I can't remember kung may mga inuulit akong sentence ditto, sa tagal ko kasing mag update, limot ko na past chapters eh tamad naman ako basahin lahat kasi nga lalo akong matatagalan, I know naman na you will understand, or kung hindi naman,,,,,hindi ko na proproblemahen yun, hehehehe.....
BMO NINETEEN:
Nandito ako ngayon sa sala, kinakalikot ko pa rin yung bagong phone na binigay sa akin ni Jett.
di nga sya, nagbibiro nung sinabi nya na bibilhan nya ako ng phone, kaya after one hour may inabot sya sa akin ng box kanina sa hospital...
Flashback...
"akin ba talaga to?"
Bigla naman dumapo yung daliri nya sa noo ko, pinitik ako gaya ng dati, pag naiirita sya,"engot ka talaga!" ganun din ang eksakto nyang sasabihin sa akin, once na pitikin nya ako sa noo.
Na gagantihan ko naman ng kurot sa tagiliran nya...nakakamiss yung ganun, kaya naman napatigil at napatitig ako sa kanya.
Gustong gusto kong itanong kung bumabalik na ba kami sa dati, noong panahong kuntento lang sya na ako ang babae sa buhay nya.
Pero parang natauhan naman sya, umayos sya ng upo ditto sa sofa na inuupuan namin...
"Natural sayo, magpasalamat ka na lang , stop asking and saying nonsense..." pabulong lang yun, nag iwas na rin sya ng tingin...
Gusto ko pa naman sanang sabihin na okay pa naman yung phone ko, gusto ko rin malaman kung saan nya yun dinala,,wag nyang sabihing tinapon nya talaga sa basurahan..ang swerte naman ng makakakuha noon, nilagyan ko pa naman yun ng five hundered sa loob ng case, sa likod ng battery..ginawa ko lang pitaka, for emergency use, naging baduy na talaga ako no?
well hindi ko naman kinakahiya yun, marami din siguro kaming gumagawa ng ganun..at isa pa, time na talaga para kalimutan ko ang dating buhay ni Clayanne, puro mga childhood memories na lang yun...
Mag bibirthday na rin pala ako, ilang linggo na lang, isipin ko na lang na early gift to sa akin ni Jett.. hahanapin ko nalang si Luke sa school, para ibigay yung number ko, hindi ko kasi saulado yung number nya eh, saka sya rin kasi yung naglagay noon sa phone ko....
"Jett, anon ga palang sim number nito, para mapalodan ko?" nakasimangot syang tumingin sa akin,
"Bahala kang hanapin dyan, kalikutin mo, at isa paaankalinya yan hindi mo na kailangan palodan, kaya makikita ko kung kaninong number ang cocontactin mo maliban sa akin."
"ha?"
"uulitin ko pa ba uyung nasabi ko na?" ayan, napikon ko na naman sya, kainis kasi ang word na ha, bakit naimbento pa ng bibig ko, nadinig ko na naman sya, kaya lang nagkusang nagtanong ang bibig ko...
"sorry na,w ag ka ng magalit..." sabi ko, mukha na naman kasing galit...kung tutuusain maliit na bagay lang yun..
Pero mukhang pag dating talaga sa akin, madali ng uminit ang ulo nya...
Halos wala na kaming kibuan, konti lang kami mag usap, mukha kasi ayaw nyang makipag usap, nakikiramdam na lang din ako, pero before that, tinanong ko siya baka may iba syang lakad..sabi naman nya mamaya pa naman daw, pero mga ilang oras pa, umalis na rin sya..
Nag paalam naman, at sinabi pa na mag iingat daw ako pag uwi...
"Nasaan ang goodbye kiss ko?"
Nakalabas na sya ng pinto, bago ko sabihin yun...
Asa naman ako, eh, hindi nya nga ako halos pansinin...
BINABASA MO ANG
Blame Me Once
Ficção GeralYes, it was me who cause his pain, kasalanan ko ang lahat, pero tama ba ang maging kapalit? At tama rin ba na magustuhan ko iyon as time goes by? I know i don't have the right to complain I also thought being close with him will make him realize...