UNEDITED...
...............................................................................
Chapter 51 : kiss
Pakiramdam nya ang gaan ng pakiramdam nya, nag open na kasi ang matanda na matagal ng kinatatakutan...
Hindi naman pala masama...
Kung reasonable man ang dahilan nito...nakaraan nay un...
Ang importante ngayon at kung paano nya pahihirapan "kuno" si Jett na alam naman nyang ginagawa na ng kambal nya..
...........................................
Bit bit ni Warren ang pumpon ng bulaklak, nandito sya para bisitahin ang kanyang tunay na Anghel.
Inilapag nya ang bulaklak at nag alay ng panalangin dito, 9 taon na ang lumipas, pero parang kahapon lang , sariwa pa rin kasi ang bawat sugat..
"ang kapal ng mukha mong pumunta dito," narinig nya ang mabigat na yabag sa likod nya pero hindi sya lumingon..
Gusto nyang igalang yung puntod ng anak, nila
"cat got your tongue?" she sarcastically said..
"please, wag tayong mag away sa harap ng puntod ng bata," sabi ni Warren sa malumanay na tinig..
"wag mo nga akong patawanin, so kaya pala nagpediatrecian ka dahil nakokonsensya ka sa pagkamatay ng anak natin, ay mali, let me reprahse that, nakokonsesya kasi dahil you killed our daughter, because of your damned pride!" galit na sabi nito.
"Stop it Sheena! Wala kang alam!" wala naman talaga itong alam sa kung ano ang nangyari noon, mahina ito dahil sa kapapanganak, 5 araw matapos magsilang, namatay ang bata, kinabukasan matapos ang birthday pa nito...mahina ang puso.... Kung nanghingi lang daw sana si Warren ng tulong sa daddy nito...nabuhay sana ang anak nila.. pero ano nga ba ang alam ni sheena, hindi naman nito batid ang pagluhod at pagmamakaawa ni Warren sa harap ng ama nito para sagipin ang kanilang anak.... Mga bata pa kasi sila....mapusok...nagatanan,....kaya intinakwil si Sheen, idagdag pa na sa isang utusan at paaral lang nila sumama ang kanilang anak... isang malaking dagok yun at kahihiyan.. lalo na kapag kumalat ang pagiging dalagang ina nito... kaya hindi nila ginawan ng paraan... namatay ang bata....at si Warren ang sinisisi ni Sheena...
Tumalikod na si Warren, maraming sakit na ang dinanas nya sa pamilya ng babaeng ito.... Ayaw nya ng bumalik .... Kaya hanggat maaari, iiwas na lang sya...
Kahit mahirap...
Kahit after all these years... ito pa rin pala.
............................................
Naghanap ng parking si Jett sa hanay ng mga kotse na nakahilera sa tapat ng mansion nina Cocoy... wala syang dalang regalo, hindi na sya nakabili to follow nya nalang yun sa kanyang inaanak.. uutusan nya nalang yung assistant nya. Tutal ang pinaka goal nya naman today ay maipakilala ang kanyang mga anak sa kanyang mga kaibigan na ayaw syang paniwalaan, maliban kay Cocoy na nakita na nga naman si Ren.
"dito na tayo," baling ni Jett sa dalawa, napatay nya na ang makina, yun nga lang mukhang ayaw lumabas ng dalawa.
Masyadong halata na napipilitan lamang ang mga ito na sumama sa kanya. Napabuntunghininga na lamang sya, lumabas na sya at pinagbuksan ng pinto ang dalawa sa side ni Ran na nakatingin sa kanya.
Ang cute talaga ng anak nyang babae sa white dress nito na mat touch of pink, hate nya ang pink pero ngayon paborito nya na lalo na't pag sinusuot ng kanyang prinsesa. Bagay dito yung wavy nitong buhok na may ribbon sa gilid. Samantalang yung isa, gwapong gwapo sa polo nitong light blue, syempre pinili ni Clem kaya hindi naman makatanggi yung isa na isuot..
BINABASA MO ANG
Blame Me Once
General FictionYes, it was me who cause his pain, kasalanan ko ang lahat, pero tama ba ang maging kapalit? At tama rin ba na magustuhan ko iyon as time goes by? I know i don't have the right to complain I also thought being close with him will make him realize...