BMO 31: first step

269K 3.5K 269
                                    

sorry for the major delay...

CHAPTER THIRTY-ONE: FIRST STEP

Nabigla si Luke ng makita ang doctor at ang mga nurse na nagtatakbuhan palapit sa room ng mommy ni Clem, sa labas na lang kasi sya nag antay, isang oras na rin sya dun, kagustuhan kasi ni Clayann na kausapin ng sarilinan ang ina.

Although may masama syang kutob dito, he trusted her.

Pumasok na rin sya sa loob ng masilip nya na umiiyak si Clem sa tabi malapit sa ina habang nirerevive ito ng doctor, humakbang na sya palapit dito, he grabbed her immediately for comfort, sa nakikita nya kasi, parang wala ng magagawa ang mga doctor, at si Clem, parang tanggap nya na rin because hindi sya nagpoprotesta, at kahit umiiyak, may ngiti sa labi nya, very rare yun diba? Ang alam mong mamamatayan ka ng mahal sa buhay pero nakangiti ka? Unless na tanggap mo ang you're letting go...

Maya't maya pa, idineklara na ng doctor ang oras ng kanyang kamatayan. Apologetic itong tumingin sa kanila at yumuko, bumitaw si Clem sa yakap nya at hinagkan ang ina.. sa huling pagkakataon habang may init pa ang katawan nito, sa susunod kasi mawawala na ang warmth na yun...

.......................................

SA chapel naganap ang burol ng mommy ni Clem, Luke contacted some people to arrange everything, at dahil na rin sa mapera at maimpluwenysa sya, hindi iyon nagging mahirap. He asked Clem na tawagan si Jett, pero umiling ito... Alam nyang may nangyari na naman, tuwing sinasabi nya kasi na dapat pa rin malaman ni Jett ang nangyari,. Iniiba nito ang usapan..

"Please Luke, gusto ko lang ilaan ang sandaling oras na ito para kay mommy,"

"If that's what you want," alo nya dito, hindi na nya magawang kontrahin pa ang gusto nito,

"Gusto ko sa isang araw na rin sya ilibing, para sabay ng death anniversary ni dad," tumango na rin sya dito

Sila lang dalawa ang nandoon, nakakabingi ang katahimikan, hindi na umiiyak si Clem tulad noong mga unang oras, kahit na mugto na ang mga mata nito, nakangiti na ito...

"Luke,.."madaling araw na noon, ng mag umpisa ulit itong magsalita, hawak nito ang isang picture frame ng mommy nya, malusog pa ito noon, malamang kuha yun noong hindi pa ito nagkakasakit...

"ang ganda ng mommy mo,,," komento nya, totoo naman ang kanyang sinasabi, maganda talaga ang mommy ni clem, kaya nga maganda rin sya...

"I told her to let go, sabi ko wag na syang lumaban, she died because I requested it, pero masakit pala, masakit isipin na wala na akong pupuntanhan sa hospital para dalawin,,"at some point , sinisisi nito ang sarili, na sana hindi ito sumuko....

Luke grab her hands ang squeeze it...

"Tama lang ang desiscion mo, don't regret it, alam kong pagod na rin ang mommy mo, saka baka miss na miss na nya ang daddy mo, ipagkakait mo ba yun?" he tried to lighten up the mood, at hindi naman sya binigo nito, mas bagay kay Clem ang tumawa kaysa umiyak, tapos yung inaasahan pa nitong tao na dadamay dito, despite everything ay wala, hindi rin sya sigurado kung gusto ngang ipaalam nito ang nangyari, pero bakit nga naman hindi nito malalaman? After all ito ang lahat ng may sagot sa mga hospital expenses ng mommy ni Clayann, kaya imposible na hindi nito malaman..

Unless somebody is stopping him,

Pero kahit di man sabihin ng kaibigan , alam nya naming may nagbago, nagging cold at distant na naman kasi si Jett dito, isa lang ang dahilan noon, ang posibleng pagbabalik ni Amanda sa buhay nito...

Baliw sa pag ibig ang tingin ni Luke dito, na hindi nakikita ang dumi ng isang bagay, pinipili lang nitong tignan ang mga bagay na gusto nitong makita, ganun ito kahumaling...

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon