BMO 25: now i know

270K 2.7K 57
                                    

pilit update, aminado...pero ayusin ko nextime, kung kelan yun, di pa ko sure, dedicated sayo, salamat sa mahaba mong comment last chapter ...nakakagalak...

chapter twenty five: now i know

..........................................................................

Buti naman kahit papaano may naisagot si Clem sa examination na yun sa last subject nya.Puro si Jett na kasi ang laman ng utak nya, pati yung konting ginawa nila sa room na yun, buti narinig nila yung mga ingay ng mga estudyante na palapit kung hindi baka saan na yun napunta. nakakahiya mang aminin, nadala na kasi sya ng sitwasyon, gusto nya ang mga halik ni Jett, it was her dream before, ngayon she's living that dream, hindi nga lang alam kung hanggang kailan...

Palabas na ang mga kaklase nya, nakita nya si Luke sa bandang likuran, inaayos nito ang gamit, malalim nga ang eye bags nito, halatang malalim ang pinagdaanan, napansin nya rin na medyo purple ang pisngi nito, at pag tinignan ng maigi, parang may cut sa lips.Apologetic syang tumingin dito, hahakbang na sana sya palapit dito ng marinig nya ang isang babaeng kaklase na tinawag ang pangalan nya...

"Clayanne, hanap ka na ng boyfriend mo," tumango sya dito, inaabangan na nga sya sa labas, nagtatalo ang isip nya, ang mga bilin ni Jett kanina, na masasaktan ito kapag lumapit kay Luke,kahit pa hindi naman talaga makatwiran ang utos na yun,

"i'm okay," she read that message from Luke's lips, pilit lang, pilit din itong ngumiti, para mabawasan ang guilt nya sa hindi pagdamay sa pinagdadaanan nito..

napakabuti ni Luke at sana makita yun ni PJ, na kahit hindi nito masuklian yung pag ibig nito, sana wag itong kamuhian at pandirihan...

Tumango syong muli dito, she mouthed sorry before she left the room...

"ako na magdala nyan," kinuha ni Jett ang gamit nya, all smile ang drama nito ngayon, binigay nya naman ito dito, para wala ng pagtatalo...sa huling pagkakataon sinulyapan nya yung room kung saan naiwan si Luke, sana may taong dumamay dito ngayon, para kahit paano gumaan ang pakiramdam nito.. at higit sa lahat sana hindi ito makaisip ng kalokohan, ayaw nyang isipin na mapariwara ang kaibigan dahil sa kabiguan sa pag ibig... to think na sa bestfriend nya din ito nahulog, parang sya lang din...

Pinagbukasan sya ng pintuan ng kotse ni Jett,

"thank you," ngumiti ito lalo at excited na pumunta sa drivers seat...

"san tayo pupunta?" hindi kasi ang way pauwi ang tinatahak nila, kaya naisipan nyang magtanong,

"maaga pa naman , mamasyal muna tayo..." sagot nito, good mood talaga...parang date?..parang naexcite naman yung puso nya, ayaw nyang bigyan ng ibang kahulugan ang kinikilos nito ngayon, pero hindi mapigilan ng makulit nyang puso ang mag isip, may sarili na nga itong utak ."sa mall tayo may bibilhin ako,"

nahulog naman ang pag asa nya ng isang baitang, hindi pala date, may bibilhin lang pala ito at isasama sya, parang dati lang....

"come on, halika na,," inabot nito ang kamay nya...magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng mall, napangiti naman sya, kasi parang talaga mga bf at gf ang dating nila, tapos yung ibang mga nakatingin, alam mo talagang naiinggit sa closeness nila, sa pagkapit ni Jett sa kamay nya...

"ang bagal mo naman lumakad," lumingon ito sa kanya

"mabagal pa ba yun?" e halos napatakbo na nga sya...binitawan nito ang kamay nya, pero di naman sya lubos na nabigo, kasi ang kamay nito, umakbay naman sa balikat nya.. much better kaysa kanina..feeling nya talaga pulang pula na sya, parang kanina lang magkaaway sila...

"much better," parehas pa sila ng nasa isip...

akala nya may bibilhin ito, pero nagpunta sila sa Cinema, alangan namang may bibilhin ito sa loob ng sinehan...

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon