@DEDICATED SA LAHAT NG NATAWA, NAINIS, KINILIG SA KASWEETAN NG BATANG ITO,
MATATAPOS NA PO!
#happy 4M!
#will be publish under LIB..Salamat po sa inyo..kaya kailangang kong i edit..
#support Luke's story,
Chapter 72: SC : aka sentimyento ni Ren
Favorite ko talaga ang batang ito, parang ayaw ko na nga syang lumaki, because once that happened maraming magbabago...marami sa mga readers ang nangangarap na magkaroon ng isang anak na lalake na kagaya nya. Well ako rin, in the future...gusto ko kasi ang kasweetan nya..
Ren's pov
I HATE MY DADDY!!!!
Noong pinasulat kami ng teacher namin ng mga kasalanan na ikukumpisal namin bago ang communion namin noong grade three, sinama ko to sa listahan ko.
I hate my daddy!.
Masama talaga ang loob ko sa kanya noon, at sinabi ko rin yun kay father, syempre nagulat si father, pero noong pinaliwanag ko kung bakit, alam ko naintindihan nya naman ako. Madami syang sinabi and then he said, wag ko daw I hate si dad..
Pero....
Alam kong hindi ako ang paborito nya si Ran, pangalawa yung bunso namin na si Ron, Ronzenn Alden ang buo nyang pangalan, hindi letter C nagstart , ang second name nya gaya ng pangalan ko na Renzenn Calvin at yung kay Ran na Ranzenne Claudeth.
Dapat daw letter A naman ,para daw kasunod sa second name ni Dad na Aiden, kaya sya naging Alden, pinalitan lang ng L yung letter I.
Nagtampo nga sya kay honey kapag hindi daw yun sinunod, hay naku, ang arte nya po talaga, syempre si honey, pumayag, lagi naman syang pumapayag kay daddy.
Pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko ang Clark, para pangalan ni Superman, kaya lang hindi ako tinanong at tinakpan ni Ran yung bibig ko kaya hindi na ako makapagsalita.
Madalas talaga, pinagkakaisahan ako ng dalawa, si Ran at si Dad, si honey lang ang kakampi ko, kaya lang ngayon, syempre busy sya kay baby Ron. Naiintindihan ko naman yung, syempre baby si Ron kaya kailangan ng extra attention ni honey, pero hindi naman nya ako binabalewala eh.
Noong grade four ako, sabi ni daddy, wag ko na daw tawaging honey si honey, mommy na lang daw, kasi big boy na ako.. kung ano ano pa ang sinabi nya.
Pero isa lang ang di ko maintindihan.
Noong wala naman sya honey na ang tawag ko kay honey, bakit sya tinatawag nya si honey love? Di ko naman sya pinagbabawalan ah? Kapag kumakain kami, gusto nya sya lagi ang nilalagyan muna ni honey nga pagkain sa plate, kaya siguro nagtatampo si daddy, kasi ako lagi ang inuuna ni honey... gusto nya ako muna ang mabusog, ayaw nya akong magutom. pero may sinasabi sya kay honey , paulit ulit lang naman, tapos manlalaki ang mata ni honey tapos hahampasin sya.
Wala naman akong makitang kakaiba sa sinabi nya, pero bakit pag sinasabi ni daddy na,
"sige pag ako nagutom kakainin kita!"
Yuck, bampira na ba si daddy o cannibal? Di ba sya nahihiya at kakainin nya si honey at ipapaalam pa sa amin, kaya siguro naiinis ako sa kanya, kapag kinain nya si honey... baka kagatin ko sya, kasi hindi naman ako kumakain ng tao.
Kadiri kaya.
Kapag gabi na kumikidlat ng malakas , hindi ko maiwasang matakot..normal lang naman sa batang gwapo ang matakot diba? Pero at least hindi ako naiihi sa pajamas , di gaya ng mga kaklase ko. Kadiri again!
Lalabas ako ng kwarto at kakatok sa kanila, magkahiwalay na kasi kami ng room ni Ran, malalaki na kami, masyadong ma pink ang kwarto nya , nakakasuka, si daddy ang may gusto noon, di nya baa lam na purple ang paboritong kulay ni Ran?
BINABASA MO ANG
Blame Me Once
Fiksi UmumYes, it was me who cause his pain, kasalanan ko ang lahat, pero tama ba ang maging kapalit? At tama rin ba na magustuhan ko iyon as time goes by? I know i don't have the right to complain I also thought being close with him will make him realize...