BMO 3: missing you

298K 3.6K 66
                                    


5/25/21

BMO 3: MISSING YOU

Salubong pa rin ang kilay ni Jett habang nagda-drive, sa mga panahong ganito, mas pinipili ni Clem ang manahimik, makikiramdam na lang siya. Maghahanap ng timing kung kailan sya pwedeng mang-usisa, kung kailan sya pwedeng makatulong sa kung anumang pinoproblema nito.

Her intuition was right, wala nga itong balak ihatid sya sa trabaho, he's driving his way to his house which is 40 minutes away from the university.

She's thinking of a good excuse to her manager, kung bakit sya di makakapasok. Nanghihinayang din sya sa halaga na kikitain nya, dagdag tulong rin sana iyon sa kanyang expenses.

From time to time sinusulyapan nya si Jett, ganoon pa rin , kunot parin ang noo nito.

What really happened between the two of them? Kanina lamang ang saya nila habang... kanina lamang nakita ko mismo sila, ganun ba kadali mag bago ang mood kapag ginawa ang bagay na iyon?

Nagulat na lamang si Clem ng huminto na ang kotse sa tapat ng building ng tinutuluyang condo ni Jett, she didn't wait for his orders para bumaba, sinundan nya na lamang ito hanggang sa makasakay sa elevator.

Nakakabingi pa rin ang katahimikan, di ito tumitingin sa kanya at di rin nagsasalita.

Hanggang sa pumasok ito sa unit nito, he didn't close the door, nakatayo lamang sya doon sa bukas na pinto, nasa sala na si Jett, hanggang ngayon hindi pa rin nya ma-gets kung ano ba talaga ang gusto ng bestfriend nya, bakit ba ito nagkakaganito?

Cold treatmeant na naman.

Ganito kasi ito, everytime na may kinaiinisan sa kanya o di gusto na bagay, tahimik, di magsasalita, hindi ka kakausapin. Hahayaan kang mabaliw sa kakaisip kung saan ka nagkulang o nagkamali.

Nakatayo lamang sya doon nagdadalawang isip kung papasok ng mag ring ang phone nya. Nang tinignan nya ang caller ID, si Jill kasamahan nya sa trabaho, hindi ito tumatatawag sa kanya kung hindi mahalaga.

"Yes, Jill?"

"Nasaan ka?" worried ang boses nito at pabulong lamang.

"Hindi ako makakapasok,"

"Sorry girl, pero kung ayaw mo mawalan ng trabaho kailangan mong mag-report tonight, galit si manager, tumakas lamang ako para i-inform ka."

"Ganoon ba talaga? Hindi ba madadaan sa pakiusap?"

"Alam mo naman na marami rin ang naghahanap ng trabaho this time and maraming beses ka na rin humingi ng mga excuses, ayaw nyang maging unfair sa iba." Sagot nito.

"Oo, pero," she felt defeated, ilang beses na ngang di sya pumasok noon at napagbigyan na, sa sarili nya rin alam nyang sobra na sya sa mga paki-usap at pabor.

"Ano papasok ka na ba?"

"Oo sige hahabol ako, kahit late, I can't lose my job." Sagot niya dito, binaba na ni Jill ang phone, hindi naman siguro masama na bigla na syang umalis at di magpaalam kay Jett, maiintindihan naman siguro nito na kailangan nyang unahin ang trabaho nya.

Tumalikod na sya at handang umalis nang may humawak sa kanyang braso, lumingon sya, sino pa nga ba ang pipigil sa kanya?

"Sinabi ko bang pwede ka ng umalis?!" seryoso ito kunot lalo ang noo, nakapagpalit na ito ng pambahay, nakalimutan pa ngang magsuot ng slipper, nagmadali ba ito para pigilan siya?

"Jett, mamaya na lamang tayo mag-usap okay, kung ano man yang problema mo. Kailangan kong magreport sa trabaho or else matatanggal ako, sorry talaga bestfriend," sumamo nya dito, tinatatanggal nya rin ang kamay nito sa braso nya pero lalo pa nitong diniinan.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon