay bumalik na kaming apat sa may court.

Nilibot ko ang aking tingin at nakitang madami pa din ang nanonood sa amin. Akala ko ay magsisi-alisan na sila pero mukhang nagkamali ako. Mukhang inaabangan talaga nila kung ano ang magiging resulta ng laban.

Humugot ako ng isang malalim na hininga saka dahan-dahan itong binuga at nag-focus na sa laro.

Initsa ni Amy ang bola patungo sa'kin kaya sinalo ko ito. It's my turn to serve na kaya tumungo na ako sa may dulo ng court at lumabas sa linya. Habang naglalakad ay pinaikot ko ang bola at tinapik-tapik para alisin ang buhangin. Lumayo ako ng limang hakbang sa linya.

Nang makita kong naging alerto sina Amy at Chris ay hinanda ko na rin ang aking sarili.

Initsa ko ang bola sa ere at bumwelo para tumalon saka malakas na ini-spike ang bola papunta sa side ng kalaban.

Amy received the ball, it means she's going to attack. But I immediately block it dahilan upang iniba niya ang direction kung saan siya mag-spike.  Good thing nasa likod ko si Kaizen so he should be able to handle it.

Nakita ko namang maayos niyang ni-receive ang bola. Pinakiramdam ko ang akig paligid at binantayan ang bawat galaw nina Chris at Amy.

I jumped so I can make a contact with the ball. Bumwelo naman si Kaizen. Nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatayo si Chris malapit sa net para handang i-block si Kaizen. Si Amy naman ay nasa likuran at binantayan ang galaw ni Kaizen.

Now's my chance. I smirked and immediately dumped the ball sa kabilang side ng net.

This is what you call a setter's dump.

Narinig ko ang biglang paghiyawan ng mga taong nanonood matapos ko iyong gawin.

"Woah! A dump!"

"The timing is perfect!"

"That was an amazing dump, girl!"

Hindi ko napigilan ang paglawak ng ngisi ko. Nang lumingon ako kina Amy at Chris ay kitang kita ko ang lukot nilang mukha na may halong inis. Mas lalo pa iyong nalukot nang makita nila akong nakangisi.

"You can wipe that smug look off your face." Sabay lagay ni Kaizen ng kaniyang kamay sa buong mukha ko para tabunan ito.

"Ugh. What the hell?!" Malakas kong tinapik ang kaniyang kamay para alisin ito sa aking mukha. "Panira ka talaga ng mood." I glared at him.

He just shrugged and smirked.

Nagpatuloy na ang aming laro. Natapos ang ilang rally at sa wakas ay nakahabol na rin kami sa kanila. 19-19 na ang score.

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon