Chapter 15: Memories
"Ate... it hurts..." naiiyak kong sabi sa kaniya habang nakatingin sa tuhod kong may sugat.
Napakamot si ate Rosetta sa kaniyang batok at napabuntong-hininga. "Let's go inside. Gagamutin natin yan." She said softly.
Sinubukan kong tumayo pero biglang kumirot yung sugat ko sa tuhod. "I-I can't stand..." sa sobrang sakit ay muli akong umiyak ng malakas.
Nakita kong lumabas ng mansion si mommy, nang makita niya kaming dalawa ni ate ay nagulat ito. Mabilis naman siyang lumapit sa amin. "What happened?" Nag-aalala niyang tanong pagkalapit niya.
Pinakita ko naman sa kaniya yung tuhod kong may malaking sugat. Nadapa kasi ako kanina habang tumatakbo ako paikot-ikot sa fountain.
"Don't you cry, too, Rosetta." Mom told her.
"B-but... but Aishie won't stop crying." Naiiyak na sambit nito.
Doon ko lang napagtanto na umiiyak din pala siya. At dahil ayaw ko siyang makitang ganun ay pinilit ko ang aking sarili na tumigil sa pag-iyak. Nang magtagumpay ako ay ngumiti ako sa kanilang dalawa. "A-Aishie is not crying anymore." Nauutal kong sabi.
Nakita kong napailing si mommy habang nakangiti. Binuhat niya ako at pumasok na kami sa mansion. Pinaupo niya ako sa sofa at tumabi naman sa akin si ate Rosetta. Habang si mommy naman ay ginagamot ang sugat ko.
Sa totoo lang, hindi talaga kami masyadong close ni ate. Mahilig akong maglaro samantalang siya naman ay palaging nakatutok sa kaniyang tablet o computer. Palagi din siyang nakakulong sa kwarto niya at minsan lang lumabas. Sa amin yatang dalawa ay ako ang pinakamakulit at siya naman ay tahimik.
Minsan nga kailangan ko pang pumasok sa kwarto niya at hilain siya palabas para lang makipaglaro sa akin.
"Ah! It's so cold!" Mabilis kong sinara ang bintana at mahigpit na yinakap ang aking sarili. Gabi na at sobrang lakas ng ulan ngayon sa labas.
Inaantok na ako pero hindi naman ako makatulog dahil sa lakas ng ulan. Idadag mo pa yung nakakatakot na kidlat.
Bumalik ako sa aking kama. Humiga ako at binalot ang makapal na kumot sa aking katawan para hindi ako lamigin. Pero bigla akong napatalon sa gulat nang kumulog ng malakas sa labas.
"Eeehhhhh!" Pinalobo ko ang aking pisngi at ngumuso.
Tumayo ako at umalis sa aking kama. Nakasimangot ako habang lumalabas ng aking kwarto. Tumungo ako sa harap ng kwarto ni ate at walang paalam na binuksan ang kaniyang pinto. Hindi naman naka lock eh.
Madilim ang kaniyang kwarto pagkapasok ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang kama. Nakahiga ito at nakatalikod sa aking direksyon kaya hindi niya ako napansin.
Alam kong gising pa siya dahil nakikita ko ang liwanag na nanggaling sa kaniyang iPod.
Ngumisi ako at tumalon sa kaniyang kama. "Boo!" Malakas kong sigaw malapit sa kaniyang tainga.
"Ay momo!" Napabangon siya bigla dahil sa gulat. Muntik pa niyang mabitawan ang iPod niya.
Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pagtawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang reaction niya! Haha!
"Aishie!" She called my name and gave me a death glare.
Nag-peace sign ako sa kaniya habang siya naman ay mahinang napatampal sa kaniyang noo. "What are you doing here? Do you want something?" Kunot-noo niyang tanong.
I pouted. "I can't sleep."
Napataas ang kilay niya. "And?"
Ngumisi ako ng malawak. "Can I sleep here?"
BINABASA MO ANG
Whisper of Summer | ✓
Teen FictionA summer full of hopes and fun. ~*~ Aishie Lewster, a clever and famous spiker, lost her love in volleyball when her sister died in a car accident. Two years passed, when her summer vacation begins, she chooses to go to her mother's...