Chapter 8: Pain
"Woy, Daisuke! Bawal kayong mag pair ni Kaizen, pareho kayong magaling sa volleyball!" Sigaw ni Yumi kay Daisuke na kasalukuyang nagpe-pair kay Kaizen.
Lumayo ito kay Kaizen at sumimangot. "Oo na. Tsk." Nakita kong napailing naman si Yumi.
"Let's start! Shin and Kaizen pair versus Yumi and Daisuke pair! Tentenenen!" Sabi ni Meisha at may pakumpas pa ng kamay sa ere. Siya daw ang referee ngayon.
"I'm getting fired up! I'm gonna beat you today, Kai." Daisuke said sabay turo nito kay Kaizen na kasalukuyang humihikab.
"Not a chance." Kaizen smirked.
Pumasok na silang apat sa may court. Kina Yumi ang first serve ngayon.
Ako naman ay tumalikod na at nagsimulang maglakad paalis. We are talking about volleyball here. Syempre hindi ako manonood.
"You are not gonna watch, Aishie?"
Natigilan ako at napalingon kay Meisha. "Nah. I'm going home." Hapon na rin kasi. Baka hinahanap na ako ni lola.
"Babalik ka bukas?"
"Yeah." Tugon ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Watching their match will make me remember what happened in the past. So, I'm not gonna watch them to avoid remembering it. Simple as that.
Pagkauwi ko sa mansion ay agad akong tumungo sa aking kwarto at pabagsak na humiga sa aking higaan. I'm so tired. Ang daming nangyari sa araw na ito. Saka ko lang naramdaman ang pagod habang nakahiga ako sa aking kama.
Dahan-dahan kong pinikit ang aking mata hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Bigla lang akong naalimpungatan nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kinusot ko ang aking mata at bumangon mula sa pagkakahiga.
I yawned and glanced at my wall clock. It's already 6:45 in the morning. Narinig kong tumunog ang tiyan ko. Doon ko lang naalala na hindi pala ako nakakain ng dinner kagabi.
Umalis na ako sa aking kama at tumungo sa bathroom. I took a shower first and after that ay nagbihis ako. I was wearing a yellow tops and maong shorts. I stared at my reflection in the mirror. Dark brown hair, hazel eyes, pointed nose, long lashes, thin lips and fair skin.
Kinuha ko na ang hairbrush sa drawer at sinuklay ang aking buhok. And then, I tied my dark brown hair into ponytail.
After kong mag-ayos ay lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba ng hagdan. Pagkarating ko sa dining area ay nakita kong wala pa si lola. Pansin kong maraming pagkain ang nasa table. Bahagyang kumunot ang aking noo.
Anong meron? Bakit ang daming pagkain sa table?
"Manang, ano pong meron?" Tanong ko kay manang Cora, ang mayodorma ng mansion, nakita kong inaayos nito ang mga plato at kutsara sa table.
Napatingin ito sa akin nang mapansin ako. Ngumiti siya bago sumagot. "Darating ang isa mong pinsan, Aishie. Nandun sa labas ang iyong lola, hinihintay siya." Sagot nito sa akin. Pagkatapos nitong ayusin ang mga pagkain sa table ay pumasok ito sa kitchen.
Habang ako naman ay napaisip dahil sa kaniyang sinabi. Pinsan? Then, that means...
"AISHIEEE! I MISS YOUUUU!!"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw na 'yon sa bawat sulok ng mansion. Napahawak pa ako sa aking dibdib sa sobrang gulat. Ngumiwi ako nang ma-realize kung kaninong boses' yon.
Dahan-dahan akong lumingon sa pinaggalingan ng boses at nakita ang pamilyar na mukha ng aking pinsan.
"Dahlia...long time no see." I grinned. Dahlia is our captain in volleyball when we're still in high school. Siya ang utak ng team namin noon.
BINABASA MO ANG
Whisper of Summer | ✓
Ficção AdolescenteA summer full of hopes and fun. ~*~ Aishie Lewster, a clever and famous spiker, lost her love in volleyball when her sister died in a car accident. Two years passed, when her summer vacation begins, she chooses to go to her mother's...