Chapter 30: Real Battle

103 6 0
                                    

Chapter 30: Real Battle

"Where are you going?" I asked Meisha nang makita kong tumayo ito sa kaniyang inuupuan at mukhang aalis.

"Cr lang."

"Balik ka agad."

Tumango siya sa akin at dali-daling umalis.

May natitira pa naman kaming dalawang oras bago magsimula ang semifinals.

Nilibot ko nalang ang aking tingin at nakita ang mga maliliit na lanterns na nakasabit sa mga puno. Come to think of it, summer festival na pala bukas. I almost forgot about it. Masyado akong naka-focus sa competition kaya muntik ko ng makalimutan ang festival.

Here in Zahraville, they always held a festival at the end of summer every year.

Hindi ko alam 'to noong una dahil wala namang ganito sa Van Litch. Buti nalang kinuwento sa akin ito ni Dahlia kaya alam ko.

"Haa. I'm bored." Sabay buntong-hininga ko.

I'm also nervous dahil sa sunod naming laro ay si Dahlia at Yumi na ang makakalaban namin sa semifinals.

Dahlia is not an easy opponent. Dalawang taon na ang lumipas simula noong umalis ako sa team noong highschool at sa loob ng dalawang taon na yun ay hindi siya tumigil sa paglalaro at patuloy lang sa pag practice. She can't quit because she's the captain of our team and she needs to guide the players. It's a big responsibility kaya naiintindihan ko kung bakit niya pinagpatuloy ang paglalaro ng volleyball.

Napabuntong-hininga nalang ulit ako.

I decided to watch videos on YouTube while waiting for Meisha to come back at para na rin i-distract ang sarili ko.

"Hey." Said by a familiar voice.

Napairap ako nang ma-realize kung kaninong boses iyon. Nilingon ko si Kaizen at tinaasan siya ng kilay. "Oh? Ba't nandito ka? Diba may laro ka ngayon?" Masungit kong tanong.

He just shrugged, halatang sanay na sa kasungitan ko. "Binigyan nila kami ng fifteen minutes para magpahinga." Sabay pasok nito sa nipa hut at walang hiya na umupo sa upuan na nasa harapan ko.

Dahil sa kaniyang sinabi ay doon ko lang napansin na basang-basa ito ng pawis at bahagyang hinihingal na tila kagagaling lang sa laro.

"Tsk." Kinuha ko ang towel sa loob ng duffel bag ko at binato ito sa kaniyang mukha. "Wipe your sweat." Sabay halukipkip ko. "Don't worry hindi ko pa yan nagagamit."

Mabilis nitong inalis ang towel sa kaniyang mukha at tinitigan ito "Is it really okay for me to use it? Anong gagamitin mo mamaya?" Kumunot ang kaniyang noo.

"Dalawang towel yung dala ko kaya sayo na yung isa."

"No. I'll wash it and return it to you." Mahinahong sambit niya

"Do what you want." Tamad kong saad. Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong gagawin niya ang kaniyang gusto kahit na anong sabi o pigil ko sa kaniya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagnonood ng video sa YouTube.

"Hm. Thanks," sambit niya at pinahiran ang kaniyang pawis gamit ang towel na binigay ko sa kaniya.

After that ay binalot kami ng katahimikan. Tanging ang video na pinapanood ko ang tunog na naririnig namin. Walang may nag-abalang magsalita. It's quite but comfortable.

I took a peek at him and nakita siyang nakasandal sa hamba. Hindi siya gumagalaw at nakapikit lang ang kaniyang mga mata.

Is he concentrating?

Maybe. He said na binigay sila ng fifteen minutes para magpahinga at pagkatapos nun ay ipagpatuloy ulit nila ang kanilang laro.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya kaya nagulat ako nang bigla nitong minulat ang kaniyang mga mata dahilan upang saglit kaming nagkatinginan.

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon