#hello.. busy pa rin kaya inabot ng matagal
#may nagbabalik, kasi sya na ang susunod.
#unedited.
#two special chapters+epilogue na lang!
.......................
CHAPTER 70:
"Halika na love," pilit ni Jett kay Clem, ang tagal din nila sa loob ng c.r., hinihimas nya ang likod nito, habang hinahawi ng isang kamay ang buhok para hindi masukahan. Panaka naka namang pumapasok ang kambal para makiusisa sa kanilang dalawa. Sinabihan nya na rin ang mga ito na mauna na sa baba, pero ayaw naman iwan ang kanilang mommy.
Mga overprotective talaga.
Ng humupa na ang pakiramdam ni Clem, imbes na alalayan binuhat nya ito papunta sa kama. Hindi na ito nagreklamo na ikinatuwa naman nya. Dahil kung tama ang kanyang hinala na alam naman nyang sureball ay buntis nga ito at kailangan nya ng ipatingin sa doctor.
He can't wait to confirm it.
"daddy, what happened kay mommy?" tanong ni Ran sa kanya, nakahiga na muli si Clem , nakapikit ito, nakahilig sa kabilang side, kinandong nya naman si Ran para sagutin. Hinawi nya rin ang medyo magulo nitong buhok.
Mukhang gusto nya sa mga babae sa buhay nya na mahaba ang mga buhok.
"she's okay, may nakain lang siguro," saka nya na ibabalita ang totoong dahilan kapag sigurado na, syempre addition yun sa pamilya, baka ito rin ang maging daan para pansinin na sya ni Clem, ang hirap kasi kapag iniiwasan siya nito.
"bakit ganoon? Kumain din ako ng kinain ni honey bakit hindi ako nasuka?" takang tanong ni Ren na nasa kabilang side naman, nakasampa sa kama, habang hinihimas ang noo ni Clem...
Ginulo ni Jett ang buhok nito, ang daming nalalaman.
Bago pa man sya nakasagot, dumilat si Clem at ito na ang nagpaliwanag kay kulit.
"mabuti nga at ako lang ang sumama ang pakiramdam hindi na ikaw," ngumuso pa ang batang kaharap, hinimas naman ni Clem ang pisngi nito, at marahang pinsil, ang alam nya kapag pinipisil ang pisngi nito, surely magrereklamo, pero pa gang ina na ang gumawa, tahimik lang, mukhang mas enjoy pa nga, si Ran naman ay umalis sa kandungan nya para tumabi sa ina. Katulad ni Ren, nakilambing din ito, hinawi yung buhok na tumabing sa pisngi ni Clem, Clem turn and look at Ran, ginawa nya rin yung paghimas na ginawa nito kay Ren, assuring her that she's okay, na wala naman talagang dapat ipag alala.
"okay lang ako, don't worry, "
The scene before him is too sweet, na parang pinipiga ang puso nya sa sobrang saya, napalaki ni Clem ang kambal ng ganito, they may not be sweet and caring towards other people, pero ang pagmamahal nila sa kanilang ina at this young age, hindi matatawaran parang ito ang mga pumuno sa mga pagkukulang nya.
Must be Clem's good karma.
At ngayong nasa kanya na ang pagkakataon, he will do everything para maging buo ang pamilyang ito. Kahit sino man ang humadlang at magtaangkang sumira, babanggain nya. No one can destroy this, not even Z, o kung sino mang lalake..kahit out na si Warren sa listahan.
And the perfect way to start this ay ang magpakasal sila ni Clem sa simbahan , na dapat may basbas ng Diyos ang kanilang pagasasama. Para mas tumibay pa ito, iba kasi pang ang nasa taas na ang nasa gitna, mahirap itong buwagin.
"Let's get married," putol ni Jett sa usapan ng tatlo, those pairs of eyes look at him, si Ren na nakanguso noo, si Ran na nakakagat labi at si Clem na nakakakunot noo.
Napakamot sya ng ulo dahil hindi ito ang reaksyon na hinhintay nya, gutso nyang mas masaya, yung tipong naglululundag ang mga ito sa tuwa, at maluha luha si Clem, ganoon dapat diba? pero mukhang hindi, at kinakabahan sya sa mga tingin ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Blame Me Once
Genel KurguYes, it was me who cause his pain, kasalanan ko ang lahat, pero tama ba ang maging kapalit? At tama rin ba na magustuhan ko iyon as time goes by? I know i don't have the right to complain I also thought being close with him will make him realize...