Chapter 18: Toss

153 9 1
                                    

Chapter 18: Toss

"Out! 1-1!"

Hindi ko alam kung nasa side ba namin ang swerte dahil na out din yung serve ni Lila. Ngayon ay pantay na ang score namin.

Kinuha ni Meisha ang bola sa buhangin. It's her turn to serve now. Ako naman ay pumosisyon malapit sa net para maghanda.

Kina blew the whistle tanda na pwede ng mag serve si Meisha. She has only eight seconds to complete her service action.

Hinanda ko ang aking sarili para sa panibagong rally nang maramdam ko ang biglang pagdaan ng bola sa aking gilid, malapit sa aking ulo. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at hindi kaagad nakagalaw.

"What the... hell?"

Tumama ang bola sa gitna ng net at nahulog ito sa buhangin.

I think I almost got hit at the back of my head by the ball.

Tumingin ako kay Meisha gamit ang blanko kong mukha. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya ng tahimik. Bigla siyang nataranta nang makita akong naglakad papunta sa kaniyang direksyon.

"Aishie, I'm so sorry! I'm so nervous and my mind completely block when it's my turn to serve. Sorry! Muntik na kitang matamaan sa ulo! I didn't meant to do that! I swear! Kinabahan lang talaga ako!" Mabilis na paliwanag niya habang kinukumpas ang kaniyang kamay sa ere.

"And?" I said in a matter-of-fact tone.

"I-I panicked when that girl blew the whistle so, when I was about to serve the ball, my hand slipped and... that's why the ball..." Humina ang kaniyang boses at umiwas ng tingin na tila ba ayaw tapusin ang kaniyang sasabihin.

"I know but..." Nagsulubong ang dalawa kong kilay at tinuro sya. "Then why are you laughing?!"

"H-huh? I-I'm not!" Pagsisinungaling niya!

Napatingin ako sa direksyon nina Kaizen, Vina, at Tia nang makarinig ako ng mahinang tawa mula sa kanila. Kaizen and Vina quickly averted my gaze when they saw me looked at their direction while restraining themselves from laughing out loud.

Except kay Vina.

"HAHAHA! WHAT WAS THAT?! I WANT TO SEE IT AGAIN!" Sabi nito at tinuro ako habang tumatawa ng malakas. Pati mga taong naglalakad ay napapatingin sa kaniya dahil sa lakas ng tawa nito.

Napabuntong-hininga ako ng malakas at tiningnan sila ng masama. "Geez." Tumingin ako kay Meisha at bigla itong umayos ng tayo. "Use the underhand serve instead of float serve." Pagalit kong sabi.

Mabilis siyang tumango. "Okay!"

"Let's continue."

Pinagpatuloy namin ang laro. Nang matapos mag serve ni Lila ay nagsimula na ang aming rally.

Mabilis akong tumakbo sa may gilid kung saan papunta sa bola. I put my hands together to receive the ball and pass it to Meisha. She positioned herself near the net and use a bump set to toss the ball in the air.

The corner of my lips rose up when I saw that set. It's not perfect... but not bad, Meisha.

Tumalon ako ng mataas, I was about to hit the ball when Lila also jump to block it. I smirked at her. Kumunot naman ang kaniyang noo.

Instead of spiking, I hit the ball using my knuckles.

It's called pokey.

She really think that I'm going to spike, huh?

Biglang nanlaki ang mata niya nang makita ang ginawa ko. "Pokey?!" Gulantang sabi nito.

Before Faunia realize what's going on, the ball hit the sand.

Whisper of Summer | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon