unedited kaya yes maraming mali...
500k+ read na ang BMO, surprise lang pero dahil yan sa inyo na sumusuporta, sa una talaga puro iyak to, na ung ako ang reader, tatamarin akong basahin dahil sobrang martir ng bida, buti nalang ako yung writer hehehe...
kung gusto nyo pong magpadedicate,PM nyo lang po ako, madaling mahagilap doon eh, nextweek pa sana ko magupdate, napuno ng update please si comment box eh, yun lang yata laman>.<
................................................
Chapter 46...
Pagksakay sa kotse, tumawag sya sa kanyang P.A. inutusa nya itong mag grocery at dalhin sa bahay nina clem, mahirap ng masermunan ni general Ren, saka sabi nya, papalitan nya yun, doble , doble pa...
Bago nya matawagan ang isang numero na pinatayan nya ng phone kanina, nauna na itong tumawag...
Sheena Calling...
Ang tao na dapat nya munang ayusin, huminga muna sya ng malalim bago sinagot ang tawag...
..............................
"halika na't kumain," sa tawag lamang nay un ni nay nay Espie , napabalik sa kanyang ulirat si Clem, hinatid nya si Jett hanggang sa makaalis ito...wala na sa paningin nya yung anino ng kotse ni Jett, pero nandoon pa rin sya nakatayo...
"sige po," magalang nyang sagot sa matanda, na saksi sa lahat ng kanyang pinagdaanan, second nanay na talaga ang turing nya dito at hindi ibang tao, ito ang karamay nya noong buntis sya sa kambal, at ng ilabas nya ang mga ito, ito ang nagturo sa kanya kung paano mag alaga.. litong lito sya noon, tuliro, pero kasama noon ang kakaibang excitement na may dalawang anghel na syang kasama, na mula sa kanya, at sa isang taong naging especial sa kanya..
Di nga bat' especial pa rin sya hanggang ngayon?
Sipa ng isang parte ng utak nya, hindi sya nakatulog kagabi, magdamang nyang inisip yung halik nila ni Jett, after seven long years,
Akala nya hindi na sya maapektuhan, pero muntikan na syang mawala ulit...
Nagwawala na naman yung kakaibang pakiramdam na yun sa loob nya, na ang buong akala nya matagal nya ng pinatay. Alam nyang nagdahilan lamang ito na matulog sa kanila, sa dami ng mga tauhan nito, imposibleng walang dumating kung sakaling mag utos sya na sunduin sa lugar nila kahit dis oras ng gabi... kahit di nya aminin, alam nya sa sarili nya na Masaya sya kagabi, para na rin sa mga anak nya, for the first time, nagkasama sila sa isang bubong, nakasama ito sa paboritong laro ng kanyang mga anak kahit nagmatigas si Ren na wag daw isali ito.. hindi nya mapigilang matawa sa reaction ni Jett noong magdabog si Ren para wag daw itong isali... di naman nagreklamo ang ama, naawa sya sa disappointment sa mukha nito..
Kita nya sa mga mata nito , kung paano tignan ang dalawa na kung gaano ito kasabik sa mga bata... kung paano napapangiti ito kapag napapako ang tingin sa kung sino man sa dalawa, kahit na kinokontra ito ni Ren, kahit hindi naman talaga ito kinakausap ni Ran...
Pero kilala nya ang mga anak nya, kahit itanggi ng dalawa, kahit tumigil na ito sa pagtatanong sa kanyang noon kung sino ang daddy nila.. alam nyang sabik din ang mga ito... magaling nga lang magtago at hindi madaling magtiwala...
Alam nyang sabik dito si Ren, nakikita nya ang kislap sa mata nito kapag may ginagawang kalokohan laban sa ama... kung nakikita lang ni Jett na palihim itong nangingiti kapag hindi ito nakatingin...parang dati lang naiinggit si Ren kung bakit ang mga kalaro niya may tatay at sila ni Ran wala....hindi pa sya handing sumagot noon, nagulat na lang sya n gang maliit na kamay nito ay humahaplos na sa kanyang mukha...
BINABASA MO ANG
Blame Me Once
Ficção GeralYes, it was me who cause his pain, kasalanan ko ang lahat, pero tama ba ang maging kapalit? At tama rin ba na magustuhan ko iyon as time goes by? I know i don't have the right to complain I also thought being close with him will make him realize...